PROLOGUE

1.6K 11 0
                                    


NAKANGITI kong kinuha ang walis tambo at sinimulang linisin ang kalat sa loob ng kwarto. Kinuha ko ang aking cellphone at nagpatugtog.

"Who are you?"

"Ay kabayo!" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Inis kong tiningnan ang taong nasa likuran ko. Napanganga ako nang makita ang aking amo na nakakunot ang noo, at tila kinikilala ako.

"A-Ah, ako po ang bagong katulong Señorito, Victoria Zephanya Del Mundo po." Pakilala ko habang nakangiti.

Hindi man lang ako nito nginitian at basta na lamang tumalikod. Mukhang may kasungitang taglay ang amo ko ah. Sayang gwapo pa naman. Pinagpatuloy ko ang paglilinis ng kwarto niya.

"Victoria, tapos ka na ba?" biglang pumasok si Glaiza, isa ding katulong ng mga Salazar.

"Oo, pupunasan ko lang itong table, at itong drawer." Sabi ko sabay kuha ng basahan.

"Baba ka na daw sabi ni Manang Aida, may iuutos ata sayong bago. Ako na diyan " Sabi niya.

"Sige" Sabi ko at bumaba na.
Pagkapasok ko sa kusina ay nakita ki si Manang Aida na nagluluto.

"Manang Aida, pinatatawag niyo daw po ako?" Tanong ko

"Halika at tikman mo itong niluluto ko." Utos niya

"Mukhang masarap na 'yan Manang, sa amoy palang panalo na." Sabi ko at tinikman ang niluluto niyang sinigang.

"Naku, nangbola ka pa." Sabi ni Manang Aida

"Masarap po talaga." Sabi ko.

"Oh siya, kumuha ka ng plato at ipaghanda mo ng makakain ang señorito."

"Sige po" Sabi ko at sinunod ang utos ni Manang Aida.

"Manang Aida, masungit po ba ang Señorito?" Tanong ko

"Bakit mo naman naitanong?" Tanong ni Manang Aida.

"Eh kanina po kasi nagpakilala ako, pero mukhang wala itong pakialam at basta na lamang akong tinalikuran." Pagkwento ko sa kaniya.

"Naku, ganoon talaga ang batang iyun. Marami ng nakakapagsabi na may kagaspangan ang ugali ng Señorito. Lagi itong nakasimangot at seryoso. Minsan ko lang itong makitang nakangiti." Sabi ni Manang

"Bakit kaya Manang?' tanong ko

"Hindi ko alam, baka talagang ganiyan ang kaniyang ugal, hindi palangiti." Bulong ni Manang

"May girlfriend po ba ang Señorito?" Tanong ko

"Sa pagkakaalam ko ay wala." Sagot ni Manang

"Kaya siguro ganyan siya ay dahil walang nagpapasaya sa kaniya." Sabi ko

"Posible, laging wala ang magulang niya kaya't siya lagi ang namamahala ng kanilang negosyo, at siya lang ang natitira dito." Sabi ni Manang

"Bakit kaya ayaw niyang mag girlfrie--"

"Where's my food?" Muntik na akong mapamura sa gulat.

"Handa na po Señorito." Sabi ni Manang Aida.

Pinanood kong umupo at kumain ang Señorito. Nakakagutom siyang panoorin, ang mapula niyang labi na humahagod sa kutsara sa tuwing isusubo niya ito ay lalong nagpatakam sakin. Tumingin ito sakin kaya't napaubo ako. Nakakahiya.

"A-Ah tubig Señorito?" Mabilis kong sinalinan ang baso sa kaniyang harapan.

"Kumain ka na?" Biglang tanong ni Señorito.

"Opo" sagot ko.

"Bakit mukhang gusto mong makikain sa akin?" Tanong nito.

"Mukha po kasing ang sarap niyo" Wala sa sariling sagot ko.

"Ay mali! Ang ibig ko pong sabihin ay mukhang masarap ang pagkain niyo. Pasensya na po Señorito." Nahihiyang bawi ko sa aking sinabi na ikinatawa nito.

Nahihiyang nagpaalam ako na aalis na.

"Oh tapos na bang kumain si Señorito Thaddeus?" tanong sakin ni Manang Aida nang makita niya ako na nakatayo lamang sa may hardin.

"Hindi pa po Manang Aida" sagot ko.

"Bakit mo iniwan?" Umalis na si Manang at pumasok sa kusina. Napahampas naman ako sa aking noo dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa Señorito.

'Ba't naman kasi kung ano ano na ang lumalabas sa bibig ko? Kainis.'

SUBMITWhere stories live. Discover now