KABANATA XIX

221 4 0
                                    

MAXACE THADDEUS SALAZAR

    NAKAUPO AKO sa isang mahabang sofa kasama si Arzon at ang kaniyang kapatid na si Arizhen.

"Kuya! Akala ko ba pupunta si Eliaquim? Bakit parang hindi naman?" Maktol ni Arizhen sa kaniyang kapatid. Si Eliaquim ay kaibigan namin na nasa Manila. Bihira lang ito sa isang taon bumisita sa probinsya.

"Maghintay ka, dadating yun." Sabi ni Arzon na mukhang nawawalan na ng pasensya sa kaniyang kapatid.

"Gusto ko na siyang makita huhuhu" pinitik ni Arzon ang noo ng kaniyang kapatid dahil sa kaartehan nito.

"Umayos ka nga, kababae mong tao ikaw pa ang nagf-first move." Sabi ni Arzon

"Sabihin mo kasi dun sa kaibigan mong yun na ligawan na ako." Sabi ni Arizhen kaya natawa ako. Ang kulit, pareho lang sila ni Maxzar.

"Ewan ko sayo" Sabi ni Arzon

"Uy Kuya Thaddeus, sino yung kasama ni Maxzar?" Tanong ni Arizhen sakin kaya nakakunot ang noo kong hinanap si Maxzar. At nung nakita ko si Maxzar ay napatayo ako sa gulat dahil nasa tabi niya si Victoria. Naka dress ito na kulay asul, nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi kita ang likod at ang hita niya. Mabuti naman at conservative siya.

"Ang ganda!" Sabi ni Arizhen at pumunta doon kina Maxzar.

"Bro, si Victoria yun diba?" Tanong ni Arzon at tumango ako.

"Ang ganda ah, tara puntahan natin." Sabi niya at hinila ako.

"Kuya! Hihihi na surprise ka ba?" Tanong ni Maxzar sakin pagkalapit namin sa kanila.

"Upo na tayo dun, tara Arizhen, hayaan natin yang dalwang yan diyan." Sabi ni Maxzar at hinila sina Arzon palayo.

"Wag mo akong titigan, naiilang ako." Sabi ni Victoria at kinurot ang aking tagiliran.

"Mommy ang ganda mo." Sabi ko at pinalibot ang braso ko sa bewang niyang maliit. Parang gusto ko na lang umuwi at ikulong sa kwarto ko ang babaeng hawak ko ngayon. Sa ganda niya, siguradong may magkakagusto sa kaniya ngayon.

"Gutom na ako." Sabi niya at dun lang ako natauhan. Hindi pwedeng magutom ang reyna ko.

"Hindi ka kumain bago umalis?" Tanong ko

"Kumain, pero ang tagal kaya mag ayos. Nagutom ako." Sabi niya kaya natawa ako. Pumunta kami sa buffet at ikinuha ko siya ng pagkain.

"Bakit sumama ka kay Maxzar?" Tanong ko sabay hila sa upuan niya.

"Hindi ko alam na pupunta kami dito, ang alam ko lang eh magpapa ayos siya ng buhok." Sabi niya at umupo na.

"Tapos pinaayusan niya pa ako. Hindi naman ako makatanggi baka magtampo siya." Sabi niya kaya tumawa na lang ako.

"Say aah" Sabi ko at inilapit sa kaniya ang kutsara na may lamang pagkain.
"Kumain ka na?" Tanong niya bago isubo ang laman ng kutsara.

"Hindi pa, pero kakain na din ako." Sagot ko

"Hati na tayo, medyo madami to." Sabi niya at inginuso ang plato na puno ng pagkain. Tumango na lang ako at sumubo na din. Pagkatapos ay sinubuan ko na ulit siya.

"Aww ang sweet niyo naman." Nakangiting puna ni Arizhen

"Sabi ko sayo eh, dapat inaalatan niyo ang pagkain niyo pag kasama yang dalwa." Sabi ni Maxzar habang tumatawa.

"Nakakainggit" Sabi ni Arizhen.

"Asan na kasi yang Eliaquim mo?" Tanong ni Maxzar kay Arizhen.

"Padating na, ikaw? Nasan ang sayo?" Pang aasar ni Arizhen sa kaibigan.

"Nandito na kanina pa." Sabi ni Maxzar kaya napatingin kaming dalwa ni Victoria sa kaniya.

"May boyfriend ka? Sabi mo noon, wala." Sabi ni Victoria

"Hehehe oo Ate, gusto mo bang makita?" Tanong ni Maxzar kaya tumango si Victoria.

"Tingin ka sa kaliwa ni Kuya Thaddeus" Sabi ni Maxzar kaya tumingin din ako sa kaliwa ko.

Napakunot ang noo ko dahil si Arzon lang naman ang nakita ko. Nakakunot din ang noo ni Arzon at tumingin din sa kaliwa niya.

"BWAHAHAHAHAHA" rinig kong tawa ni Maxzar.

"Niloloko mo lang ako eh" Sabi ni Victoria

"Hindi ate no, nasa kaliwa nga ni Kuya ang boyfriend ko." Sabi ni Maxzar kaya inis kong tiningnan si Arzon na ngayon ay nakakunot ang noo at umiiling iling.

"Si Kuya Arzon!?" Tanong ni Arizhen kay Maxzar

"Mag usap tayo mamaya." Sabi ko na lang at kumain na.

Tahimik kaming kumain ni Victoria, habang nagkukwentuhan si Maxzar at Arizhen. Si Arzon naman ay umalis saglit para salubungin ang ibang kaibigan.

"Galit ka?" Tanong ni Victoria.

"Sayo? Hindi" sagot ko. Hindi ko kayang magalit sa kaniya. Tsk.

"kay Maxzar at Arzon?" Tanong niya pero umiling lang ako.

"Matatanda na sila." Sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain.


SUBMITWhere stories live. Discover now