Badtrip na paikot ikot sa swivel chair si Erika dahil hindi nito natapos ang report na ipapasa niya sa main branch ng harrah's boutique. Idagdag mo pa na nakita nanaman niya ang pagmumukha ni Xyvier kaya mas lalong siyang nabadtrip ngayong araw.
"Malas talaga ang lalaking yun" Saad niya sa sarili.
Tumingin siya sa nakasabit na clock at subra 6pm na pala, kailangan na niya umuwi sa apartment. Masyado siyang na busy sa nagdaan na araw kaya naman hindi na nito naaalagaan ang sarili.
Kanina ay sinamahan niya si Zaharrah na magpa check, ayaw niyang pabayaan ito dahil malaki na ang tiyan at baka madapa, sayang naman kung makunan si Zaharrah kasi excited na siyang maging ninang. Malapit ng ikasal si Zaharrah sa mapapangasawa nitong si Alexander Ching.
May parte sa kanya na naiingit dahil magkakaroon na ng pamilya ang kaibigan slash amo niya pero mas nangingibabaw sakanya ang takot na mag-asawa. Pero gusto na niyang magkapamilya.
"Paano naman ako mag aasawa kong wala akong boyfriend?" Kung may iba lang tao sa loob ng opisina baka isipin na nababaliw na siya dahil kinakausap niya ang kanyang sarili.
Pero totoo naman. Paano siya mag aasawa kong pati boyfriend ay wala siya. 'kailangan ko pa ata galingan para makahanap ako ng mayaman na mapapangasawa' bulong niya sa sarili.
Tumayo siya at sinuot ang sling bag. Balak niya ng umuwi dahil pagod siya, kailangan niyang magpahinga para magtrabaho ulit bukas.
Siya nalang ang naiwan sa loob ng boutique dahil umuwi na ang mga kasamahan niya kaya siya ang magsisirado ng store ngayon. Pagkatapos nitong masirado ang boutique ay nag-antay na siya ng masasakyan na taxi.
Ilang minuto lang siyang nag antay ay may huminto din na taxi kaya agad na siyang sumakay.
"Saan po ma'am?" Tanong ng driver. Naisipan niyang kumain nalang sa labas dahil tinatamad siyang magluto.
"Sa may malapit lang po na fast food manong" Sagot niya, ngumiti lang ang taxi driver at magmaneho na.
Hindi rin nagtagal ay nakarating sila sa isang fast food kaya agad na siyang nagbayad sa taxi driver at bumaba.
"Ang layo ko palang nakangiti na sakin si jollibee" Wika niya sa sarili at naglakad na papunta sa loob.
Nang nasa counter na ito ay nag order na siya. "Dalawang super meals at large na french fries isa ding peach mango pie at coke float"
"Take out po?"
"No, dine in" Simpleng sagot niya.
Napatingin sa likuran niya ang cashier dahil sa inorder nito. "May kasama po kayo ma'am?"
"Wala ako lang" Napakamot ng kilay ang babae. Siguro ay iniisip nitong may kasama siya dahil pang dalawa ang inorder niya. Matakaw talaga siya sa pagkain pero hindi naman siya tumataba.
"Heto po ma'am, hatid nalang po namin sa table mo ang order mo ma'am" Nakangiting wika ng cashier.
Nang makaupo siya sa bakanteng table ay nagbinat binat siya at hinilot ang likod. Masyado siyang pagod at pati likod niya ay sumasakit na din.
'kailangan ko na ata magpamasahe' Bulong nito sa sarili.
Maya maya pa ay dumating na ang order niya.
"Enjoy your meal ma'am" Wika ng waiter. Napataas tuloy ang kilay niya, hindi naman ganto ang mga waiter sa ibang branch ng jollibee ha. May itsura din ang lalaki at may katangkaran, siguro ay na sa 5'9 ito pero halata sa mukha nito na bata pa. Siguro mga 21 o 23 ang edad nito.
Nagsimula ng kumain si Erika dahil gutom siya, hindi ito naglunch kaya parang pang dalawang tao tuloy ang na order niya.
Sa kalagitnaan ng pagkain niya ay may natanaw siyang pamilyar na bulto sa counter. Maraming napapalingon dito lalo na ang ibang babae. Pati ang mga babae sa may counter ay napapalingon dito.
YOU ARE READING
The Ex Lovers
RomanceErika Morie Andrada is 27 years old, she works as a manager, secretary, and assistant at Harrah's boutique owned by her friend. Xyvier Castro or better known Dr. Castro, 30 years old, a rugged but handsome doctor. He will admit that he was a womani...