Señorito 6

423 9 1
                                    

'You like it or not.You will continue to study.Ako ang magpapa-aral sayo.'

Paulit ulit na dumagundong sa pandinig ko ang sinabi niyang iyon at the same time ay natulala rin ako.Siya ang magpapa-aral saakin?!Seryoso ba siya?pero paano ang pagtatrabaho ko?may umaasa saakin,tsaka paano ko na siya malalandi nito kung nasa iskwelahan nalang ako palagi at ang buong atensyon ko ay nasa pag-aaral nalang.

"Iuuwi na kita."At nagsimula na siyang maglakad paalis.Sa pagkatulala ko ay hindi ko na napansin ang paglakad niya paalis sa dagat,pagsuot niya ng kanyang sapatos at pagbaba ng kanyang pants mula sa pagkakakaluskos.

"Hindi mo na ako kailangang pag-aralin,ayos na saakin itong trabaho ko."umalis narin ako sa dagat at mabilis na sinuot ang tsineles saka dali-daling sumunod sakanya.

Napahugot siya ng malalim na hininga."Don't be hard headed,Maistre."

Ang sarap talaga sa pandinig ng malalim niyang tinig,lalo na kapag nagsasalita siya ng wikang Ingles,medyo may pagka-slang pa."Hindi naman sa pagmamatigas pero wala na talaga akong oras para mag-aral pa ulit.Trabaho,trabaho na ang kailangan ko ngayon."nakasunod parin ako sa likuran niya.

"Kung ano ang sinabi ko,yun ang susundin mo.You're my assistant,remember?"aniya ng hindi man lang ako hinaharap,tuloy tuloy lang siya sa paglakad.

Napanguso ako."Hindi mo kasi naiintindihan.Ang pagta-trabaho na itong kailangan kong atupagin,kaya ko nga nilisan ang isla ay para makahanap ng trabaho dahil kailangan na kailangan ko ng sapat na pera,kulang ang perang nakukuha ko sa paggagawa't pagtinda ng mga kwintas at porselas."saad ko.Hilig ko kasi ang gumawa ng kwintas at porselas na gawa sa mga iba't ibang klaseng shell at perlas,tinitinda ko ito iyon nga lang ay hindi sapat ang nakukuha kong pera sa pagtitinda no'n,kailangan ko ng malaki-laking income.

Wala siyang naging tugon.Tuloy tuloy parin siya sa paglakad.Ngunit dahil hindi ako sang-ayun sa desiyon niya ay kinulit ko parin siya."M-magtatrabaho nalang ako bilang assitstant mo,malaki kanaman magpa-sweldo,okay nayu-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang humarap sabay hawak sa magkabilang baywang ko't mabilis akong hinila palapit sakanya na muntik pang maglapat ang labi namin sa isa't isa.Sayang hindi pa natuloy!Salubong nanaman ang makakapal at patulis niyang kilay at matalim nanaman ang tingin saakin,pero naging balewala iyon saakin dahil mas naagaw ng namumulang kissable lips niya ang atensyon ko.Napalunok pa ako,Sarap halikan!

"Ako ang masusunod,Maistre."madiing aniya.

Mula sa namumulang labi niya ay dahan dahang umangat ang mga mata ko patungo sa kulay abo niyang mga mata."P-pero kasi-"

"Kapag hindi ka sumunod sa sinabi ko,ipapatapon kita pabalik sa isla niyo."hindi niya ako pinatapos.Madiin parin ang pagkakasabi niya no'n,maging ang mga tingin niya saakin ay madiin rin.

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya."Ang sama mo naman.Ipapatapon talaga?baka kung saang isla ako niyan bumagsak."

Dahil sa pabiro kong tugon ay mas lalong dumilim ang awra niya dahilan para humigpit ang hawak ko sa damit niya dahil sa takot at kaba."Hindi ako nakikipag-biruan sayo,Maistre.Seryos ako,seryoso ako sa bawat salitang binibitawan ko."

Galit na nga siya!"Oo na.Mag-aaral na ako.Huwag ka ng magalit,Please..."at ginawaran siya ng nakikiusap na ngiti.

Saglit siyang napatitig saakin,maya maya din ay naglaho narin ang galit sa mukha niya.Kahit hindi siya galit,talagang parang galit na ang awra niya tingnan.Pero makikita mo parin naman at mararamdaman sakanya kung galit ba siya o hindi.Binitawan niya narin ang baywang ko at umayos narin ako ng tayo."Ako na ang bahala sa lahat,sasabihin ko nalang sayo kung kailan ka papasok."

Trapped in an island(Señorito Series Three)Where stories live. Discover now