Chapter Twenty

340 13 1
                                    

Jael's Point Of View

"Hoy, gaga ka. Bakit iba amoy mo?" Sininghot ni Ivy ang suot kong t-shirt. Inamoy ko rin. Halos mapa-mura ako dahil amoy na amoy sa t-shirt ko yung amoy ni Ross.

Parang aso na naki amoy din si Cypress habang si Elkayne ay naka tingin saamin. Tinaasan ko sya ng kilay, baka pati sya maki amoy saakin 'no!

"Parang familiar," umamoy na naman si Ivy. Bahagya akong lumayo sakanila para tigilan na nila ang kaka-amoy sakin, para kase akong isang bag na may dala-dalang droga sa katawan tapos sila yung asong kikilatis saakin para malaman kung may dala ba talaga ako kaya naman lumayo na ako bago pa nila malaman.

"Amoy lalaki ka," bulong ni Elkayne. Ang galing talaga ng isang 'to. "Nag try ako ng perfume sa tvl booth kanina 'no." sagot ko. Para akong tanga na pinapatunayan pa rin yung pag sisinungaling ko kahit alam ko namang hindi sya naniniwala.

"Sakin ka pa talaga mag sisinungaling," napa buntong hininga si Elkayne at inakay ako sa may bleachers. Hindi na nya ako kinulit pa sa naging amoy ko. Infairness, ang bango rin naman kase ng scent ko ngayon kaso medyo manly nga lang, parang si Ross pa nga lang yung naamoy kong ganito.

Katabi ko si Elkayne tapos katabi ko naman sila Cypress at Ivy sa gilid ko. Bago kami dumeretso rito binilhan ako ni Elkayne ng sobrang daming pagkain para raw hindi ako ma-bored at antukin.

Binuksan ko yung malaking piattos kahit hindi pa nag sisimula yung laro. "Don't eat junkfoods too much, ha?" Paalala sakin ni Elkayne. I nodded.

Hindi ko nga alam bakit saamin naka belong 'to ngayon si Elkayne, for sure, may mga kaibigan ang isang 'to pero saamin sumasama. Nakita ko kanina, inaaya sya ng mga kaklase nya mag food trip sa room nila pero tumanggi ito para manood ng volleyball.

"Friendless ka ba, Max?" Tanong ko.

Napapagod yung dila at bibig ko sa tuwing binibigkas yung Elkayne, sobrang haba kase tapos ang kumplikado pa. Hindi nga ako sure kung ang basa ba talaga doon, El-kayn ba or El-keyn. Pero naririnig ko na ang nickname nya dito ay 'keyn' tapos tawag ko sakanya, El-kayn. Hindi naman nya tinatama kung ano ang tamang pronunciation kaya para di mapahiya, Max nalang. Total, Maximillian Elkayne naman sya. Mas madali pa, one syllables and three letters lang.

Tawag nya nga sakin Ja o 'di kaya Jaja, ang ikli-ikli nalang ng Jael mas lalo pang pina-ikli. Ibang usapan na kapag tinawag akong Emrys, baka mabalatan ko ng buhay. Naalala ko nga tinawag ako ni Elkayne na Emrys, nawala sa isip kong balatan s'ya ng buhay.

"I have friends 'no, socializer kaya ako." Kumunot ang noo ko. "Socializer? Hindi ba, sociable 'yon?"

"Parang others naman itong tao na 'to, hina mag pick up ng joke." Kumuha sya ng dalawang piraso ng piattos at sinubo saakin. "Kumain ka nalang dyan tapos shut the fuck up challenge ka," aniya habang natatawa.

Nag simula na yung tournament, wala talaga akong naiintindihan kaya lamon nalang ako ng lamon at nakiki tili kapag tumitili ang school-mates ko dahil kapag ganon, naka score ang Azure. Wala naman ako masyadong kilala sa mga players, pero ang popogi nila lalo na yung may jersey na Acuesta tapos may 02 na jersey number. Parang AFAM! Sa pag kakaalam ko, sya yung Libero ng Azure.

"Sayo lang kakalampag, Acuesta!"

Gulat akong napa lingon sa babaeng nasa likuran ko, grabe naman! Ang halay! May minor po!

Sinilip ko yung score board. Mas lamang ng limang puntos yung Lawrenceville.

"Oh," Napa tayo ako sa mangha dahil sobrang astig ng pag kaka save ni Acuesta sa bola. Nag dive eh.

Kahit wala akong naiintindihan, ramdam ko yung intense ng laro. "Ang pogi talaga ng Acuesta, na love at first sight na yata ako." Wala sa sarili kong sabi habang naka tingin kay Acuesta. Pawis na pawis, parang ang sarap hatiran ng tubig tapos punasan ng pawis.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now