Buwan

3 0 0
                                    

Pearl Pov

Jake: Sina mommy ba yon love?

Pearl: Oo binaba ko ang tawag. Kasi ang gulo nila eh until now hindi ko parin maintindihan ang plano nila.

Jake: Hayaan mo na. Baka naman kasi doon talaga nila gusto. Si Jun ba? pwede naman siya nalang ang pumunta sa atin diba?

Pearl: I doubt. Hindi sasama si Jun without her lola. Tsaka alangan namang iiwan natin mag isa yon don

Jake: Sa bagay nakakaawa din naman si mama pag walang kasama. Mamimiss non si Jun

Pearl: I know. Pero ang hirap kasi nilang kausap kailangan pa daw mag isip pero 2 months nalang graduation na ni Jun. Bago pa sila makaalis madami pang papers ang aasikasuhin hay nako.

Jake: Umm Nga pala love. Yong kapit bahay nating si Vince dito na rin kasi papag aralin si Dana niya. Remember her? ka edad lang yon ni Jun kaya maganda sana kasi may kasabay na sa school ang pamangkin mo.

Pearl: Si mama kasi ang problema eh. Si Jun okay na yon madali lang yong bata. But how about her? Kaya rin hindi makapag decide tong bata kasi hindi niya maiwanan si mama don sa bukid.

Grace: What's bukid mom?

Pearl: It is a farm where the some other people live.

Grace: But how do they live in the farm?

Pearl: Do I really have to explain it to you? Ha? really Grace?

Jake: Teka naman at mainit na naman ang ulo mo. Pati ba naman sa bata. Um Grace go to your room na muna. I will be up there to read your favorite story. Go fix your bedroom na.

Grace: Really dad. I love it

Humalik ito sa pisngi ng daddy niya

Jake: kiss your mom too.

Napabuntong hininga ang bata

Grace: night mom.

Sa walang kagana ganang tono na pagkakasabi ng anak ko. Ni hindi nga dumampi ang labi nito sa pisngi ko. Yumakap lamang ito ng mabilis at umalis rin kaagad.

Ng umakyat si Grace sa kanyang kwarto ay sumunod na rin si Jake. Kumuha ako ng isang bote ng wine at umupo sa salas para manoud ng tv habang nag iisip.

Matagal na ako dito sa Canada. Dinala ako dito ng kapatid kong si Rose nong mag desi otso anyos ako para mag trabaho bilang domestic helper. Ang swerte ko lang at napangasawa ko si Jake na taga dito na mismo sa Canada naninirahan.

Mahirap ang buhay trabaho dito.
Kailangan mo talaga ng doble kayod para lang magka pera.

Pero wala pa ring mas hihirap pa sa buhay ko doon sa pilipinas.

Bata palang kami ni ate Rose, Ang buhay namin noon ay Isang kahig isang tuka lamang. Minsan isang beses lang nakaka kain sa isang araw. Puro kanin pa, wala namang mai ulam. Nandyan nga si mama pero wala naman itong matinong trabaho.

Kung minsan ay nasa sugalan.
Minsan naman nasa inuman.
Palaging may kaaway, Kaya madalas nasa barangay.

Ewan ko ba how I survive my whole 18 years life in the Philippines kasama ang mama ko.

Mabuti nalang at kinuha ako ng ate ko para makapag trabaho rito. After 5 years nanganak ito kay Jun kaya naiwan ako dito sa Canada. At sa loob ng 5 years. I then also met my husband Jake.

Love of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon