5

0 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at marami na ang nangyari sa mga nag daang araw. Kumalat ang litrato ni Ryus na magkahawak ng kamay nung dumayo ako sa sabang at ang litrato namin ni Hikari na magkayakap sa loob ng classroom.

Biglaan ang nangyari, hindi ko alam kung paano ito nakuha, marami ang nainis sa akin ngunit wala na akong magagawa, kumalat na ang balita kahit totoo man yun ngunit hindi man lang nila inalam kung ano ba ang nangyari sa mga litrato na kumalat.

Hindi ko na kailangan pang mag paliwanag sa kanila, wala naman akong ginagawang masama. Alam ko naman sa sarili ko na nasa tama ako. At isa pa balak ko na ring umalis sa ekswelahang ito.

Aalis na ako sa lugar na ito at ipagpapatuloy ko ang aking pag aaral sa manila. Patapos na rin naman ang school year kaya wala akong po-problemahin. Mga Isang linggo ay tapos na ang aming pasukan.

"Talk to me please," ilang beses na niya akong kinukulit, hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong habulin kung kaibigan lang naman niya ako.

Kanina pa niya akong kinukulit, malapit na nga akong mainis sa kanya, "hindi mo ba nararamdaman na ayaw kitang kausapin? Ryus please lang maawa ka naman sa akin o," hindi ko na mapigilang sagutin siya, kitang kita sa kanyang mga mata ang gulat, nakatitig lang siya sa akin.

"Gusto kita! Masaya ka na ba? Tangina naman kasi, umiiwas ako sayo dahil ayaw kong masaktan," hindi ko na napigilang sabihin sa kanya ang totoo, nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga sa kanyang narinig mula sa akin.

Wala na, nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya, "W-What?" Hindi siya makapaniwala, halata sa kanya na nalilito siya sa akin, na hindi niya alam kung anong sasabihin niya.

"Matagal na kitang gusto... pero a-alam ko namang straight ka at hindi ka nagkakagusto sa tulad ko... kaya okay lang t-tatanggapin ko kasi wala e, yun na yun," hindi ko na mapigilang pumiyok habang binibitawan ko ang mga salitang nilalaman ng aking puso, ang nararamdaman ko para sa kanya at kung gaano ko siya kamahal.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi makaimik, tila pinoproseso pa sa kanyang utak ang aking nararamdaman para sa kanya.

Huminga siya ng malalim tila naproseso na sa kanyang utak ang lahat na ito, "Baka naman, confused ka lang? Maybe it just you know crush but you think it is love even even though it wasn't," hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya, tila nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.

He questioning my feelings for him just because he doesn't like me, "I may be young but my feelings for you is wasn't joke,  it wasn't confused, I love you. So don't questioning my love for you," matapang kong sambit sa kanya at ponahid ang luhang tumutulo sa aking pisnge.

Hindi siya agad nakaimik, tila narealize niya na mali ang kanyang ginawa, na hindi dapat niya ini invalid ang aking nararamdaman para sa kanya dahil hindi naman niya alam kung ano ba ang nilalaman ng aking puso, kung ano ba ang iniisip ng aking utak at puso dahil hindi niya ito hawak.

"I'm sorry if I invalid your feelings, it just that, bata ka pa and wala ka pang alam sa realidad. Ayaw ko lamang na magsisi ka sa huli, ang tanging gusto ko lang sabihin sayo na try mong kilalanin ang sarili mo, ang nararamdaman mo at kontrolin ito. I'm sorry but I only see you as my friend and that the only thing I could offer for you," seryoso niyang sambit sa akin, hindi ko magawang tingnan siya dahil may puntong tama siya.

Bakit ba ako nag desisyon ng wala sa oras?

Why I didn't control my emotions and let this happened and ruined what friendship built. Sobrang tanga ko.

"I'm sorry, you're right. I still need to learn myself, for what I am truly feel for you. Sorry kung sinira ko ang ating pagkakaibigan dahil lang sa pag amin ko sayo," nakangiti kong sambit sa kanya kahit may lungkot sa aking boses. Agad kong pinahid ang aking luha na kanina pang tumutulo sa aking pisnge.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti. "Can I hug you for the last time?" Pag paalam ko sa kanya tumango naman siya sa akin, niyakap ko siya ng mahigpit.

This man shows me that a cupido who throw an arrow on my hearts is just a training and lesson for me. I like him but then cupido remind me that it wasn't my time, that the love who's for me is still not coming and it will take time.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya. Nag paalam na ako sa kanya ngunit bago pa yun may sinabi pa ako sa kanya, "thank you for teaching me a lesson, if cupido already throw an arrow I wouldn't hesitated to thanked you for make me realized something," I uttered,  napangiti siya sa aking binitawang salita at tumango sa akin.

"I will wait that," he give me a beautiful smile before I left.

Cupido Says Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon