KABANATA V

379 5 0
                                    

     VICTORIA ZEPHANYA DEL MUNDO

      HAPON NA, at kakagising ko lang. Napatingin ako sa may pinto ng may kumatok dito.

Pumasok si Glaiza. May dalang merienda.

"Bessy merienda ka muna." Sabi niya

"Nakakahiya naman, hindi naman ako amo para paglingkuran." Sabi ko

"Asus, kabilin bilinan ng Señorito na pag meriendahin ka daw. Ano? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya

"Nawawala na ang pagkahilo, pero masakit parin ang ulo ko, at medyo nanghihina pa din." Sagot ko sabay kain ng sopas.

"Alam mo? Feeling ko may gusto na sayo si Señorito. Hihihi para kayong mag asawa kanina." mukhang kinikilig pa siya habang nagkukwento.

"Puro ka kalokohan." Sabi ko

"Totoo naman kasi, tsaka sa tagal ko ng naging katulong dito hindi niya ako pinagbabawalan kahit naka leggings ako. Tsaka hindi niya ako inaalagaan kapag may sakit ako. Ikaw pa lang! HAHAHA kakilig!" Sabi niya pa

"Mabait lang sadya ang Señorito." Sabi ko

"Pero iba talaga yung bait niya sayo eh HAHAHAHA parang may halong pagmamahal." Sabi niya

"Baliw!" Sabi ko at inubos na ang sopas.

"Pero aminin mo? May gusto ka kay Señorito ano?" Tanong niya

"Meron syempre." Sabi ko

"Ayiieee HAHAHA" pang aasar niya pa

"Umalis ka na nga! Inaasar mo lang ako eh." Sabi ko

"HAHAHA Sige na po Señorita." Sabi niya, gusto ko siyang kurutin dahil sa pang aasar niya.

Pagkalabas niya ay siya namang pagpasok ni Señorito Maxace.

"Dito ka na din magpahinga mamayang gabi, masyadong masikip ang kwarto niyo sa baba." Sabi niya

"Wag na po, ayos lang naman po kahit doon na ako matulog mamaya, baka mahawaan ko po kayo kung dito ako matutulog." Saad ko.

"Wag ka ng makulit. Diyan ka na matulog." Sabi niya, tumango na lang ako.

Lumabas na ulit siya at doon ko pinagsasapok ang unan! Ang bango ng unan niya, kasing amoy niya, niyakap ko yun ng mahigpit at sininghot singhot.

"Dito ako matutulog, sana hindi tumulo ang laway ko." Napakamot ako sa ulo. Kaya ayaw Kong matulog kasama ang ibang tao ay dahil natulo ang laway ko. Nakaka turn off pa naman yun.

Gabi na, sabay na kaming kumain nina Manang at Glaiza.

Nagpalit na din ako ng damit pantulog, at nagpabango ng sobra kahit nakakahilo. Ayokong humiga sa kama ng Señorito na hindi mabango, baka dumikit ang amoy ko sa kama niya.

"Bess ano ba at nagpapabango ka pa?" Tanong ni Glaiza

"Wala, gusto ko lang" Sabi ko at humiga sa kama ko. Mamaya na ako aalis kapag tulog na si Glaiza.

Nag cellphone muna ako at hinintay na makatulog si Glaiza.
May nag chat sakin.

From: Maxace Thaddeus

Bakit online ka pa? Pumunta ka na dito at matulog.

Kahit sa chat parang naririnig ko pa ang boses niya. Napatawa ako nung naglagay ito ng angry emoji.

Napatingin naman ako kay Glaiza na ngayon ay natutulog na. Dahan dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto.

"Ay kabay--Hmmp!" Nagulat ako at napasigaw dahil bumungad sakin si Señorito na agad namang tinakpan ang aking bibig.

SUBMITWhere stories live. Discover now