"SAMANTHA.." isang napakahinang tugon, ngunit ramdam mo ang takot at pag aalala sa boses na ito.
"Gumising ka, kailangan mong makalayo" inaalog alog siya ng lalaking hindi niya kilala. tiningnan niya ang kan'yang binti at nakitang dumudugo ito, lumalabas ang napaka raming dugo at patuloy lang ito sa pagdaloy papunta sa kan'yang paa, nakaapak siya ng patibong. makikita ang bawat ngipin ng bear trap ay naka ipit sa kan'yang paa paakyat sa kan'yang payat na binti, gano'n na lamang kalaki ang kan'yang naapakan. kita na ang puting buto sa kan'yang paa sa sobrang diin ng kapit nito sa kan'yang binti.Tila'y karne na nakatuhog ang kanyang hita kung pag mamasdan.
"A-A-AGGGHHHHHH-!!" tinakpan ng lalaki ang kan'yang bibig.
"Shhh, 'wag kang maingay, t-tiisin mo muna ang sakit. malakas pandinig nila, maririnig nila tayo." Makikita sa mata ng lalaki ang takot at kaba. habang Si Samantha naman ay puno ng pag tataka, hindi man siya makapag salita dahil sa takip ang kan'yang bibig ay nararamdaman niya ang kamatayan sa paligid naka masid lang ito sakanila, tinitingnan ang bawat patak ng pawis at umaagos niyang dugo. Walang hangin sa paligid kahit nasa gubat sila.
"Why am I here"
"What the fuck is happening"Those sentences just keep running and running on her head.
Nang nakarinig sila ng kaluskos mula sa damuhan.
"S-SAMANTHA.. TUMAKBO KA" Dahil sa kaba ay nasabi ito ng lalaki, damang dama ang takot, nginig, kaba at kamatayan na paparating sa boses niya.
Natulala si Samantha sa nakita, Isang hindi maipaliwanag na uri ng kung ano ang nasa harapan nila, nakakatakot at nakakapangilabot. nasa bunganga ng halimaw na ito ang ulo ng isa pang babae na hindi nila kilala. Ang kalahati ng mukha nito'y wala ng laman at halos malaglag na ang mata sa sobrang laspag.
Nanahimik ang dalawa, nakatulala sa kamatayan na nasa harapan nila. "N-nagugutom ako.."
"Samantha, patawarin mo 'ko. ayokong gawin ito" Tinulak siya ng lalaki palayo at napahiyaw naman lalo si Samantha dahil mas lalong bumaan ang patibong sa kan'yang binti. lalong nakita ang buti niya at ang laman niyang ipit na ipit sa patibong.
"AAAGGGHHHHHHH!!" isang napaka lakas na hiyaw ang binitawan ni Samantha, dahil sa pag galaw niya ay nabali na ng tuluyan ang binti niya at mas lalong dumami ang dugong lumalabas dito. kitang kita na ang kan'yang buto at ang karne ng kan'yang laman.
Ang kaninang nag luluntiang damo ay kulay pula na. Makikita mo ang naputol na binti ni Samantha.
Patuloy sa pag iyak at hagulhol si Samantha. putol na ang binti niya at tumatakbo na ang lalaking kanina'y tumutulong sakan'ya.
Papalapit nang papalapit ang hindi niya maaninag na kung anong halimaw na nasa harapan nila kanina, nang maaninagan ito ng liwanag mula sa liwanag ng buwan.
Dito mas lalong nakaramdam ng takot si Samantha that it deliver shivers down through her spine, ang nasa harapan niya ay isang tao, ngunit may katawan ito ng aso. nakangiti ito sakan'ya ng abot tenga at lumapit sa naputol niyang binti, nilapa ito at kinagat kagat. Halos masuka si Samantha sa nakita ang kan'yang naputol na binti ay ngayo'y kinakain na ng tao.
Ilang saglit pa, ay tumigil ito sa pag nguya at lumingon sakan'ya ng may isang makakilabot na ngiti. ang mata nito'y na mumula na at ang bunganga nito'y nag lalaway na nakangiti sakan'ya.
"N-nagugutom ako.." lumapit sakan'ya ang halimaw. pinipilitin niyang gumapang kahit masakit ang kan'yang nararamdaman dahil sa naputol niyang binti.
![](https://img.wattpad.com/cover/359712293-288-k748692.jpg)
BINABASA MO ANG
Gods Will: The City of Havoc
Mistério / SuspenseThis is no longer the Earth that you've onced knew. Earth is no longer a habitant planet for humanity, humanity will now faced it's consequences for being cruel. They're watching us, And they're toying with us. Was this because of our "Greed" or...