Señorito 7

432 13 0
                                    

"Iuuwi mo ba talaga ako sa condo mo?"nasisiyahan at hindi makapaniwalang tanong ko.Narito na kami sa loob ng apartment ni Mourisse.Maging si Mourisse ay nasisiyahan rin para saakin sa desisyong ito ng baby Darcio ko dahil alam niyang pabor na pabor ito saakin at magkakaroon na ako ng mas malaking tsansang malandi siya araw araw.Kainis!Bigla bigla niya nalang akong pinapakilig e'.

"Iuuwi nga kita,ayaw mo ba?"

"Syempre,Gusto ko!"agarang giit ko."Bakit ko tatanggihan 'yon kung alam kong gabi gabi na kitang makakasamang matulog sa iisang higaan."

"Pfft!"hagikhik ni mourisse.Inosente ko naman siyang nilingon na ngayon ay nagpipigil ng tawa.Ano bang tinatawa-tawa ng bruhang ito?hindi naman ako nagbibiro e'.

"Wala akong sinabing sa iisang kama tayo matutulog,Maistre."Giit niya na ikinasimangot ko naman.

"Bakit?"nakasimangot na baling kong muli sakanya.

"Titira ka na sa condo ko pero hindi ibig sabihin no'n ay magkasama tayo sa iisang higaan matulog."

"Ang daya mo naman.Tatabi lang naman ako sayo at yayakap,wala namang masama do'n."

Nagpakawala siya ng buntong hininga."Mag impake ka na.Mamaya na natin pag usapan 'yan."

"Okay."nakangusong saad ko.Akala ko panaman sa iisang higaan kami matutulog!Pinagdadamot niya talaga ang sarili niya saakin!Pero ang maganda parin do'n ay sa condo niya na ako titira simula ngayon!Kahit hindi kami magkasamang matulog sa iisang higaan gabi gabi,makakasama ko parin siya sa iisang bubong!

"Natatawa ako sayo,Friend!Hanga talaga ako sa tapang mo."hanggang ngayon ay tawa parin ng tawa si mourisse habang tinutulungan ako sa pag-iimpake ng mga damit at gamit ko."Papatirahin ka na nga sa condo,gusto mo pa na magtabi kayo sa iisang higaan."at muling humagalpak sa tawa.

"Malay ko ba kasi kung pati sa kama ay magkasama kami."nakangusong saad ko.

"Pero mas mabuti na kung sa condo ka na ng Señorito Tumira,dahil nasisiguro ko na babalikan ka rito ng lalakeng naghahanap sayo."Aniya.

Dahil sa sinabing iyon nu mourisse ay muling sumagi sa isip ko si Antheros.Tama si Mourisse,dapat nga na umalis na ako rito dahil kahit ako ay nakakasiguro na babalik siya rito.Dinali-dalian ko na ang pag-iimpake ko at baka nga bumalik ngayong gabi ang adik na 'yon dito para kunin ako.Pagkatapos kong maimpake ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto,nadatan ko naman ang baby ko na Seryosong nakahandig sa pader habang nakakruss ang mga braso,seryoso niyang pinapanood ang alaga kong si potsolo na panay ang likot sa panaan niya.

"Tapos na ako mag impake."agaw ko sa atensyon niya.

Umayos na siya ng tayo't sinalubong ako saka kinuha ang dalawang bag na bitbit ko.Gentleman! "Tara na"pag-aaya niya na.

"S-sandali lang"pigil ko sakanya nang akmang maglalakad na siya palabas.Napahinto naman siya't muli akong hinarap."Hindi ko kasi pwedeng iwan ang alaga ko."kawawa naman kung iiwan ko si potsolo rito.Paniguradong hahanap hanapin niya ako isa pa'y nakakahuya naman kay mourisse kung siya ang mag aasikaso sa alaga ko.

Sinulyapan niya naman si potsolo na nasa may paanan ko,nakaupo't masyadong malikot ang buntot.Nagpakawala siya ng buntong hininga."Isama mo narin siya."

Sobra naman ang tuwang naramdaman ko nang pumayag siyang isama ko ang alaga ko."Halikana,Potsolo."aya ko sa alaga ko at sumunod na sa baby darcio ko palabas.Sumunod rin si Mourisse.

"Salamat sa pagpapatira sa apartment mo,Mourisse."nakangiting saad ko sakanya.Narito parin kami ni potsolo sa labas para magpaalam kay mourisse habang ang baby ko ay nasa loob na ng cotse,naghihintay.

Trapped in an island(Señorito Series Three)Where stories live. Discover now