My father had always told me a very interesting story. Sometimes when he's bored, most of the time when he tucks me in my bed. He would sometimes gets lost in space while narrating as if his words were real.
"We are not the only being that lives in this world, Moke," he would always start his story with those words.
I closed my eyes para ma-imagine ang posibleng itsura ni Papa habang ikinukwento iyon.
"There must've been a lot of times that you don't belong here."
You're right, Pa.
Araw araw ay nararamdaman ko iyon. Walang oras ang lumilipas na hindi ko natatanong ang sarili ko kung nasa tamang lugar pa ba ako. It always feels like I'm lost kahit na parang hindi.
A map floating in the air would show up in front of me everytime he starts discussing about the world beyond where we are.
"There are 5 realms in the world.
The first and highest realm of all is the Celestial Realm. The realm for the gods and goddesses of the world. Those who had cultivated and reached the godly level of the immortals. They are in charge of the different things for the other realms. The star formations, weather, and others."
I imagined myself inside that realm. A realm that's supreme and powerful. If only I belonged there...
Only true gods can be born there, Moke.
I will never be able to enter that unless I ascend into godship.
"The second is the Immortal Realm."
He would stop there before pointing the map that states the name of the realm.
"That is where we belong, Moke."
As a child, it is natural that I'd get curious kung bakit wala kami sa lugar na tinutukoy niya.
"Bakit wala tayo roon, Pa?"
Titigil siya saglit saka bubuntong hininga. Palagi iyon. Parang malalim ang iniisip bago ako sagutin.
"Dahil hindi pa oras para bumalik tayo roon."
"The Immortal realm is where immortals live. Hindi gaya ng mga tao dito, ang mga immortal ay hindi namamatay nang dahil sa katandaan."
Just like what he always does, inilapit niya ang kamay niya sa dibdib niya.
"We possess an immortal core. With it, mayroon tayong immortal energy na madalas ay ginagamit natin sa pagc-cultivate para maging godly core iyon. Ang spiritual power naman natin ang nagpoprotekta sa immortal energy at core natin. Sa tulong nito, nakakagamit tayo ng mga weapon at nakakapagsummon ng mga bagay na may spiritual energy pero walang immortal core para magpalit ng human form."
Akala ko lahat ng sinabi niyang iyon ay kathang isip lang. But seeing it for myself habang nakatingin sa labas ng bintana upang matanaw ang kalawakan ng siyudad na ito ay napagtanto kong hindi iyon bunga ng imahinasyon niya bilang imbentor.
"The Mortal Realm is where we are. Wala silang immortal core o di kaya ay spiritual power. Wala silang kapangyarihan at wala rin silang alam sa iba't-ibang dimension meron ang mundong ginagalawan nila. At kung sakali mang malaman nila ang tungkol dito, ang memorya nila sa mga oras na iyon ay tatanggalin at wawasakin."
Sinasabi rin niya palagi na hindi pwedeng magkaroon ng malalim na ugnayan ang mga immortal at mortal. Ito ay batas na ang kaparusahan ay kamatayan para sa mortal habang para sa immortal ay ang kawalan ng spiritual power at energy.
"Ang pang-apat ay ang Demon Realm."
Hindi lahat ng naroon ay devil. Sabi ni Papa, ang demon at devil ay magkaiba. Ang demons ay mga mamamayan ng demon realm na may demon energy habang ang devil ay spiritual being na ginagawang masama hindi lang ang demons kundi pati na rin ang kahit sinong parte ng limang dimension.
"Ang mga demons ay para lang ding immortal. Nga lang, may demon core sila dahilan para magkaroon sila ng demon energy. Pero hindi ibig sabihin noon ay mga devil na sila. Gusto lang din nilang mamuhay ng tahimik kaya ginawa ang demon realm upang hindi matakot ang mga immortal at para hindi rin matakot para sa kani-kanilang buhay ang mga demons."
"Ang pinakahuli ay ang Nether Realm. Dito napupunta ang mga kaluluwa ng mga mortal, immortal, at demon na namatay. Dito nananatili ang kanilang mga piraso ng kanilang immortal o demon core kapag sila ay namamatay. Dito rin ikinukulong ang mga may salang gumamit o di kaya ay may devil core dahil sa pagkonsumo ng devil energy."
He would emphasize na ito ang pinakadelikadong dimension na meron ang mundo. Dito, hindi mo malalaman kung anong klaseng bagay ang maiingkwentro mo. Though hindi pa siya nakakapunta roon, grabe na agad ang takot niya sa Nether King ng realm na iyon.
Understandable.
Anyone woul probably tremble, lalo na kung hari ng kamatayan ang makakasalamuha mo.
But that's not the case for me.
Kung kinakailangan ko siyang harapin para sa katotohanan ay gagawin ko.
Kahit ang mga diyos ng Celestial realm ay kakayanin kong maabot para lang mapunan ang mga hinihingi kong dahilan sa mga bagay na nagyari sa akin. Sisiguraduhin kong makakatungtong ako sa harap nila.
I would do everything to reveal the truth of that day.
I had died once. I don't mind dying again
BINABASA MO ANG
Beyond the Seals of Heaven
ФэнтезиFive Realms Trilogy Gaining something means losing something else. Can a mere immortal endure the pain of sacrifices for the world and her fate? Moke Alexandria Tavarious found herself in a world that's foreign but feels awkwardly familiar to her. C...