ESPESYAL NA KABANATA

229 2 0
                                    


           "May sasabihin ako" bungad ni Victoria nang makauwi ako mula sa plantasyon.

"Ano?" Tanong ko sabay yakap sa kaniya. Limang taon na kaming kasal, pero ganun parin ang aming turingan, parang bagong kasal lang. Sheeeet nakakabakla.

"Si Matzon" saad niya, si Matzon ay limang taong gulang na, naalala ko pa noong unang beses siyang nagsalita, 'chino' ang first word niya.

Sa adobong tocino siya pinaglihi, pati ba naman sa pagsasalita, tocino parin?

"May nakaaway na naman siya" nakanguso niyang sumbong kaya natawa ako.

"Anong nakakatawa? Basagulero yang panganay mo! Manang mana sa pinagmanahan!" Maktol niya

"Sino bang mahilig sa gulo sating dalwa?" Tanong ko at inis niya naman akong hinampas sa braso.

"Kausapin ko siya mamaya" Saad ko na lang

"Aba dapat lang" Sabi niya

"pero kiss muna?" hingi ko pero kinurot niya lang ako sa tagiliran.

"Mama!" Agad akong napangiti ng marinig ko ang boses ng aming prinsesa. Vizhen Tiara.

"Papa!" Sinalubong ko siya at binuhat.

"Papa dami kong stars oh!" pagmamayabang niya habang pinapakita ang mga pulang marka sa kaniyang braso.

"Very good" Sabi ko at pinupog ng halik ang mukha niya.

"Papa! Nakikiliti po ako!" Tumatawang saad niya

"Tara na sa loob, magmeryenda na kayo" saad ni Victoria, agad naman akong sumunod.

"Mama? Kilala mo po si Jeromy diba?" tanong ni Vizhen

"Yes anak, bakit?" Tanong ni Victoria at umupo na sa tabi ko.

"Eh kasi Mama, nag away po sila ni Kuya kanina." Sumbong niya

"Bakit sila mag away?" Tanong ko

"Kasi Papa, crush po ako ni Jeromy kaya po nagalit si Kuya" kwento niya at natawa naman si Victoria sa mukha ng anak namin. Mukhang kinikilig pa ang anak namin habang nagkukwento.

"Bata ka pa anak, Yung crush crush na yan ay sakit lang sa ulo." Saad ko at ngumuso lang siya.

"Mommy mukhang pato na anak natin" natatawa kong saad kay Victoria.

"Hayaan mo na siya" sabi niya na natatawa din.

Nasa kalagitnaan kami ng pagmemeryenda nang makarinig ako ng umiiyak na bata. Hindi na ako nagdalwang isip na pumunta sa kwarto namin ni Victoria.

Napangiti ako nang makitang gising na ang bunso namin.

"Zathon" tawag ko sa anak namin na 6 na buwan pa lang. Nang marinig niya ang boses ko ay nanlaki ang mata niya at hinanap kung saan nanggaling ang boses na yun.

"Zathon anak" nang makapunta ako sa harapan niya ay agad tumaas ang dalawa niyang kamay at paa. Gustong magpabuhat.

Agad ko siyang binuhat at hinalikan, ang maburok niyang pisngi ay namula na dahil sa panggigigil ko. Ang cute niya hehehe, siya lang ang kamukha ni Victoria at nakuha niya lang ang ilong ko.

Humahagikhik ito sa t'wing hahalikan ko siya ng matunog, nakakawala talaga sila ng pagod. Bumukas ang pinto at pumasok ang panganay kong si Matzon.

"Hi son, how's school?" Tanong ko

SUBMITWhere stories live. Discover now