Prologue

0 0 0
                                    

Nagbabakasyon kami ngayon ng pamilya ko dito sa Quezon. Gustong gusto ko talaga magbakasyon dito kasi ang sarap ng hangin tapos madami pa akong nahuhuling tutubi. Gustong gusto ko din tumambay sa may tabing ilog , meron dong parang upuan na bato dun ako laging umuupo. Ang ganda kasing pagmasdan ng paglubog ng araw don dahil kitang kita mo ang araw.

______________________________________

"Mama pupunta lang ako sa may tabing ilog "

"oh sige anak magiingat ka ha"

Habang nakaupo ako at nakapikit dahil dinadama ko ang hangin sa may tabing ilog , may bigla akong narinig sa di kalayuan na parang singhot. Parang may umiiyak . Lumingon ako sa may kaliwa, may nakita akong batang lalaki siguro ay parehas kami ng edad na 9 years old.

Pinagmasdan ko siya sa kanyang sideview. Maganda ang kanyang mata ,meron siyang maliit na ilong at mayroon din siyang maputing balat.

Napatingin siya sakin , siguro ay naramdaman niya na may nakatingin sa kanya.

"Bata bakit ka umiiyak?" saad ko
"wala" sabi nung batang lalaki sakin
"dali na , sabihin mo na"
"wala nga, bat ko pati sasabihin e hindi naman tayo magkakilala?"

Ang sungit naman nito.
"Nahihirapan na ako, napakabata ko pa para makaranas ng ganito ." biglang sabi nung batang lalaki.
"Ano bang dahilan ng pagiyak mo ngayon,pede mo sabihin sakin"

"Sinaktan ako ng nanay ko ngayon , nahihirapan na ako . Wala sa tamang pagiisip ang nanay ko . Madalas naming itali si nanay. Ako ang laging nasa bahay kasi nagtitinda si papa sa palengke ng mga gulay. Ako ang gumagawa ng gawaing bahay at nagaasikaso kay nanay palagi. "

"Ang dami mo naman palang gawa.
Parang hindi ko kaya yung mga ginagawa mo. Nagaaral ka na ba?" saad ko

"Nagaaral ako ngayon sa grade 4"

"Parehas pala tayo" nakangiting sabi ko

"Saan ka nagaaral?" tanong niya

"Sa maynila kami nakatira , dun ako nagaaral"

"Madami akong nababalitaan dito na maganda daw sa maynila ,totoo baga yun?" tanong niya ulit sakin.

"Maganda din, madaming buildings at saka maraming sasakyan pero hindi naman fresh yung air dun e"

"Mas sariwa nga ang hangin dito" sabi niya

"Oo nga kaya nga gustong gusto ko dito e. Kapag umuwi kami dito, una kong pinupuntahan dito ay itong ilog, sobrang ganda kasi ng view dito hehe"

"Maganda talaga dito, lagi din akong pumupunta dito pag hapon kasi gustong gusto kong masilayan ang paglubog ng araw"Sabi niya ng nakangiti

"Hala! parehas tayo HEHE gustong gusto ko talaga yung araw kapag palubog na "

"Sige na, aalis na ako baka hinahanap na ako ni tatay sa'min"

"Teka lang" pigil ko sa kanya

"Hindi ko pala naitanong ang pangalan mo haha"

"Felix, Felix shion Gomez"
sabay hawak sa kamay ko

"Ako naman si Marian Gonzales.
Pag balik ko sa bakasyon samahan mo ko dito ha "

Nagising ako sa higaan ko na nakangiti. Ang pangyayaring yon ay mahigit dalawang taon na ang nakaraan pero hindi ko pa din nalilimutan si Felix, ang first crush ko.


A VERY GOOD NIGHTMARE Where stories live. Discover now