Dante: Social Science, 88? Bobita!
Lynne: Pa...
Dante: Lakas ng loob mong ipakita sa'kin ang basurang ito ah.
Lynne: Pa, 95 pa rin po ang average ko, ako pa rin po ang nangunguna sa klase namin.
Dante: nangunguna ka pa sa lagay na ito ah. ito? niyayabang mo ang 95 na average mo kung titingnan bobo ka naman na Social Science. Ito pa naman ang paborito kong subject noong nag-aaral ako.
Lynne: Babawi po ako sa next quarter.
Dante: Ano pa babawiin mo? Nagpapatawa ka ba? Bakit kapag ba binawi mo ito sa susunod na quarter ay mabubura na itong 88 sa card mo? Istupida.
Lynne: (iiling)
Dante: Hindi ka talaga nag-iisip na bobita ka talaga kahit kailan. Manang mana ka sa nanay mo malandi. Siguro imbes na mag-aral ka sa eskwelahan ay paglalandi ang inaatupag mo ano?
Lynne: Akin na ho ang card ko kung ayaw ninyo pirmahan.
Dante: Aba, matapang ka na ngayon ah.
Lynne: Akin na ho.
Dante: Tandaan mo Lynne, utang mo ang buhay mo sa akin. Bayad ka sa lahat ng kalapastanganang ginawa ng malandi mong ina sa pamilyang ito. Naintindihan mo? Kaya wala kang kaparatan na magtapang tapangan sa pamamahay kong ito.
Lynne: Hindi ho ako nag tapang-tapangan ang gusto ko lang ay kunin ang card ko.
Dante: Ayan, dyan ka magaling sa pagsagot sagot mo. Ano pinagmamalaki mo? (tumawa na nakakainsulto) Wala ka palang ipagmamalaki. Apilyedo ko lang ang meron ka Lynne Lopez, hindi ang lahi ko. Itatak mo sa kukute mo.
Lynne: Ano ho ba ang kasalanang nagawa ko sa inyo para pagsalitaan nyo ako ng ganyan?
Dante: Ikaw ang bunga ng kasalanan, Lynne! Tonta! Lumayas ka na sa harap ko bago pa uminit ng tuluyan ang ulo ko sayo!
Lynne: Buong buhay ko kinamumuhian nyo ako. Hindi naman kayo ganyan sa mga kapatid ko.
Dante: Bobita, sila anak ko, ikaw isa ka lang sampid sa pamilyang ito. Bunga ka ng kalandian ng nanay mo.
Lynne: Hindi ko po ginustong maging bunga ng isang pagkakamali ng aking ina.
Dante: Ah basta! Lumayas ka na sa harap ko bago pa kita tuluyang palayasin sa pamamahay kong ito.
Lynne: Buong buhay ko nagpapakahirap ako para lang makuha ang loob nyo. Nag-aral akong mabuti. Pinuyat ko ang aking sarili para mag-aral ng sangkatutak na aaralin, babasahin at kung ano ano pang kakabisaduhin.
Dante: Nanunumbat ka ba?
Lynne: Hindi po ako nanunumbat. Sinasabi ko lang ito para sana kahit papa ano ay maappreciate ninyo lahat ng ginagawa ko. Hindi ako kasing talino ng mga kapatid ko pagdating sa academics. Hindi nila ako katulad na nakapag tapos na 'Suma Cum laude'. Pero ginagawa ko po ang lahat para lang makikita ninyo ang halaga ko. Wala akong ibang hinihiling kundi ang makita ninyo ako. Kasi kahit nasa harap niyo na ako parang isa lamang akong hangin dito.
Dante: Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa mga kapatid mo. Dahil kahit kailan ay hinding hindi ka magiging katulad nila. Dahil sila anak ko at ikaw -
Lynne: at ako ay hindi?
Dante: Oo! Hindi kita anak!
Lynne: Alam ko, hindi mo ako anak dahil anak ako nang nanay ko sa isang hindi kilalang lalaki. Bunga ako ng isang karumaldumal na kasalanan. Isa akong dumi sa pamilyang ito. Yun ho ba ang gusto niyong sabihin?
Dante: Ikaw ang may sabi niyan.
Lynne: Dahil iyon ang tinatatak ninyo sa isip ko. Dahil iyon ang gusto nyong malaman ko. Walang araw na hindi nyo sinasabi iyan. Ito ba ang kapalit sa pagtanggap ninyo sa akin? Ang patayin araw araw mula sa masasakit ninyong salita?
Dante: Walang kwenta ang mga lumalabas sa iyong bibig. Lumayas ka na sa harap ko bago pa kita mapalayas sa pamamahay ko.
Lynne: Hindi ako bunga ng kasalanan. Wala akong kasalanan kung bakit ako pinanganak sa mundong ito. Ilang beses nagpaliwanag si Mama na hindi niya ginusto ang nangyari sa kanya. Ilang beses siyang nagmaka-awa sa inyo ngunit sarado ang isip niyo. Walang babaeng gusto magahasa at mabuntis ng isang lalaking hayok sa laman. Gayunpaman pinagpasalamat ko kay Mama dahil hindi niya ako pinalaglag, minahal niya ako kahit ako ay bunga ng isang krimen. Lumuhod si Mama sa inyo para kawaan niyo siya, ngunit anong ginawa niyo? Kapalit ng pagtanggap niyo sa akin ay ang matindig pangungutya at parusa ang natanggap namin mula sayo na asawa nya. Hindi mo man lang siya pinagtanggol sa mga kamag-anak nyong mapanglait at mapagmataas. Ikaw na siyang dapat na magtatanggol sa kanya. Iniwan niyo siya sa ere. Na kahit sa huling sandali niya hindi mo man lang siya pinatawad sa kasalanang hindi naman niya ginawa... Kung may tao man na dapat sumbatan at kamuhian dito, dapat ay ikaw yun. Wala kang kwentang asawa. Imbes na paniwalaan mo ang asawa mo ay mas naniwala ka sa haka hakang walang ebidensya. Isa kang abogado subalit bulag ka sa katutuhanan.
Dante: Ganyan ba ang natutunan mo sa eskwelahan? Ang sagot sagotin ako?
Lynne: Hindi...natutunan kong manindigan sa alam ko ay tama. Tama ho kayo, isa akong tonta, bobita, istupida, at kung ano ano pang mapanglait na salita. Wala naman kayong ibang gustong sabihin kundi ang mga salitang walang laman at kwenta.
Dante: Lumayas ka na sa pamamahay ko.
Lynne: Huwag po kayo mag-alala, Pa, kusa po akong aalis.
BINABASA MO ANG
Collections of One-Act Play
NouvellesThese are my collections of one act play, written in the midst of pandemic. Some of my play are already played in our theater org. If you find hard to make a script for one act play, you can take a look to my work and you are free to make it as a re...