1

12 2 0
                                    

"Hahalikan mo na ako niyan? May pagkasensual sa boses ng sabi nito sa kaniya na nagpatayo ng balahibo niya sa katawan ngayon.

"Ulol asa kapa ang baho ng hininga mo. Pangaasar niya rito.

Sa sinabi niya ay mabilis naman itong nagbawi ng tingin at bumuga ng hininga sa palad nito at inamoy iyon. At ngayon ay marahas ng bumaling ang tingin sa kaniya.

"Bawiin mo iyong sinabi mo. Pag hind--

"Pag hindi ano? Agap naman tanong niya rito.

"Parurusahan kita. Humihinang sabi na nito sa kaniya ngayon.

"Parurusahan naman ng ano? Balik na tanong naman niya rito. Na hindi na rin mapigilan magtanong,dahil sa nakaramdam din ng excitement sa sarili. Pero mabilis din niyang ipiniling ang kaniyang isipan nang mapagtanto ang lahat. Ngunit huli na.

"Nang ganito----Pagkatapos Sabihin nito iyon ay bigla na lang siyang hinila nito ng marahas sabay siniil ng mapangsisid na halik nito. Sa una nagpupumiglas pa siya sa ginawa nito. Pero kalauanan ay, pumikit na rin sa huli. Habang ninanamnam ang malikot na dila nito na gumagalugad sa kaloob looban ng bibig niya. Hindi ito ang unang halik niya, pero sa pamaraan ng halik nito ay parang naging first timer siya sa ganitong aspeto ng romansa. Saka lang siya nagising ng mawala na ang labi nito, na nakadikit kanina lang sa mga labi niya ng maramdaman ang lamig. Lutang naman ang isip na hinanap ng kaniyang mga mata niya ang binata pero huli na at nakita niyang nakalayo na pala ito ngayon sa rehas ng pumapagitan sa kanila.

"Hindi naman halata na gusto mo na ako niyan, Miss Chong. Asar nito sa kanikaniya. Na ikinapula naman ng husto ng mukha niya sa inis dito ngayon.

"Walang hiya ka! Lumapit ka rito sa akin ngayon din! Sigaw niya rito ngayon, sa labas ng selda ngayon. Matapos mahismasan sa ginawa nito sa kaniya ngayon. At pilit inaabot ng kamay niya ang binata. Pero inilayo lang din nito ang sarili nito sa kaniya, habang napailing na lang ito sa ginawa niya.

"O c'mon miss Chong. Ganoon na ba ako kasarap humalik para magwala ka ng ganyan? Nasisiyahan at may pangaasar ng sabi nito sa kaniya ngayon. Habang may hinahanap na itong isang bagay sa paligid nito ngayon. Nang mahanap nito ang pakay ay lumapit ito sa kaniya ng kaunati.

"Oh. Ayan. Iyan na muna ang himasin mo. Habang nagpapahinga pa ako rito sa loob. Humihikab ng sabi nito at sabay abot nito sa kaniya ng isang tangkay ng kahoy na pinaglaruan nito kanina. Kasama ang iba pang criminal na nadakip nila noong isang araw.

"Asa ka pa unggoy! Hindi ka Masarap humalik. Lasang lupa! Depensa niya rito sa sarili ngayon. Tumigin sa hawak nito. At saka ano naman iyan gagawin ko sa kahoy mo? Ang liit wala pa bang mas malaki riyan? Pangiinis niya rito ngayon na ikinangisi naman nito sa huling sinabi. Niya. Na ikinangisi na nito ng pilyo na ngayon.

"Meron naman. Buksan mo! Nang magkaalaman tayo ngayon. Paghahamon nito sa kaniya. Na ikinalaki naman ng mga mata niyang nakatingin na rito ngayon.

"Para sabihin ko sa iyo mr. Yamamoto. Hindi pa ako nahihibang para mahulog sa mga--- Nagiisip.

"Sa mga pilyo kong mga dila. Dugtong naman nito na ikinagisi ng nakatingin sa kaniya ngayon.

"Oo--- Arrghhh..A-Ang ibig kong sabihin. Bawing sabi niya rito ngayon.

Na sa huli ay ikinangiti rin naman nito.

"Anong nginiti ngiti mo riyan?HuH? Inis ng tanong niya rito, ng Makita Ang ginawi nito ngayon.

Nagkibit balikat lang naman ito sa tanong niya rito ngayon. At iniba ang dereksyon ng tingin.

"Nothing. Baliwalang sabi naman nito at napailing sa tanong niya.

The Beast Stealing: Heart Chasing || UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon