Chapter 2: Welcome to Arcana Academy
SHEY
.
.
."Padalos dalos ka kasi, ayan, may napahamak dahil sayo." boses ng isang lalaki ang narinig ko. Nasaan ba ako?
"Kasalanan niyo 'to eh" sagot ng isa pang boses ng lalaki.
"Aba't paanong naging kasalanan namin, ha?"
"Hindi niyo ako pinigilan, tsk. Kita nyo naman na may binabalak ako tapos nanood lang kayo?"
Ano ba 'yang pinagtatalunan ni--- Aray! Shuta ano 'yun? Naalimpungatan ako nang may tumama na kung ano sa mukha ko. Ang sakit!
"Hoy!"
"Hala ka!"
"Ba't ka kasi umilag?!"
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at puting kisame kaagad ang bumungad sakin.
"Aray..." I groaned in pain, napabangon ako bigla at hinimas ang ang parte ng mukha kong natamaan. Nakaramdam pa ako ng kirot sa bandang likod ng ulo ko. Ano ba'ng nangyari?
Itinukod ko ang kamay sa kama upang ayusin ang upo ko at nakita ko ang isang makapal na libro sa gilid ko. Ito yata ang tumama sa'kin. No wonder na masakit ang pagtama, eh matigas pala ang cover nito.
"Lagot ka, dinagdagan mo atraso natin sa kanya."
Naagaw ng tatlong nasa sofa ang atensiyon ko. Dalawang lalaki na I assume na kambal dahil magkapareho ng mukha, at isang babae. Ang mga mukha nila ay gulat na gulat at takot na parang may nagawa silang malaking kasalanan.
Walang ibang tao sa loob kundi kaming apat lamang. Binalot ng katahimikan ang buong silid ngunit nabasag ito nang tumili ang babae at tumakbo patungo sa akin.
"Gising ka naaa! Oh my gosh! Sorry talaga, 'di ko sinasadyang tamaan ka ng libro" sambit niya while bowing and pressing her palms together which is a sign of apologizing. Her golden yellow eyes are looking at me, begging.
"Ang lalaking 'yun..." pagpatuloy niya at ang daliri ay nakaturo sa isa sa kambal na nakatayo sa unahan ng sofa. Naghihintay ito kung ano ang sasabihin ng babae. "...siya ang tinapunan ko ng libro pero iniwasan niya eh! Ikaw tuloy natamaan, sisihin mo siya please. Siya din yung pumalo sa ulo mo kanina."
Pumalo? Oo nga pala. Nawalan ako ng malay dahil may pumalo sa ulo ko. Buti na lang at hindi nadamage ang utak kong walang laman. Grabe, kakatapak ko pa lamang dito, sa infirmary agad ang punta ko.
Napalunok yung lalaki at nais pa yatang magpaliwanag pero hindi niya alam ang sasabihin dahil natakot siya nang pabiro ko siyang tiningnan ng masama.
"Ahem" pagboboses nung isang kambal na kanina pa tahimik na nakaupo sa sofa habang pinapanood kami. Tumayo ito at lumapit sa'min.
"Nagbabardagulan na naman ang aso't pusa ko, pasensiya ka na, 'di ko napakain eh."
Napareact ang dalawa sa narinig at aakmang magsasalita pa sana ang kakambal niya pero 'di nito tinuloy nang nakita niyang nakatitig ako sa kanya.
"Aso at pusa mo diyan! Tsk." Umirap 'yung babae tsaka nang binaling ang tingin sa'kin ay napangiti ito.
"Kamusta na pakiramdam mo?"
"Medyo okay na, nahihilo lang ng kaunti." sagot ko
"Hoy Max, magsorry ka na."
Napatingin kaming tatlo kay Max kuno na biglang walang imik. Nahiya siya bigla at napakamot sa ulo. May kuto siguro.
YOU ARE READING
Arcana Academy: Blood and Magic
FantasíaShey is a vampire who roams the streets of the city, hunting for her next prey, hanggang isang araw ay may umalok sa kanya na makapag aral sa Arcana Academy, a school for the supernatural. There, she learns that she is not alone in her kind, and tha...