14:BEAUTIFUL

5.4K 177 7
                                    

Parang walang nagyaring ipinagpatuloy nya ang nakagawian nya araw araw.

Hindi bale, ilang araw nalang ay darating na si Bernard, at makakalipat na siya sa mga susunod na araw.Kinausap na nya ang anak tungkol dito.At ang mga matatanda.Gaya naman ng inaasahan ay pumayag ang mga ito sa kanya.

Maya maya  lang ay nag empake na siya.Yung  iba lamang nyang gamit muna ang inempake nya, yung  ibay hinayaan nya lang muna roon.

Ang sabi kasi sa kanya ng mag asawa'y mag iwan siya ng kahit na konti dito upang sa pagdalaw nya ay may maisuot naman siya .
Ng masiguro nyang wala na roon si Devon sa ibaba ay bumaba narin siya.

"Hindi ka naba namin mapipigil iha? Tanong ng Ama ni Devon sa kanya.

"Hindi napo siguro.
Isa pa'y pangit naman ho siguro sa girlfriend ni Devon kung mananatili pa ako rito."
ngumiti siya sa mga ito.Malungkot  na ngiti ang ibinigay sa kanya ng mag asawa.

"Promise Mommy lagi kapong dadalaw dito ah!"
ang anak nya habang nakasubo ang lollipop.

"Ofcourse Baby!para sa anak kong naaapaka cute.!!!

Napagkasunduan kasi nila na hanggang limang buwan doon ang kanyang anak, dahil naawa din naman siya sa dalawang matanda.

Pagkatapos nilang mag almusal ay sumaglit na siya  sa opisina.Nakita nya si mang Dodong na may kausap sa malapit sa pinto ng kumpanya.May kausap itong dalagitang babae, at mukhang seryoso ang paguusap dahil parang nalungkot ang matanda.

Parang kinukutkot ang puso nya sa itsura nito, kaya't hinintay nya itong makapasok.
binati nya ito dahil parang walang nakikita ang lalaki.

"A kayo po pala mam"bati nito.

"Anong Problema mang Dodong??

Tila nahihiya naman ito sa sasabihin.
"E mam nasa ospital daw po ang misis ko, at kailangang maoperahan.Lalapit po sana ko sa management para makahingi ng kahit na konting tulong."

"Sumunod po kayo sakin ."

Kasabay nya ito sa pagpanhik at gaya ng nakagawian ng lahat ng empleyado ay binati siya ng mga ito.

"Magkano daw po ang kailangan sa operasyon?"tanong nya rito ng makapasok na sila sa kanyang silid.

"E mam"aabutin daw po ng 30 mil.pero hindi ko naman po inaasahan ang ganung kalaking halaga,kung magkano lang po siguro ang maitutulong ng kumpanya."

"Heto po ang chekeng nagkakahalaga ng Fourty Thousand, para ho may ipambili rin kayo ng mga kakailanging gamot.Puwede nyo na po itong papalitan."

"Naku mam maraming maraming salamat po!malaking tulong napo ito sa amin.

"Kung kulang pa yan ay ipaalam nyo po sakin.
Ngumiti siya, at maluha luha itong nagpaalam sa kanya.

May  biglang tumikhim sa may bandang pinto''nakatingin ito sa lalaking kaaalis lang.
at bumalik ang tingin nito sa kanya.

"At ano naman ang ginagawa mo rito magaling na lalaki?

"Iniiwasan mo ba ako?sinadya kita rito dahil mukhang lately ay lagi kang busy?.Umalis ka na pala sa bahay', hindi ka man lang nagpasabi sa akin?
Nakakunot ang noo nito habang sinasabi nito iyon sa kanya.
"At Baka nakakalimutan mong may pinirmahan kang kontrata na kada linggo ay magkakaron tayo ng bonding bilang isang pamilya? mag tatatlong linggo na ang lumipas ah?."
"Ipapaalala ko lang sayo na mamayang alas tres ay susunduin kita rito, at mamamasyal tayo.

Tumango lamang siya ng hindi pa gumagalaw ito sa kinatatayuan ay, nilangkapan nya ng nagtatanong na mga mata.|
nakita nyang nakatingin ito sa kanya.

"Ngayon ko lang napunang maganda ka pala?
sabi nito ng hawak hawak ang baba, na nakatitig sa kanya ng may nakakalokong sulyap ng mata.

"You may leave''.
Nakasimangot nyang sabi rito.At bago ito umalis ay kumindat muna sa kanya.

MISS TOUGH MEETS DEVON'' The  Demon"(BOOK 2)Under Edditing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon