6:CAUGHT

6K 269 5
                                    

Sa Airport.......

"Mommy,Mommy'' I think I need to pee''.

Hawak hawak nito ang pundilyo ng short habang tumatalon talon.
Tumayo siya sa kinauupuan sa waiting area habang hinihintay nila ang kanilang flight at sinamahan sa banyo ang kanyang anak.

Maya maya pay palabas na silang mag ina sa pasilyo na yon ng comfort room,ng may biglang humarang sa kanilang daraanan.

Isang bulto ng malaking lalaking galit na galit na nakatingin sa kanya.Gulat na gulat siya sa nakita.

"Who's he mommy?? nagtatakang tanong ng anak nya.

"Im your daddy handsome!
Mabilis na tugon ni Devon sa kanyang anak.

Hindi na siya naka imik dahil hawak narin nito ang kanyang braso.Napuna nya ring may mga kasama itong tatlong lalaki na humihingal pa sa tantya nya.

Nanlaki at napangirit ang anak nya sa katuwaan.
wowwwwwww" is it true mommy?!!

"Look at me !you see?you look like me.

ow!..
Ang tanging nasabi ng anak nya.

Binitbit ito ni Devon habang hawak siya sa braso sa kanang kamay,at sa kabila ay ang kanyang anak.

Paglabas nila ng airport ay nakahimpil doon ang kulay gray na van at dali dali siyang pinasakay ni Devon sa bandang likuran katabi ang kanyang anak ay kasunod na pumasok naman ang dalawang lalaki.
Alam nyang sinugarado na nito na hindi na siya makakatakas.
Alam nya ring wala na siyang magagawa pa.

Sa pag himpil nila sa sasakyan ay agad niyang nakita kahit sa malayo ang dalawang taong pamilyar sa kanya at alam niya rin kung saan ang lugar na ito.Nakangiti ang matatanda lalo na sa batang bitbit ni Devon.

tumingin din ang mga ito sa kanya,nagyuko naman siya sa mga ito ng ulo.

"Come baby, come to lola"
Nangingilid ang luha ng mga ito habang bitbit papasok ang kanyang anak.

Nakaupo siya sa malaking sofa habang pinagmamasdan ang dalawang biyenan na nakikipag kwentuhan sa kanyang  anak.Mga ilang minuto narin siyang nakaupo duon,habang si Devon ay matiim na nakatitig sa kanya na punong puno ng katanungan ang mga mata.

"Kung anuman ang dahilan mo sa paglayo,ay hindi ko na gustong malaman.Gusto kong bukas na bukas di'y isalin mo sa apilyido ko ang bata."
"Shit! ni hindi ko man lang alam ang pangalan ng aking anak"!..

"D..Dev''' ang pangalan nya,isinunod ko sa pangalan mo.At huwag  kang mag alala dahil dala nya ang apilyido mo.
Napaismid naman ito sa sinabi niya.

"Do I have to complement you by doing that?Mag uu-sap tayo bukas.
Ang huling sinabi nito.

Habang kumakain sila ay halos subuan ng biyenan nyang babae ang anak nya.Tuwang  tuwa ang mga ito, dahil bibo ang kanyang anak.Pagkatapos nila'y inaya siya sa veranda ng kanyang biyenan na babae.Pinaupo siya nito.

"Iha kamusta kana?Nalulungkot ako sa nangyari sa inyo at ng aking anak.Kung anuman ang hindi nyo napagka una
waan ng anak ko, sana naman sa pagkakataong ito ay huwag mo na sanang ilayo samin ang aming apo.
Matanda na kami iha at kakunti nalamang ang ilalagi sa mundo.Nais naman naming makapiling ang aming apo sa mga nalalabi naming panahon, at sana ay mapagbigyan mo kami''.Hinawakan nito ang kanyang mga kamay."Pls iha?'...
At tumango siya dito.

"Ako nga po ang dapat humingi sa inyo ng paumanhin,dahil sa akin kaya nangyari ang lahat ng ito.Huwag kayong mag alala, makakaasa po kayo."

Walang paglagyan ang kasiyahang naka badha sa mga mata ng matanda.Napakaswerte nya sana sa mga bibeyanin,dahil napakababait ng mga ito.

Alas onse na nag gabi ng makapagpahinga sila.Ang  kanyang anak ay kasama ng dalawang matanda sa kwarto.At sila naman ni Devon ay pumasok narin sa kwarto.Kanina pa siya hindi mapakali habang nakaupo sa kama.Malamig naman ang aircon ngunit nararamdaman nyang kumakalat unti unti ang alinsangan sa kanyang katawan.Hindi nya  malaman ang kanyang nararamdaman, dahil dinig nya mula rito ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo habang nag sha shower ang lalaki.

Paglabas nito mula sa banyo ay tumutulo pa ang basang katawan nito na nakatapi lamang ng twalya.Amoy  pa ang sabon at shampoo na ginamit nito.Lumakad ito papunta sa closet at duoy nakita nya itong nagtanggal ng twalya.Hindi nya malaman kung titingin ba siya rito o hindi.Dahil kitang kita nya ang likurang bahagi nito na hubad habang nagsusuot ng brief.

Lumakad ito sa gilid at bahagya siyang sinulyapan habang pinupunasan nito ang basang buhok.
Napalunok sya ng hindi nya sinasadya.Dala ng sobrang kahihiyan, ng nalaman nyang nahuli siya nito na nakatingin.Inabot nya bigla ang remote ng tv.

"Mag shower kana''
Bigla siyang nagulat sa sinabi nito.''

a oo''

Dali dali siyang tumayo at pumasok sa banyo.Isang oras na yata siyang nagshoshower.Nilalamig narin siya na may halong kaba,
dahil hindi nya alam kung paano harapin ang lalaki.Dahan dahan siyang lumabas ng banyo na kinakabahan.

Hindi nya malaman kung manlulumo siya o matutuwa ng makita nyang natutulog si Devon sa couch, At sa wari nyay himbing na itong natutulog.     

..........................................
WRITTER P.O.V

Salamat po sa mga tumatangkilik sa kwento nila Devon at Rebeca.Abangan po muli ang nakakapanabik na mga eksena. thanks and God bless!!!  :)

MISS TOUGH MEETS DEVON'' The  Demon"(BOOK 2)Under Edditing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon