Episode 02- Alice and The Bunny

11 0 0
                                    

God, father and mother in heaven, sister, boyfie, bestie, am I going to die here?! C'mon, gumana ka naman letseng cellphone ka!

"Wala talagang forever... pati iphone ko di na maaasahan." pagsuko niya sa cellphone na walang ginawa kung di mag-ring lang.

Gusto na niyang maiyak sa takot, tahimik at kuliglig lang ang maririnig pero maya't maya ay may naririnig na pagngitngit sa sahig. Ayaw niyang silipin dahil nanginginig na sya at gusto ng lumabas ng aparador pero panu kung makaharap niya ang mga iyon?

"Gwaahhh!!!"

"Kyaaaaaahhhhhh!!!"

Sa pagkaranta, itinulak niya ang batang lalaking nanggulat sa kanya. This little boy appearance was change into something disgusting kumpara kanina. Tumakbo sya at nagtitili papunta sa pinto pero gaya kanina ang pintong ito ay hindi na rin mabuksan.

"Gusto mo maglaro ate?" aning lalaking manika

"Don't wanna! Y-you, you, you're ghosts! Doll ghosts pala." mariing sabi nya

"Eh, sino bang nagsabing hindi kami ghosts?" nakapamewang replay ng babaeng manika

"Kahit..."

"Ano ba gusto mong laro, ateng mataray? Tagu-taguan o Langit-lupa? Paborito naming laro tagu-taguan." humagikgik pa ito

"Sabi ng-"

"Magbibilang na kami."

"One...two... three..."

Nasisindak sya sa mga ito, ayaw nilang makinig and top of that ayaw syang tantanan sa laro. Sinubukan niya ulit buksan ang pinto, tinadyakan, binangga pero hindi talaga epektib. Tsk, tsk.

"T@#*inang pinto naman ito! Magbukas ka na parang awa mo~!"

Napamura nalang sya sa pagkatakot na bakit ayaw magbukas ng pinto at ayaw syang palabasin. Who wouldn't di ba? Kung ang makakalaro mo ay mga nakakakilabot na mga manika, ang batang babae ay parang galing sa hukay sa puro mantsa nitong damit at buhaghag na buhok, at ang batang lalaki naman ay punit-punit ang damit. Ang mga mata nila ay mga kulay dugo at nagluluha, tila baga na-torture sila ng kung sinuman.

"Ate, tapos na kaming magbilang pero hindi ka nagtago." aning babaeng manika

"Ano ba ang gusto mong parusa?" inilabas ng batang lalaki ang bread knife sa bulsa

"Teka muna, time first!"

"Walang taympers, taympers!"

Dahan-dahan ang mga itong lumalapit sa kanya. "Get off, layo... wag kayong lalapit!" pinagcross pa niya ang mga daliri niya

"Sa tingin mo kaya may Diyos na tutulong sa iyo?"

Nawindang sya. Ano bang pinagsasabi nito?

"Ate, walang Diyos."

"Lumayo kayo!" nangingiyak na sabi nya

They heard a baritone voice from behind that stopped the dolls from punishing her, hoping that someone will come to save her, she only find out that this voice was came from the stuffed toy who made her freak out even more. Tumayo ito sa pagkakahiga at ang dugo na tumatagos dito ay bumabalik as if parang nagba-backward yung time sa kanya na nawawala ang mga ebidensya na pinagsasaksak sya kanina.

"Ama!" sabi ng dalawang manika

AMA?! Tatay nila iyon??? Weh?

"Welcome, Alice." ngumiti ng nakakaloko ang stuffed toy at naglakad papalapit sa kanya

"A-ako ba ang... tinutukoy mo?" turo niya sa sarili

"May ibang Alice pa ba akong tinutukoy maliban sa Alice na kaharap ko ngayon?" nanatili pa rin itong nakangiti

"Bakit mo ko kilala?"

"Ikinagagalak kitang makilala Alice. Ako si Mr. Bunny, ang bantay ng bahay na ito. Sumama ka sa akin at sisimulan na natin ang laro."

Napakunot-noo si Alice habang tinitigan niyang maglakad ang Mr. Bunny at simple lang nitong binuksan ang pinto na halos ikasugat niya mabuksan lang ang lintik na pinto. Sumunod dito ang dalawa na bumalik sa normal nitong kaanyuan ng una nya itong makita.

"Ano'ng hinihintay mo dyan, araw ng patay? Halika na."

Umiling-iling muna sya, "Laro ba kamo? Wala akong panahong makipaglaro sa inyo. Gusto ko ng umuwi!"

"Hindi ba't lumayas ka sa pamamahay mo?" anito

She was utterly speechless.

"You're scarying me. Sino ka ba talaga? Bakit mo ko kilala at ang nangyayari sa akin? Sinapian ka ba ng demonyo at gusto niyong makuha ang kaluluwa ko?"

Bumingisngis ang stuffed toy pati ang mga manika, nakakaduda ang kanilang inaakto at ito ang nagbigay rason upang lalong huwag syang sumama sa mga ito.

"Sinabihan na kita Alice, ako ang bantay ng bahay na ito. Kilala ka ng lahat dito."

How come a bunny stuffed toy can talk, can walk, and most of all he knew something about her. It's a mystery and creepy to think that it gives her chill down the spine, now it come to this event she realized that she must think ways to get out of this stupid haunted house before she will be buried alive.

"Sumama ka na ate, masayang laro ito." aya ng babaeng manika

"No! Ayoko, get off me you freaky doll!" tumakbo sya palabas ng kwarto

Hinabol sya ng dalawang manika, pababa sya ng humarang ang matandang hukluban pero ang masama sinapok sya ng matigas na bagay ng lalaking manika. Hilong-hilo ang pakiramdam niya at ang paningin niya ay nanlalabo, para bang gustong kumawala ng kaluluwa niya sa sobrang sakit.

"Sumama ka na, nagpapakipot ka pa eh."

Yun ang huli niyang narinig mula rito at nawalan na sya ng ulirat.

Alice, You're Not AliceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon