Chapter 1: Never mess with madness

233K 7.7K 3.6K
                                    

1.

Never mess with madness

Maddy


"Welcome to Frostwind University Ms. Paredes!" Masiglang salubong sakin ng guidance councelor sa pagpasok ko palang sa napakalaking liberal arts building. As usual late na naman ako kasi mukhang nasa kani-kanila nang classrooms ang lahat. Anyways I'm a transferee, I'm allowed to be late, I think that's how it works.

"Thanks po. Pwede ko na po bang makuha ang schedule ko?" Tanong ko sabay ngiti ng napakalapad. My smile, it never fails to fool everyone.

"Yes you can. Your first class is the first door on the second floor. If you have any problem, don't hesitate to tell me okay?" Aniya sabay abot sakin ng papel kaya tumango na lamang ako at naglakad palayo.

Aakyat na sana ako sa hagdan nang bigla kong mamataan ang isang babaeng estudyenteng may napakalapad na ngiti sa kanyang labi, tumatakbo siya papalapit sa akin.Para siyang excited na ewan, yun bang mukha ng aso kapag nakikita ang amo niyang matagal niyang hindi nakita. Uh oh... Where's a crucifix when I need one.

She looks younger than me especially with those pigtails and hairclips. She seems like a highschool student. The smile on her face is so creepy, buti nalang at medyo cute siya kundi nakapatay na naman ako ng wala sa oras.

"Hello Sissy!" Bigla niyang sigaw nang mahinto siya sa mismong harapan ko. Hingal na hingal siya at halos matanggal na ang hairclips niya pero sa kabila nito ay hindi parin mawala ang ngiti sa mukha niya.

"Hi?" Sabi ko na lamang sabay ngiti ng tipid. Kapwa kami nakatitig sa isa't-isa, panay ang ngiti niya pero heto ako't hindi na maitago ang pagkailang. Hindi siya nagsasalita kaya nakunot na lamang ang noo ko.

"Uhm... Mauna na ako." Sabi ko na lamang bago ko pa siya tuluyang masapak. Loka-loka din pala tong batang 'to eh, ano kayang nakain nito?

"Wait!" Bago pa man ako tuluyang makahakbang ay bigla siyang sumigaw kaya naikuyom ko na lamang ang kamao ko. Seriously, what's up with this kid?!

"What?!" Bulyaw ko sa kanya at nang lingunin ko siya ay nakita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi na siya nakangiti, mukha pa nga siyang naiiyak.

"I-I'm sorry I'm freaky!" Naiiyak niyang sambit at bigla na lamang nagtatakbo palayo.

What's up with her? Ugh, pasalamat siya nasa iisang school lang kami nag-aaral.

Nakaka-ilang hakbang pa lamang ako paakyat ng hagdan nang may makasalubong akong isang lalakeng dahan-dahan sa pagbaba. Nakapamulsa siya habang nakayuko ang ulo kaya naman hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. We're walking on different sides but I can't help but to notice him lalo na't umagang-umaga eh napaka-haggard na niya. Gulong-gulo ang golden brown niyang buhok at naka-unbutton pa ang top part ng polo niya kaya nakikita ko ang color white inner shirt niyang may bahid ng dugo-wait ba't may dugo? Kararating ko pa lang sa lungsod nato pero may duguan na agad? But I haven't even worked my magic yet.

"'Wag mo siyang husgahan, ganun lang talaga siya." Walang emosyon nitong sambit kaya naman agad akong umiwas ng tingin at nagpanggap na walang narinig.

Wow naman, nakakabigla ang mga tao dito, bigla-bigla nalang nagsasalita kahit di magkakilala. But I guess yung girl ang ibig niyang sabihin. Well, he has nothing to worry about after all, I don't judge people, I murder them.


***


"Tell us about yourself Ms. Paredes." Sabi ng teacher matapos niya akong patayuin sa harapan ng lahat. What the hell, is this even necessary?!

Skeletons in her closetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon