"Please Rika don't do this.. ayoko, ayokong makipaghiwalay" Nagmamaka-awang wika ni Xyvier.
Nasa gitna sila ng kalsada at umuulan kaya pareho silang basang basa. Nakisabay ata ang ulan sa kalungkutan at paghihiwalay nila.
"Ayoko na Xyvier" Matigas na saad ni Morie pero sa kaloob looban niya ay parang tinutusok ang puso niya dahil sa sakit.
"Hindi ko na uulitan Rika... Sorry, m-mahal n-na m-mahal kita" Umiiyak na pagmamakaawa ni Xyvier sa babae.
"Ano ba bitawan mo ako" Bigla nalang siyang nanghina dahil sa sakit na nararamdaman. "A-Akala ko m-magbabago ka, a-akala ko m-maayos na pero h-hindi...hindi X-Xy niloko mo nanaman ako. Pinalampas ko, p-pinalampas ko ang u-unang pangloloko mo s-sakin kasi kala ko magbabago ka na" Bigla nalang pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
"R-Rika baby, I l-love you. Sorry s-sorry please isa nalang, I'm b-begging you isa pang pagkakataon Erika, wala kaming relasyon ni Claire Ikaw i-ikaw ang girlfriend ko... Ikaw ang mahal ko"
"Walang relasyon? Nagpapatawa ka ba Xyvier. Hindi ako bulag, kitang kita ko kung paano niyo paligayahin ang isa't isa. Bakit mas masarap ba siya? Mas maganda ba siya? Mas w-worth it ba siyang m-mahalin?" Umiiyak na saad ni Morie.
Mag tatlong taon na sila ng boyfriend niyang si Xyvier pero niloko nanaman siya nito. Noong una ay pinalagpas niya ang panglolokong ginawa nito. Nakita niyang may kahalikan na ibang babae ang boyfriend pero pinalagpas niya iyon dahil lasing si Xyvier noon pero kani-kanina lang ay naabotan niya sa apartment na ka sipping nito si Claire na leader ng cheer dance team.
Umiling si Xyvier at lumuhod ito sa harap ni Morie. "Maniwala ka wala kaming relasyon, aaminin ko may nangyari saamin pero ikaw ang mahal ko"
Hindi na kinakaya ni Morie ang naririnig mula sa lalaki pero lakas loob pa din itong nagtanong. "Ilang beses... I-Ilang beses ng may nangyari s-sainyo?"
Natigilan ang lalaki sa tanong nito at yumakap sa bewang niya. Mas lalo siyang naiyak nang hindi ito sumagot. Ibig sabihin ba nito hindi lang isa.
"Sagotin mo ako Xyvier" Sigaw ni Erika kahit na nahihirapan na siyang magsalita.
"L-Limang beses... Nong n-nag-away tayo may nangyari sa amin non" Pag-amin ni Xyvier habang mahigpit na nakayakap sa bewang ng kasintahan dahil alam niyang pag bumitaw siya dito ay hindi na niya malalapitan ulit ang masaklap pa ay baka hindi na niya ulit makita ang dalaga.
"Tama na Xy, bitawan mo na ako" Malamig na saad ni Morie. Nasa boses nito ang sakit at galit.
"No, n-no Rika g-gagawin ko lahat, wag ka lang makipaghiwalay sakin... w-wag mo l-lang akong iwan" Umiiyak na pagmamakaawa ni Xyvier. Ayaw niyang maghiwalay sila ni Erika, si Erika lang ang bukod tanging babaeng minahal niya ng subra.
"Pinagsisihan kong nakilala kita Xyvier. Sana hindi na ulit magtagpo ang landas nating dalawa" Seryoso at malamig na pagkakasabi ni Morie bago nito baklasin ang kamay ni Xyvier na nakayakap sakanya.
Walang nagawa si Xyvier kundi tanawin nalang ang papalayong bulto ni Erika. Nanghihina siyang napaupo sa gitna ng kalsada.
"Is this the last?" Tanong nito sa sarili at tumingala.
Wala na si Erika. Wala na sila. Ang babaeng nagtagal sa kanya. Si Erika ang babaeng mahal niya. Alam niyang sa pagkakataon na yun ay malabo ng magkita ulit sila ng babae at hindi nga siya nagkamali dahil kinabukasan ay nalaman niyang nagtransfer ng ibang school ang babae.
10 years had passed at sa loob ng sampung taon na yun ay hindi na ulit sila nagkita ng babae. Oo, sampung taon.
YOU ARE READING
The Ex Lovers
RomanceErika Morie Andrada is 27 years old, she works as a manager, secretary, and assistant at Harrah's boutique owned by her friend. Xyvier Castro or better known Dr. Castro, 30 years old, a rugged but handsome doctor. He will admit that he was a womani...