CHAPTER 1

131 41 78
                                    

Chapter 1: The Invitation

SHEY
.
.
.

Target lock.

Nanatiling nakasunod ang mga tingin ko sa kaniya habang palapit nang palapit na siyang lumalakad sa madilim na parte ng kalye.

Gabi na at kaunti lamang ang mga taong nakikita ko at walang masyadong dumadaan na sasakyan sa lugar na to.

Kapag sinuswerte ka nga naman.

Kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Tatlong araw na yata akong hindi nakakain.

Tuwing gabi, naghahanap ako ng mga taong mapagsasamantala, mga kriminal, o mga walang pakialam sa buhay, upang sipsipin ang kanilang dugo at mabuhay.

Kitang-kita ko ang ginawa nitong lalaki kanina, kung pano niya holdapin ang isang yayamaning babae at kinuha ang mga gamit nito. Nakachamba ang loko pero mas nakachamba ang sikmura ko.

Ako na ang gagawa ng dapat gawain ng mga pulis. Malas lang ng mga kriminal na to dahil wala nang kulong kulong pa sa akin, diretso na agad sila kay San Pedro. Deserve naman nilang maging hapunan ko.

Nakita ko siyang lumiko sa isang madilim na pasilyo. Mukhang tuwang tuwa pa ang loko habang hawak-hawak ang mamahaling bag at sinusuri ang laman nito.

Busy siya sa bag kaya dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Nakatalikod ang loko sa akin kaya hindi niya ako nakita.


Isang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya pero di man lang napansin ang presensya ko. Tsk, buti pa ang bag pinapansin.


Di bale, lagot siya sakin ngayon.


"Ba't puro make up laman nito?" inis niyang tanong, halatang dismayado. Nagreklamo pa talaga. Tatanga tanga kasi magpili ng nanakawan.


Tinaas ko ang aking kamay at tinapik ang likod niya.

Ayon, napahinto siya sa paggalaw sa bag.

"Mukhang abala tayo ah" sabay sabi ko kaya medyo na tense siya. 

"May cash ba diyan? Hati tayo?" pagbibiro ko para naman hindi siya mabibigla pag kinagat ko na mamaya.

Naramdaman kong unti unti siyang lumilingon kaya napangisi ako.

Nakita kong iniangat niya ang kamay niya at ang kamao ay nakakuyom, aakmang susuntukin ako pero mas mabilis ako sa kanya.

Amateur  

Napakabobo, hindi man lang ginamit ang kutsilyo na dala niya kanina. Tuloy, madali para sa'kin na kagatin siya.

Nakalabas na ang pangil ko at agad tinarget ang leeg nito.

Sana lang hindi amoy pawis to.

Napasigaw siya ng malakas nang dumiin ang pangil ko sa balat niya hanggang sa maramdaman ko ang pag agos ng likido and the taste of blood hit me instantly, warm and metallic.. Muling nabuhayan ang sikmura ko.

"T-TULONG!...B-BITAWAN MO AKO..."

Pumipiglas siya sa hawak ko. Rinig ko ang malakas na hiyaw niya sa sakit.


Masyado naman itong malikot at maingay. Hindi naman masarap ang dugo nya eh.

Pagtitiisan ko na lang dahil nagugutom na ako sobra.

"B-BALIW KA! Tangina! b-bitaw!"

Diniinan ko ang pagbaon ng pangil ko sa leeg niya kaya mangiyak-ngiyak na siya sa sakit. Kung nanahimik na lang sana siya, kundi less pain.

Arcana Academy: Blood and MagicWhere stories live. Discover now