108

80 2 0
                                    

MESSENGER

VIVA HOT CHIKABABES 🔥

8:45 PM

Ry:
Sis @Emma wer ka
May chinismis si ten
Okay ka lang ba

Chie:
hala ate ko puntahan kita after work ko

Mesha:
Pwede ka naman samin tumigil muna

Emma:
Ang bilis naman kumalat ng chismis sa subd haha
Dito ako kina Noah

Ry:
Dyan ka magstay????

Chie:
omg!!!!!

Emma:
Oo

Mesha:
Pwede dito sakin em

Emma:
Okay na ko dito wag kayo mag alala

Chie:
hala seryoso ba???
i mean kayo na ba nyan?
taray mo naman live-in ang atake <33

Mesha:
Tanga

Emma:
Hindi kami
Pero dito na lang muna ako
Thank you sa concern

Ry:
Magiging okay din lahat teh

Mesha:
Oo nga
Dito lang kami para sayo em
Tawagan mo lang kami pag kailangan mo

Emma:
Thank you mga puks
Love you

Chie:
love u mami emma ko 🥹
pramis here lang kami for you huhu
willing ako mag absent for you

Ry:
O kita mo yan willing daw mag absent ang top employee
Perfect attendance yan tapos willing magka absent
Basta tawag ka lang

Mesha:
Ayaw mo ba talaga puntahan ka namin ngayon?

Emma:
Yoko iiyak lang ako haha

Ry:
O ano naman edi umiyak
Sabayan ka namin
Yakapin ka nang mahigpit

Emma:
Basta ayoko
Promise magsabi agad ako sa inyo pag ready na ako

Mesha:
Sige walang problema
Basta try mo magfocus at mag-isip ng positive things ha

Chie:
huhu buti kasama mo noah
im praying for you ate ko love love u
everything will be okay soon

Emma:
Thank youuu


▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃


Drie Sanchez

9:57 PM

Drie:
I just opened my wi-fi on!
Are you okay?
I heard about what happened.
Pinalayas ka ni tita?
Okay ka lang dyan kina Santi?
Do you want me to come over?
I'm just here, babe!

Emma:
Haha cute mo drie
Okay lang ako rito thank you sa concern
I'm still not ready to talk about it
Pero oo pinalayas ako ni mama
I'll stay here with Noah for a few days

Drie:
Okay, no worries, I totally understand!
Basta here lang talaga ako for you huhu
Sorry lagi ako MIA alam mo naman busy ako paghelp sa campaign and all
Plus di naman talaga ako active on soc med huhu
I'm sorry I wasn't there all the time

Emma:
Ano ka ba drie
Lagi ka kayang nandyan para samin
Wag ka masyado magworry
Alam ko naman na magiging okay din ang lahat
Go do your thing
I'll tell you when I'm ready
I love you

Drie:
Love you babe
Just don't think about it too much ha


▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃


Aaron Jimenez

10:10 PM

Aaron:
Emma naglayas ka daw?
Asan ka ngayon?
Ayos ka lang?

Emma:
Sino ba nagchismis sayo? Ang fake news naman?!

Aaron:
Bakit di ba totoo?
San ka tol?

Emma:
Pinalayas ako hindi naglayas

Aaron:
Ay pota di nga
San ka ngayon gagi?
Bakit ka pinalayas?

Emma:
Edi the usual fam problem
Baka di na kinaya ni mama haha
Dito ako kina Noah

Aaron:
Taena mo ka nasa condo ka niya?
Desisyon mo yan?

Emma:
Oo desisyon ko
Stay lang ako rito for a few days

Aaron:
Ios ka lang ba lods?

Emma:
Haha hindi
Pero magiging okay din naman ako
Sanay naman na ako sa ganto

Aaron:
Wag mo kimkimin problema mo ha
Magsabi ka samin
Tawagan mo ko pag kailangan mo ko
Punta ko agad

Emma:
Thanks orb
Labyu

Aaron:
Okay naman dyan kay santiago?

Emma:
Okay naman daw

Aaron:
Gege mas okay nga na kasama mo siya
Wag ka masyado magoverthink ha taena mo
Puntahan talaga kita
Reply ka lagi nag-aalala ako

Emma:
Minura pa nga

Aaron:
Haha sorry na

Emma:
Hahaha okay pows try ko di mag overthink kahit na talent ko yun

Aaron:
Baliw
Padala ako mga paborito mo dyan

Emma:
Wag na gagi

Aaron:
De papadala na ako ngayon

Emma:
Tangek ka

Aaron:
Wala ka magagawa pabebe pa amputa
Nagsabi na rin ako kay santi
Abangan mo na lang
May gusto ka pa ba?

Emma:
Reese's tsaka twix pls

Aaron:
Gege bilhan din kita sundae

Emma:
Thank you boss aaron

Aaron:
No prob

When He Came (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon