Chapter 9:
Visit[Gavi's POV]
"Ugh!!!"
Giarra's loud groan filled the dorm habang pahiga siya sa sofa. It's been a week simula nang mangyari ang atakeng iyon na ang napuruhan ay si Moke na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising.
Miss Serene had been in and out of her room and the Headmistress' office. Although they told us that it was just a part of some procedure, hindi pa rin namin maiwasang mag-alala.
"Do you think he'd be mad?" bigla namang tanong ni Eir.
Nilingon ko siya sa may kusina habang si Giarra naman tamad lang siyang tinapunan ng tingin.
"Sino naman?" si Giarra.
"Yung tito ni Moke," sagot naman ni Eir.
"Syempre naman noh. Yung kaisa-isa niyang pamangkin, napahamak sa loob pa mismo ng academy na inaakala ng lahat ay ligtas dahil sa mga humahawak nito."
Yeah right. Alam na nilang hindi tunay na anak ni Damien Tavarious si Moke dahil sa sinabi ko noong nasa office kami ng Headmistress. But, other than that, wala na silang ibang alam sa pagkatao ni Moke bukod sa nakita nila at na-experience when she got in this academy.
Unlike them, kilala ko na siya noon pa. Though the things I know aren't that deep, I'm still sure it'll help kung maaalala iyon ni Moke. Kung pwede nga lang ay pumunta na agad kami sa Pond of Memories para lang mahalungkat ang lahat ng ala-ala niya ay ginawa ko na.
But that's not possible yet. Hindi pa kami maaaring makapunta doon lalo na't hindi pa nagbubukas ang immortal veins namin. To get there, we would need to have our Kimia, pass the assessment test, go to the Hidden Forest, travel the Ghost Mountain that is already between the Nether Realm and Immortal Realm para marating ang Pond of Memories.
Bakit ba kasi hindi niya ako maalala?
"Alex!"
I snapped back nang biglang isigaw ni Giarra ang pangalan ko. When I looked at her, she's already sitting with a throw pillow in her arms at nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
"Ano yun?" wala sa wisyong tanong ko sa kanila.
"We were asking you kung sigurado bang pupunta ang pinuno ng mga Tavarious ngayon dito," si Eir ang sumagot na ngayon ay nasa harap ko na, at nakaupo sa pang-isahang couch.
"A-Ahh oo," binalingan ko ng tingin si Giarra saka nagsalita ulit. "Narinig ko kanina kina Lyssa pati na rin nung pumunta ako sa office ng Headmistress."
Bahagyang tumaas ang kilay ni Giarra.
"Bakit ka naman pumunta don?" may tinig ng paghihinala sa paraan ng pagtatanong niya which was off-putting for me.
"I was going to ask for an update dahil alam kong nanggaling sila sa palasyo," sagot ko sa kaniya. "Besides, they're not letting us visit Moke. Makikiusap sana ako."
Giarra groaned again saka nahiga at pinagsisipa ang hangin.
"Bakit ba kasi hindi na lang nila tayo pabisitahin don?!" inis na tanong niya saka tiningnan kami. "Malay mo, tayo lang ang inaantay niya para magising siya diba?"
"Tss"
Nagkatinginan kami ni Eir nang magkasabay kami sa pag "tss".
It took a week para makapunta rito sina Damien. Saan naman kaya sila galing?
"Why don't we go there?" I suggested.
"Sira ka ba?" natatawang tanong ni Giarra. "Bawal nga diba? BA-WAL"
BINABASA MO ANG
Beyond the Seals of Heaven
FantasíaFive Realms Trilogy Gaining something means losing something else. Can a mere immortal endure the pain of sacrifices for the world and her fate? Moke Alexandria Tavarious found herself in a world that's foreign but feels awkwardly familiar to her. C...