"Hi Mae."
Yan ang bukod tangi na sinabi niya sakin.
Nakita kong mas tumangkad siya kumapara dati at mas gumanda na rin ang hubog ng katawan niya. Medyo halata na rin yung muscle niya sa braso. Pero kahit may mga pagbabago sa kaniyang katawan, medyo halata pa rin ang pagiging payatot nito kaso di na sobra. Yung katamtaman lang na nagpaganda lalo ng katawan niya. Napangiti naman ako habang tinitignan siya.
Ilang segundo pa ako nag-space out bago ko nalaman na hinihila niya na pala ang wrist ko palabas ng coffee shop. Habang hinihila niya ang wrist ko, napangiti ako.
Sa sobrang katangahan ko kay Mata nakalimutan ko na ang iba ko pang kaibigan. How stupid I am!
Oo. Hindi siya si Mata. Dahil siya lang naman si Carlo, ang nag-iisang hero ng buhay ko. Kaklase ko siya nung third year at fourth year highschool kami. Nakalimutan ko na kung paano nag-start ang friendship namin. Narealize ko na lang bigla one day na isa na siya sa tinuturing kong bestfriend.
Sa sobrang close namin dati, napag-kakamalan kaming magkasintahan. Lagi pa nga ako napapatawag sa principal office para itanong lang kung ano relasyon namin. Bawala kasi ang PDA sa school. Eh itong mokong makahila sakin wagas. Parang walang araw na di niya ako hinahawakan, pero sa wrist lang naman. Akala kasi nila nag-hoholding hands kami. As if naman noh! Hahahaha. Ang payat kaya ni Carlo dati, para siyang kalansay sa sobrang payat. Yun nga lang bumawi siya sa mukha. Gwapo kaya tong kaibigan ko. Sobrang kinis at puti ng kutis parang pang-artista.
Ang sarap titigan ng kaibigan ko.
Pero namiss ko toh. Namiss ko tong pag-hihila niya sakin
Kasi dati lagi niya na lang akong hinihila kapag nasasaktan na ako sa sitwasyon. Yung tipong nasasaktan na ako sa nakikita ko, pero sige pa rin ako sa titig. Masokista lang eh noh.
Pero si Carlo yung laging nanghihila sakin.
Hinihila niya ako palayo sa sakit. Palayo sa mga masasakit na katotohanan.
At pilit niya akong tinutulak sa mga masasayang bagay. Lagi niya akong pinapatawa. Kahit na nag-mumukha na siyang bakla at timang sige pa rin siya sa pagpapatawa sakin.
Because he is my Hero.
Natatandaan ko nun na first time akong pinakilala ni Mata yung girlfriend niya dati (na ngayon ay ex-girlfriend niya na) sa mall, ni hindi man lang ako makatingin dun sa girl ng maayos at para akong estatwa na nakatingin lang dun sa kamay niyang gusto makipag-shake hands. Nang biglang may tumawag sakin...
Flashback:
Ito pala yung girl. Siya pala yun. Yung taong mahal niya. Mahal ni MataDi ko kayang makipag-shake hands pero kailangan. Nandito kasi si Mata at nakakahiya na kasi ilang segundo na rin akong di makapag-salita. Nakataas na kasi yung kamay niya. Pero heto ako... Nakatitig lamang. Tinitignan na rin ako ni Mata ng may halong pag-tataka. Nag-tataka siguro kung bakit di ako makapag-shake hands sa girlfriend niya. Ano bang magagawa ko! Eh ayaw makisama ng katawan ko eh! It-train ko nga toh makipag-plastikan minsan. Kainis!
Aabutin na rin sana ng kanang kamay ko yung kamay ng girlfriend ni Mata ng biglang may tumawag sakin, kaya naman napalingon kaming tatlo.
"Maaaeeeee" si Carlo. Halatang patakbo papunta saming tatlo ni Mata at ng girlfriend niya.
Pagkalapit na pagkalapit niya, hinawakan niya agad ang left wrist ko.
"Nandito ka lang pala, halika may nakita akong CD ni Taylor Swift dun." Sabi niya na hingal na hingal at sinimulan ang paghatak saking kaliwang wrist.
Oo. Favorite artist niya si Taylor Swift! Nakakaloka mang isipin pero ito ang katotohanan. Straight po siya!
Hindi na ako nakapag-salita kasi biglaan na naman niya akong hinila, kaya naman napatingin na lang ako kay Mata at nag-bigay ng "I'm-so-sorry look." Tumingin naman siya dun sa tingin ko ng malapad na ngiti at nod na nagsasabing "okay-lang-ano-ka-ba."
Kahit sa simple at maikling pag-uusap na yun, di mapigilan na lumundag ang puso ko. Siya pa rin ang naiisip ko kahit may ibang lalakeng humahawak sakin. Hayss..
Di ko naman namalayan na huminto na si Carlo at binitawan niya na ako. Nakita kong nasa tapat kami ng ice cream shop at may binibigay siya sakin na chocolate ice cream na Large yung size.
"Thank you." Yun lang ang nasabi ko nang kinuha ko na ang ice cream. Napangiti ako ng husto kasi favorite ko yun. Medyo nakalimutan ko yung sakit kanina nung kaharap ko yung girlfriend ni Mata. Kaya laking tuwa ko nung binilhan ako ni Carlo nito bilang comfort food, pero beside sa ice cream mas nagpapasalamat ako na nandiyan siya lagi para sakin.
"Thank you for what? Ice cream? Or yung kanina?" Tanong niya na may halong ngisi sabay kuha sa ice cream ko.
"Hahahaha. Both" Tatalikuran ko sana siya, kaso kinuha na naman niya ang isa kong wrist at hinila dun sa may labas ng bentahan ng mga CD. Buti na lang di natapon tong ice cream. Kung nag-kataon... Tsk. Tsk. Tsk.
Pag-kadating na pag-kadating namin sa labas ng bentahan ng CD kapansin pansin naman ang kanta ni Taylorswift ang pina-pa tugtog dito. Di na ako nagulat kung biglang sabayan ni Carlo ang dance step ni Taylor swift sa speak now concert. HAHAHAHAHA. Sanay na sanay na ako diyan. Lagi niya kasing sinasayaw yan sa classroom namin.
Kaya naman habang nag-sasayaw sayaw siya. Di ko mapigilan na humalakhak at mapaiyak sa tawa habang hawak ko ang ice cream namin. Hahahahah. Kahit pag-tinginan kami ng mga strangers di kami nahihiya.
Kasi masaya kami.
Ibang klase talaga tong si Carlo.
End of Flasback
Nahalata ko naman na napalabas na kami ng coffee shop at medyo malayo-layo na rin kami nang bigla kong ma-alala si Mata!
"Carloooo!! Wait laaang!" Sabi ko habang hinihila yung wrist ko, dahilan para matigilan kami.
"Di ka pa rin nadala?" Tanong niya sakin habang nakatalikod.
"Ha?!" Ano daw? Ano sabi niya?

BINABASA MO ANG
MATABA Couple?
RomanceThis is the short story version of my one-shot MATABA Couple? You're still the one... till the end???