Maling Akala

3 0 0
                                    

Lola Amada: Jun oh baon mo

Junjun: Ay salamat po la. Pero may pera pa po ako rito. May naitabi pa po ako sa pinadala ni tita.

Lola Amada: Hindi. Idagdag mo na yan sa baon mo

Junjun: O sige po la. Salamat po alis na po ako la mano po

Lola: Ayy Jun. Baka pumunta ako sa school niyo mamaya ha magtitinda ako ng meryenda sa mga titser mo roon. Sabay na tayong umuwi ha

Junjun: Sige po la. Hintayin ko po kayo don.

..

Naglalakad na rin ako papunta sa school kasama ang kaibigan kong si Robert.

Habang nag lalakad ay napasok sa usapan namin kung saan kami mag aaral ng kolehiyo.

Hindi ko pa deretsong masabing mag aaral ako sa Canada. Pero siya daw ay sa manila na pag aaralin ng magulang niya.

Robert: Alam mo tol sa manila ka narin mag aral. Magaganda ang school don tsaka panigurado din namang makukuha ka bilang scholar no. Ang taas kaya ng grades mo.

Junjun: Bahala na muna sa ngayon tol. Di ko pa rin alam kung ano plano at kung sa manila kasi maiiwan ko dito ang lola ko.

Robert: Sabagay nga tol. Maiiwan dito ang lola Amada mo. Wala na bang ibang mag aalaga sa kanya? si tita ganda mo? parang hindi ko na ulit nakita yon eh. Huling kita ko pa roon bata pa tayo eh.

Junjun: Uuwi din siguro yon. Pero hindi pa talaga namin alam kung kailan. Bahala na muna.

Robert: Sus mamimiss mo lang si Jinky eh.

Junjun: Anong Jinky ka dyan. Hindi ko jojowain yong kapatid mo no.

Robert: Aba bakit? boto naman ako sayo

Junjun: Ewan ko sayo tol.

..

Si Jinky
Kapatid ni Robert mas matanda kami ng isang taon sa kanya.
Si Jinky ang palagi kong kasama kung minsang wala si Robert. Pumupunta rin ito sa amin para magdala ng pagkain para sa amin ni lola

Pero kaibigan ko lang talaga si Jinky.
Kababata/tropa. Kinukutya lang kami ng mga magulang nila para daw kami ang magkatuloyan pag nasa tamang edad na.

Hindi ko pa rin nga nagsasabi ang tungkol sa Canada sa kanya. Pero pag nalaman non ay malamamg gusto na din non sumama.

Jinky: Huyyyy. Hintayin niyo naman ako

Robert : O ayon na nga pare ang girlfriend mo.

Junjun: Anong girlfriend. Hintayin mo kaya yong kapatid mo.

Robert: Bilisan mo kasi ang bagal bagal mong kumilos di ka naman naliligo.

Jinky: Hoy ang kapal ng mukha mo kuya ah. Ikaw nga dyan ang hindi naligo eh

Junjun: Parehas lang naman kayong hindi naliligo

Jinky: Aba nagsalita. Sabi nga ni lola sa akin wisik wisik ka lang din daw eh

Junjun: Alam mo naman si Lola matanda na kung ano ano na ang pinag kekwento. Naniwala ka naman?

Robert : Iwas iwasan mo ng kumain ng patola Jinky ha.

Jinky: Huh? Patola?

Junjun: Oo patola ka daw kasi.

Sabay tawanan naming dalawa ni Robert. Na hindi naman naintindihan ni Jinky ang ibig naming sabihin.

Love of my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon