Chapter Thirty Eight

311 14 2
                                    

Jael's Point of View

Kinabukasan ng pag uusap namin ni Ross, napag desisyunan namin na pumunta sa bahay nila kung nasaan si Rio. Mabuti nalang at sabado at hindi kami tambak ng gawain sa school kaya sumakto na free time ko. Bago pa ako umalis ng bahay, hiniram saakin ni Seven ang dalawa kong kapatid dahil kaarawan daw ng nakababatang pinsan ni Seven at gusto nyang isama sila Rhys at Levi.

Mag aalas dose na ng tanghali at inaantay ko nalang na dumating si Ross. Susunduin n'ya raw ako rito mismo sa bahay at nag text s'ya na papunta na raw ito. Kagabi din lamang, ang cellphone niya ay binigay nito saakin para raw may magamit ako. Nalaman kasi n'ya na hindi pa ako bumibili ng bagong cellphone dahil nga sa wala pang budget. Hindi ko pa napag iipunan dahil wala pa naman akong permanent work. Puro side line muna ang kinukuha ko.

Tatanggihan ko sana ang inaalok n'yang pag bigay sakin ng cellphone pero mas grabe ang pamimilit nito saakin na mas kailangan ko pa raw iyon at saka kaya naman daw nyang bumili pa bago. Wala na rin naman akong nagawa kaya napa oo na rin ako kaya naman simula kagabi ko pa inaaral ang pag gamit ng ganitong cellphone dahil ibang-iba sa dati kong cellphone.

"Jael?"

Agad akong napatayo nang may tumawag saakin sa labas. Inayos ko saglit ang buhok ko at binuksan ang naka sara naming pintuan. Tumambad saakin si Manang Celia at si Ross na nasa likuran ng ginang. Kumunot ang noo ko.

"Naku, ang boyfriend mo ay naliligaw papunta rito," wika ng ginang. "Eto ang bahay nila Jael, ijo."

"Hala, hindi po, hindi po. H-hindi ko po s'ya boyfriend," taranta kong sagot at mas nilawakan ang buka ng pinto para maka pasok sila. "Wag mo na tanggalin sapatos mo. Okay lang." sabi ko kay Ross dahil muntik na nitong tanggalin ang suot nyang sapatos.

"Sabi ko sayo doon nalang kita antayin sa may convenience store para hindi mo na kailangan pumunta rito, naligaw ka tuloy." bulong ko sakanya.

"Silly, It's hot outside. Mas okay na ako pupunta sayo." natatawa naman nitong wika at umupo sa may upuan namin.

"Hindi mo ba s'ya boyfriend, ija? Kay gandang lalaki, naku. Mukhang hindi sanay sa mga ganitong lugar." Puri sakanya ni Manang Celia.

"Ay, hindi po." hiyang sagot naman ni Ross.

"Asus, kayo talagang mga bata kayo. May lakad ba kayong dalawa at mga bihis na bihis kayo?"

"Ah, opo. May pupuntahan po kami."

"Ganoon ba? Osya, mabuti at wala rin ang mga bata rito. Lumarga na kayo at baka ma-late kayo sa pupuntahan n'yo. Ako na ang bahala rito." Wika ng ginang kaya tumango ako at inaya na si Ross na lumabas. Hinabilin ko nalang ang bahay kay Manang Celia pati na rin ang susi kung sakaling aalis ito.

"Ingatan mo 'yan, ijo. Ibalik mo yan rito ng buo," huling habilin nang ginang kay Ross bago kami tuluyang umalis na ikinatawa namin parehas.

"Where's Levi and Rhys?" Tanong ni Ross habang nag lalakad kami papunta kung saan sya naka park.

"Birthday kase ng pinsan ng kababata ko, si Seven. Hiniram yung dalawa para makapag enjoy naman dahil weekend." kwento ko.

"Seven?" Sinulyapan ako nito. Kita ko ang pag kunot ng kanyang noo at biglang pag asim ng kanyang mukha nang banggitin nya ang pangalan ni Seven.

"Oo, kaibigan ko 'yon matagal na. Halos kapatid na rin turing ko."

Ako naman ang sumulyap sakanya. Palihim akong napangiti dahil sa pag nguso nito na parang bata.

"Kaibigan ko lang 'yon, wala ka dapat ika-selos." Out of nowhere bigla ko nalang iyon sinabi. Natigilan si Ross at napa takip naman ako ng bibig nang mag sync-in saakin ang sinabi ko.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now