Episode 01 -Alice in the Abandoned house

10 0 0
                                    


Once upon a time there is a very much spoiled girl who spent her all sister's money into her own luxury at sa pagdating ng kanyang kapatid galing abroad, ganito ang nangyari...

"Asan mo tinago ang pera ko?!" ang pasigaw na tanong ng kanyang kapatid na nag-iinit na ang ulo

"Hindi ko alam!" depensa nya

"Huwag mo kong niloloko, malamang nagastos mo iyon! Wala nang laman ang account ko."

"Wala nga akong alam kung sa'n napunta ang pera mo!" pasigaw na sagot nya

Padaskol syang lumabas ng pinto ng kwarto ng ate niya at bumalik sa kwarto niya, kumuha sya ng bag at nagsuksok ng iilang damit.

"San ka pupunta?! Lalayasan mo ako?"

"Oo! Sawang-sawa na ako na palagi nalang akong pinagagalitan, para sa inyo wala na akong ginawang tama kaya lalayas na ako sa impiyernong pamamahay na 'to!" sabi nya sabay layas sa kwarto

"Alice! Alice! Aliiiccee!!"

Yeah, Alice is her name. Kakauwi lang ng kapatid nya galing abroad, ang ate na lang ang natitirang pamilya nya kaya eto nalang ang bumubuhay sa kanilang dalawa kaya sa pagdating ay hinahanap sa kanya ang perang pinapadala sa kanya buwan-buwan pero wala syang maipakitang kahit betsingko man lang. Hindi nya maamin na nagastos niya iyon pambili ng mga kung anu-anong gadget, damit, pagkain, at panlilibre sa mga kaibigan niya na tangi nyang kaligayahan sa buhay. Ganun syang kapatid, gusto nyang nasusunod ang gusto niya at nagagalit kapag dinidikta mo sa kanya ang kanyang pagkakamali na ayaw niyang tumanggap na sya ang nagkamali.

"Nakakainis! Bakit nya kailangang hanapin yon eh, marami naman syang naipon. Kung tutuusin barya lang sa kanya iyon!"

Sinubukan nyang tawagin ang boyfriend niya upang kausapin ito pero nagri-ring lang ang kabilang linya. Sinubukan niyang tawagan ang number ng bestfriend nya pero mga ilang minuto muna bago sumagot ito.

"Hello?" sagot sa kabilang linya

"Hi bestie!"

"O napatawag ka, gabi na ah? Bakit parang nakakarinig ako ng ingay ng mga tricycle?"

"Nasa labas kasi ako. Bestie, pwede ba akong makitulog sa inyo muna?"

"Ha? Anong nanyare? Panu iyan, may bisita ngayon ang papa ko kaya dito muna daw sila makikitulog."

"Ah, k dot!" turn off niya ng tawag

Muli nya i-dinial ang number ng boyfriend nya, may sumagot pero hindi familiar na boses ng babae.

"Hi, sino to?" tanong ng kabilang linya

"Sino ka rin? Bakit ikaw ang sumagot na dapat ang boyfriend ko?" nagagalit nyang balik ng tanong

"Sinong boyfriend?"

"Si Kenneth lang naman ang may-ari ng number na yan!" pagtataray niya

Biglang naputol ang tawag kaya lalong nag-init ang ulo niya, "Bwisit kayo! Kayong lahat! Nandyan lang kayo kapag may kailangan pero nung ako na ang nangailangan wala kayo!"

Ibabato niya sana ang iphone6 niya kung hindi lang niya naalala na mahal iyon. "Tsk!"

She felt miserable but she also feel agitated at the same time. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na lolokohin sya ng boyfriend niya, sigurado syang ang sumagot na iyon ay ang babae ng boyfriend niya. She was cheated!

Nagdecide na lang syang maglakad-lakad dahil nakalayo na rin sya, maghahanap sya ng taxi tapos tutuloy muna sa isang hotel pansamantala pero bago iyon nadaanan niya ang abandoned house na matagal ng binebenta.

"Eew... creepy." aniya

Walang anu-ano'y bigla nalang kumulog ng malakas at kumidlat saka bumuhos ang malakas na ulan kaya wala syang nagawa kundi ang pumasok sa nakakatakot na abandonadong bahay. She had no choice kahit natatakot sya doon.

"Ok, di totoong may multo. I've never seen one, so don't be scared Alice. Don't. Be. Scared." kumbinsi niya sa sarili

Naglakad sya sa sala, nakita nyang puro supot ang mga gamit dun halatang pinaglumaan na ng panahon ito dahil sa istilo ng mga gamit dito.

"Yuck, nu ba yan. Wala bang kumot dito na malinis. Puro lamok na!" pangangalkal niya

Hahaha!!!

Chuckles....

Nasindak sya sa mga mumunting tawanan na narinig nya sa kung san.

"He...hello?" pinakiramdaman nya ang paligid

Maya-maya lang ay nagsarado ang pinto kaya napatili sya, natataranta syang tumakbo pabalik sa pinto at nagsisigaw ng tulong.

"Help! Nakulong ako dito! Anyone na nakakarinig sakin, somebody help me! Aaagggghhhh!!!"

Nagliliparan na ang mga lumang gamit kaya binuhat nya ang maliit na upuan at sinira niya ang bintana pero mukhang hindi ito mababasag kahit sirain nya, tumakbo sya sa hagdanan at naghanap ng matataguan, ang unang pinto ang kanyang binuksan at nagtago sa isang aparador doon...

"Bilog, bilog, bilugan. Assignment, assignment, suntukan! Ayun si palaka walang kaawa-awa, abukaka abukaka, syang palaka!" umi-echong kanta ng dalawang bata

Masayang naglalaro ang mga ito habang nakapalibot sa isang stuffed toy na animo'y may buhay dahil kinakausap nila ito. Bigla na lang silang sumulpot sa kwarto, samantalang si Alice ay tahimik na nakasilip sa maliit na siwang ng aparador na pinagtataguan niya.

"What the heck? I thought there isn't anyone in here? May dalawang bata pala dito." - sabi niya sa isip

Maputla ang mga balat nito at iba ang kulay ng mga mata kaya malamang ay maylahi ng dayuhan ang mga ito.

They almost look like Victorian dolls.

Lalabas na sana sya ng natigil lang ito sa paglalaro dahil narinig nilang may kumatok sa pinto, nang pagbuksan nila ito tinawag nila itong ina at niyakap. Hinanap nito ang sinasabi niyang Mr. Bunny at ang tinuro ng dalawang bata ay ang stuffed toy na nasa sahig, inilabas ng babae ang isang kutsilyo na kanina na pa pala niya itinatago sa kanyang likuran.

"Mamatay ka na!!"

"Mama!" sigaw ng dalawang bata

Pinagsasaksak niya ang stuffed toy sa di malamang dahilan at sinasabihan itong mamatay na dahil isang sumpa ito, nawindang pa sya ng may tumatagas ditong dugo.

"OH MY GOSH! MY GOSH!! BLOOD!!" singhal nya

Napatigil ito sa di niya napigiling pagtili sa dugong kumakalat sa sahig. Lumingon ito sa direksyon niya kaya tumigil sya sa pagsilip pero bago iyon she saw those three vanished into thin air like black smoke. Those are not humans but frigging ghosts!

Di kaya haunted house ang bahay na matagal ng abandonadong bahay na pinasok ni Alice? Ano na kaya ang mangyayari sa kanya?

Alice, You're Not AliceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon