VICTORIA ZEPHANYA DEL MUNDO
"VICTORIA!" inis kong binuksan ang pinto ng kwarto ng Señorito dahil sa sigaw nito.
Tatlong linggo na ang lumipas simula noong bumisita ang kaibigan ni Señorito.
"Ano na naman at gabing gabi na ay sumisigaw ka pa?" Inis kong tanong dito. Nakita kong nakasiksik ito sa headboard ng kama nito.
"May daga dun oh." Tinuro niya pa ang cabinet.
"Oh tapos?" Naiiritang tanong ko at lumapit sa cabinet.
"Hulihin mo." utos niya.
"Aalis din yun, matulog ka na." Sabi ko
"Hindi! Hulihin mo yun! Hindi ako makakatulog!" Tarantang sabi niya kaya natawa ako.
"Takot ka ba sa daga?" Tanong ko habang natawa
"Hindi no! Baka lang kasi kagatin niya lahat ng gamit ko!" pangangatwiran niya.
"Para kunting kagat lang eh, kayang kaya mo namang bumili ng bagong gamit." Sabi ko
"Huhulihin mo yung daga o tatanggalan kita ng trabaho?" Pananakot niya pa. Inis ko siyang inirapan at kinuha ang mouse trap na nasa bodega.
Rinig na rinig ko ang sigaw ni Señorito habang paakyat ako sa kwarto niya.
Inilapag ko ang aking dala sa may ilalim ng cabinet at naglagay ng pain.
"Bakit ang tagal mo!?" Sigaw niya sakin
"Huminahin ka nga, nabubulahaw mo ang mga natutulog sa sigaw mo eh." Sabi ko at umupo sa gilid ng kama niya.
"Sinabi ko bang umupo ka diyan sa kama ko!?" Inis na tumayo ako dahil sa sinabi ng Señorito.
"Isip bata talaga." Naiiritang sabi ko at ng may narinig akong tunog mula sa may cabinet ay kinuha ko na ang mouse trap at nakita doon ang dalwang daga.
Ipinakita ko iyun kay Señorito.
"Wag kang lalapit sakin!" Sigaw niya at tumayo sa kama niya.
"BWAHAHAHAHAHAHAHA" tawa ko ng muntik na siyang mahulog dahil sa kakaatras.
"Itapon mo nga iyan!" Sigaw niya kaya natawa ako.
"Saan ko itatapon? Sayo ba?" Pang aasar ko at nakita kong takot na siya.
"Subukan mo at makikita mo ang hinahanap mo." Banta nito.
"Wala namang akong hinahanap eh HAHAHA"
"Isa Victoria pag hindi mo ako sinunod makakatikim ka sakin." Banta na naman nito.
"Anong ipapatikim mo sakin?" Pang aasar ko pa
"Dalwa, hindi ako nagbibiro." Sabi nito
"Talaga ba?" Pananakot ko at inilapit sa kaniya ang dala kong mga daga.
"Itatapon mo iyan o titilapon kita diyan?" Inginuso niya ang kama na nasa harapan niya. Ano daw? Ititilapon?
"Kanina pa kita binibilangan ang kulit mo talaga no?" Mukhang inis na saad niya.
"Anong mangyayari sa pagbibilang mo? HAHAHA Hindi naman ako takot." Pang aasar ko pa
"Pagkabilang kong tatlo at hindi mo pa naitatapon ang pesteng daga na yan, sisiguraduhin kong hindi ka makakalakad ng isang buwan." Banta niya, seryoso ang mukha nito at lumapit sakin.
Naku yari na. Nawala na yung Señorito na takot sa mga daga.
"Hep! Wag kang lalapit!" Sigaw ko at ipinakita sa kaniya ang mga daga.
"One" Bilang nito.
"Wait lang!" Sigaw ko at nagmadaling lumabas.
"Two" sigaw nito. Tumakbo na ako pababa ng mahabang hagdan at dere deretsong lumabas ng mansion.
Mabilis kong inihagis ang mouse trap at yung daga sa may basurahan. Iww ang baho!
"Wala na! Tapos na! Natapon ko na!" Mabilis kong saad nang makapasok ako at makita ang Señorito na nakadungaw sa pintuan ng kwarto niya.
"Good, pumarito ka." Utos nito
"Ayoko! Tutulog na ako!" sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto ko.
"Kapag hindi ka pumunta dito, ako ang pupunta diyan sa kwarto mo." Saad nito, kaya mabilis akong sumunod. Pagkapasok ko sa kwarto niyo ay agad niya akong tinulak sa kama.
"Makdo?" Gulat kong saad.
"Makulit ka masyado." Bigla niyang pinisil ang hita ko. Naka short lang ako at malaking tshirt kaya kitang kita ang aking hita.
"Aray, ano ba!?" Inis kong inirapan siya at kinurot.
"Sinabi ko bang pwede kang magsuot ng ganiyang kaikling short?" Inis na tanong nito.
"Pati ba naman pananamit ko ay pakikialaman mo? Dinaig mo pa nanay ko eh." nakasimangot kong saad.
"Maraming lalaki sa labas, at gabi na at lumabas ka pa. Nakita mo ba kung paanong nagsisilip ang mga tambay sa tindahan ni Ate Beth?" Inis niyang saad
"Eh ikaw naman ang nagsabi na itapon ko yung daga, at ano naman kung nakasilip sila? Aray!" Pinitik niya ang noo ko.
"Mukhang gusto mo pa na tinitingnan ka nila." Inis na sabi niya.
"Normal lang kasi na tingnan nila ako." Sabi ko na lang at pumikit, medyo inaantok na ako.
"Psh. Dito ka na matulog, baka may daga ulit." Saad niya at humiga sa tabi ko.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang akong katabi." Pang aasar ko
"Matulog ka na." Utos niya at binato pa ako ng unan.
"Aray ah! Kung hindi lang kita amo nasapak na kita!" Sabi ko at binato din siya ng unan.
"Kung hindi ka lang panget naikama na kita." Saad niya kaya inis ko siyang kinurot.
"So kung maganda ako ikakama mo ako!?"
"Hindi pa rin" Saad niya sabay tawa kaya inis ko siyang sinabunutan.
"Hindi ko ibibigay sayo ang sarili ko. Nangako ako sa sarili ko na sa mapapang asawa ko lang ibibigay ang sarili ko." Sabi ko at pumikit.
"Kanino?" Mukhang inis na tanong ni Señorito
"Sa mapapang asawa ko lang ibibigay ang sarili ko." Ulit ko at humarap sa kaniya.
"May boyfriend ka na ba?" Tanong niya
"Wala HAHAHA wala pang nagtatangkang manligaw." Sabi ko at niyakap ang unan.
"Panget ka kasi." Sabi niya kaya hinampas ko ang braso niya.
"Pag may nangligaw sakin, who you ka!" Sabi ko at pumikit.
"Kaso wala HAHAHA"
"Meron kaya akong manliligaw noon, umalis lang." Sabi ko at napangiti ng inalala ang nakaraan.
"Sino naman?" Tanong niya
"Wag mo ng alamin." Sabi ko.
"Paano ka niya niligawan?" Tanong ni Señorito
"Binibigyan niya ako ng bulaklak na pitas pa sa kanilang hardin. Pagkatapos ay mamamasyal kami sa plantasyon at namimitas ng prutas." Nakangiti kong pagkukwento.
"Pag nagkita ulit kayo anong gagawin mo?" Tanong niya
"Ako naman ang manliligaw sa kaniya." Saad ko habang nakatingin sa kaniya.
"Swerte naman nung lalaki, siya pa ang liligawan." Inis na sabi niya kaya natawa ako
"Swerte mo." bulong ko.
"What?"
"Antok na ako, matulog na tayo." Sabi ko at umayos ng higa.
__________________________
YOU ARE READING
SUBMIT
عشوائيThis work is purely fictional; any resemblance to real person, living or dead, or actual events is coincidental.