Señorito 1

1.9K 15 3
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.Names,characters,places,
Businesses,events and Incidents are either the product of the authors imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to real person,living or dead or actual events are purely Coincidental.

Warning:This story contains Mature Content.

Vote and comments are Highly recommended! Pa-follow rin po ako,Thank you! :)

***

"Arf! Arf! Arf! Arf! Arf!"

Hindi ko magawang pansinin ngayon ang pagtahol saakin ng alaga kong si potsolo na naroroon sa may buhangin,kanina pa talon ng talon habang tumatahol,mukhang niyayaya na akong umuwi.Ngunit dahil sa mala-spanish actor at model na lalakeng ito ay nababalewala ko ang pagtawag saakin ng mahal kong alaga,sa kabila rin ng lamig ng dagat na pumupulupot sa buong katawan ko ay nanatili parin ako rito sa may likod ng bato,nakababad parin dito sa dagat hanggang ngayon habang tinatanaw ang matagal ko ng pinapantasya't pinapangarap na lalake na naroroon sa yate,tumutungga ng beer at malayo ang tingin,mukhang malalim ang iniisip dahil kahit pagtahol ni potsolo ay hindi naririnig.

Sa picture niya palang ay mahimatay-himatay na ako sa taglay niyang kagwapuhan,ngunit hindi ko inaasahan na mas nakakahimatay pala kapag nakita mo na ang kagwapuhan niya sa personal.Base sa kwento saakin ni Tiyo Marding pati na ng iba pang taong nakakakilala sakanya,sakanilang magkakapatid siya lang raw itong hindi gaanong nakikipag socialize,laging may sariling mundo,malamig makitungo't suplado,malaki raw ang pinagkaiba nila ng panganay niyang kapatid.At karamihan pa nga araw ay takot lumapit sakanya at i-approach siya dahil sa awra niya na para bang galit palagi,iyong kilay niya kasi ay magkasalubong,makapal pa't patulis ang angulo kaya kung titingnan mo siya ay para bang galit ngunit iyon talaga ang natural niyang awra.Nakakaakit nga e'!Para saakin ang kilay niya itong pinaka-nakaka-atract.Ito ang mas nagpapa-hot sakanyang tingnan!

"OMG!"kaagad akong napatago sa likod ng bato nang bigla siyang lumingon rito sa may gawi ko.Ang lakas ng pintig ng puso ko sa kaba,pakiramdam ko nahuli niya ako,nakakahiya kaya naman dali dali na akong lumangoy paalis at umahon sa lugar kung saan hindi niya ako makikita.

"Arf! Arf! Arf!"dinig kong tahol ni potsolo na ngayon ay tumatakbo palapit saakin.

"Nakakarindi na ang ingay mo potsolo."may inis na sermon ko sa alaga ko sabay buhat sakanya at naglakad na paalis ng baybayin,sa ma-puno akong gawi dumaan.

Sinalubong kaagad ako ng mga magagandang ngiti't bati ng mga mamamayan rito,halos lahat kasi ng taga-rito ay maganda ang pakikitungo saakin isa na doon sila Ex-chairman at ang asawa niyang si Nay nimpha,hindi ko sila kaano-ano pero pamilya ang turing nila saaming magpipinsan lalo na saakin at karamihan sa mga kaedad ko rito ay mga kaibigan ko.Dito ako sa Le Maistre pinanganak at dito rin ako lumaki,ulila na akong lubos.Maaga akong nawalan ng mga magulang sila Ex chairman at Nay nimpha na ang ngayo'y tinuturing kong magulang.Sila ang nag alaga saakin hanggang sa paglaki ko,pinakain nila ako't pinaaral,kaya malaki ang utang na loob ko sakanila.Ngunit hindi na ako nag aaral ngayon,tumigil ako sa pag aaral simula nung mangyare ang gabing iyon,iyon ang rason kung bakit nawalan na ako ng ganang mag-aral,kahit anong pilit saakin nila Nay Nimpha ay hindi na talaga ako bumalik sa pag-aaral hanggang sa mag edad na akong Twenty-Three.

"Sinasabi ko na nga ba,Naligo kananaman sa dagat.Pinaghanap mo kami,Isla!Imbes na tumulong ka rito sa gawaing bahay,mas inuna mo pa ang pagligo ligo sa dagat!Hindi ka ba nagsasawa sa kakasisid,buti kung may nakukuha kang perlas na pwede nating ikayaman!"

Umagang umaga,hindi pa nga ako tuluyang nakakapasok sa bakuran ng bahay namin ay sinermonan nanaman kaagad ako nitong si tandang Vicente,Pinsan ko.Nakunot nanaman ang noo niya,nakapamaywang at hindi nanaman maipinta ang mukha.

Trapped in an island(Señorito Series Three)Where stories live. Discover now