16

6 1 0
                                    

•••Yamamoto Mansion•••

••••Alexis POV••••

Sa mansion ng ama niya pagkatapos ihated Ang kasintahan pulis. Katulad ng bilin niya sa tauhan ay domeretsyo na kaagad Siya rito.

"Boss... Bukas kaagad ng pinto ng Isang tauhan ng daddy niya na Isa ring hapon katulad niya. Ang pinagkaibahan lang puring dugong hapon ito samantalang Siya may halo na. Pero ganoon paman sa pamamalagi nito sa daddy niya ay kahit pakunti kunti ay natutunan na rin nitong magsalita ng wikang pilipino.

"Bosu ga kimashita, yuri! Rinig niyang sigaw na nito, dahilan para Makita niyang magsilinyahan naman Ang LAHAT ng mga tauhan nila sa papasukan niyang pinto sabay bigay pugay ng nakababa Ang mga ulo nito sa pagdating niya ngayon. 

"The boss is already in his study room waiting for you, sir. Ang tauhan muli na hapon, habang sinimulan na siyang igaya nito papunta roon. Tatlong pasilyo pa Ang dinaanan nila nito kasama si Miron at Toper. Nang marating nila Ang malaking pintuan. Pagkapasok ay bumungad sa kanila Ang pintuan gawa sa japanese door. Ilan magkakonektang pintuan pa ng kwarto Ang pinasukan nila nito. Bago nila narating Ang kinalalagyan ng study room ng ama niya ngayon.

Tsk. Kaya noon paman ayaw niyang tumira rito, eh. Dahil nalulula Siya sa kakahanap Dito. Pero iba na ngayon, habang lumalaki na Siya mas nagugustuhan niya na Ang Ganitong eksena.. Hmm.. taguan, maybe.. Bigla naman siyang napangiti ng makahulugan ng maalala na naman Ang kasintahan ngayon. Pero nawala rin ng marinig ng magsalita ang ama niya ngayon.

Nakita niyang nasa sofa na ito ngayon nakaupo. Habang hawak na Ang puting tasa na may laman guava leaves na iniinom nito parati ngayon. 

"Ano itong nababalitaan ko, na Ang babaeng ipapakilala mo sa raw sana sa akin noon. Ay anak pala ni Ex- Chief police Mr. Chong? Panimula na nito ng makitang nakaupo na Siya sa katapat nitong upuan ngayon. Tukoy nito sa babaeng Hindi mamatay matay kahit Anong Gawin niya. Ginawa na niya Ang LAHAT katulad ng sadya niyang  paghulog niya rito sa building nito. Kung saan pati Siya ay nasamang nahulog din. Sa eroplanong sinasakyan nila. Kung saan Marami Ang nasugatan sa pagbomba ng mga tauhan niya sa bandang likuran ng eroplanong para mamatay lang sana ito. Binaril rin, pero heto't at Buhay na Buhay pa rin Ang naturang babae at naging girlfriend niya pa ito sa huli. Sa nangyare ay napapailing na lang Siya habang nakangisi ng Wala sa Sarili ngayon.

"Kailangan natin Sila dad. Para sa mga darating pang malaking shipping sa negosyo natin sa susunod na buwan. All do, kahit Wala na si Mr. Chong sa serbisyo ay Malaki naman Ang koneksyon nito sa buong kapulisan, dahil sa Isa itong chief of police Rati. Bagay na mapapakinabangan natin pag nagkaaberya sa darating na shipping ng mga baril..

"Hmm..Iyun lang ba talaga Ang dahilan o may iba pa? Lumiit na Ang mga matangTanong nito sa kaniya ngayon.

"I told you before, dad. Na Wala akong gusto sa babaeng iyon. At isa pa masyado siyang boring kasama, kaya . Natatawa lang na sabi niya rito ngayon, na Nakita niyang ikinatango naman nito sa narinig mula sa kaniya ngayon.

"Siguraduhin mo lang anak na madidispatsya mo rin kaagad iyan babae na iyan pagkatapos. Dahil kung Hindi ay Ikaw Ang malalagay sa alanganin sa bandang huli pag Hindi mo nagawa. 

"Huwag kayong magalala dad. Pagkatapos nito ay Alam ko na Ang gagawin ko sa kaniya. Paninigurado na niya sa ama niya ngayon.

"Kung ganoon umaasa akong magagawa mo ng tama Ang mga sinasabi mo sa akin ngayon, hijo. Ito, na nagpatahimik naman saglit sa kaniya ngayon.

"Nga pala kamusta Ang lakad ninyo kasama ng mga tauhan mo kanina? Nagawa mo ba iyong gusto mong gawin? Agaw ng pansin ng Tanong na nito sa kaniya. Na ikinangiti naman niyang nakatingin Dito ngayon.

The Beast Stealing: Heart Chasing || UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon