Episode 04 - Alice at the Museum

6 0 0
                                    

Alice took a peek to a little hole, she needs a distraction for that skull lurking around while still on a roll.

[Sa game, di mawawala ang cheat. May mga secret passage ka rin na pwede mong pasukan. And that's what we always overlook upon. Those things we see but unseen.]

Yung ang natatandaan niyang sabi ng bestfriend nya na may pagkahilig sa paglalaro ng mga RPG. So kung ia-apply nya yun dito baka ang tinutukoy ay ang madilim na passage way dun sa third floor. Pero panu sya makakabalik kung todo gala ang bungo sa paghahanap sa kanya?

"Alice, pst!"

Sumilip sya sa butas at hinanap ang pinanggalingan ng boses..

It was...

Mr. Bunny?! ㄧsigaw nya sa isip

He showed the remaining time on her and gave her a sign of ripping her head.

"What?! Dinadaya nyo ako ah!"

Napalabas sya ng ilalim ng sink kung saan sya nagtago and the skull heard her. Slowly turning around towards her.

"Bwisit kang stuffed toy ka! Urrgh!!"

Napatakbo nalang sya patungo sa hagdan.

All the lights have switched on at ang kulay nito ay mga nakakaalarmang pula.

"The heck, may kuryente pala dito??"

Although di yun ang problema nya, di nya maiwasang magisip kung san galing yung mga ilaw na yun.

She was out of breath, masakit na ang mga binti nya sa kakaakyat-panhik sa hagdan. Pero pagtingin nya sa likuran nya ay ngiting-ngiti ang bungo sa paghabol sa kanya habang nagbo-bounce ito sa bawat pader na madaanan.

Naririnig na nya ang tunog ng mga numero... 2 minutes to go.

Diniretso nya ang pasilyo papuntang hagdanan, nakakita sya ng bangkuan at hinagis yun sa bungo. Nawasak ito sa mata ng tumama.

"Waah...!! Ang mata ko! Ang mata ko!!" garalgal nitong sabi

"Hmph." smirk nya

"Naniwala ka naman! Hahahaha!" bulalas nito

"Nakakag*go to ah..." hinagis nya naman ang lampara na may sindi na nakasabit sa pader

Kumalat ang apoy sa paligid dahil kumalat ang gaas nito, at nadamay ang mga kurtina sa bintana saka sya tumuloy sa pag-akyat. Masakit na talaga ang mga hita nya at nanghihina kaya napabagal sya lalo.

"Hindi ka makakatakas sa akin Alice!!!" tumawa ito ng nakakaloko

Nadatnan na nya ang madilim na sulok na kasya ka lang kapag patagilid kang dadaan.

Sa tingin mo makakadaan ka rito nakakadiring bungo ka. Bobo! Tanga lang ang di makakaintindi nun! ㄧmahina nyang sabi sa sarili

30 seconds to go.

Narinig na naman nyang boses.

"Bwisit!" aniya

Pagpasok nya sa eskinitang yun, nakita nya ang dalawang bata na mga mukhang anghel. Kahawig nito ang mga manika. Muntik na syang mahumaling sa mga mukha nito ng maalala nyang ganto din ang sitwasyon nya nung una. That faces are trap.

"Uwaah... Ano ang ginagawa mo dito ate?" aning batang babae na nagulat sa presensya nya

"Don't talk to me, ipakita mo ang tunay mong anyo!"

"Huh?"

"Ay, wag na pala. Nagbago ang isip ko." ayaw nyang makakita ng mukhang tyanak at mukhang bongcheong dong ghost ang itsura

Alice, You're Not AliceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon