4 NICE TO SEE YOU AGAIN....

6.6K 220 10
                                    

Pagkatapos nilang mamasyal ng kanyang anak ay naisipan nilang mamili ng mga damit at gamit nito sa mall.Aliw na aliw ang kanyang anak sa mga bagong nakikita.Marami rami narin silang napapamili ng may mamataan syang pigura ng lalaking naka side view na tila may kausap sa cellphone.Parang sinasadya namang napatingin ito bigla sa kanya,at siya nama'y natigilan.

Pasimple syang nag about pace.Maige nalang at bukod sa salamin ay naka cap pa siya .Medyo maputi narin sya ngayon,kayat imposibleng mamukhaan pa siya nito.

Dali dali syang lumiko papunta sa kanyang anak,ng may maraaanan syang likuan sa restroom ay agad syang lumiko at dahan dahan siyang sumilip mula rito.Wala na ang lalaki.

Nagbilang sya ng mga ilang minuto at lumabas narin pagkatapos nuon.
Anong ginagawa rito ng lalaking yon?forte naba nito ngayon ang magpunta sa mga ganoong klase ng lugar?

Sa susunod nga ay mag ha hire narin siya ng personal shopper nya,ng sa gayon ay hindi na sya ang namimili para sa kanila.

"Sandali nalang Rebeca.Sandali nalang."
Sabi nya sa kanyang sarili.

Sa susunod na makausap nya ang ang mga ka business deal nya at pumayag ang mga ito sa mapapagkasunduan nila ay maaga pa sa inaasahan nya ang kanilang pagbalik sa ibang bansa at wala narin syang puprublemahin.

Kakain pa sana silang mag ina, subalit hindi na nya itinuloy mahirap na at baka makasalubong pa nila ang lalaki.

"Mam,kanina po pala ay tumawag Si Mam Carla."
Pinasasabing tawagan nyo raw kagad siya pag uwi nyo.
Salubong sa kanya ng kanyang katulong.

Tinanguhan nya lang ito at agad nyang idinial ang number ni Carla.
Maalala nya, hindi pa pala siya nakakapagpalit ng number sa cellphone.

Sisss!!

Bahagya nyang nilayo ang reciever sa kanyang tainga, dahil sa lakas ng boses nito.

"Bukas ng alas 7:00 ng gabi ay pinsasabi ni Yvonne na meron daw masquerade party na gaganapin sa malaking bahay ng mga dominguez.Tungkol  sa pagiging C.E.O. , ng kanyang unico iho sa kumpanyang iiwan ng matandang Dominguez".

"O,ito na ang pagkakataon na makausap mo si Mr Dominguez,o di kaya'y maimbitahan mo sya for a meeting.
Napaisip sya.

May punto ito.Sapagkat laging may sakit ang matanda,kaya't wala siyang  pagkakataon para makausap ito, dahil malaki ang maitutulong nito sa kanya , nagkakaproblema kasi siya sa shipping ng kanilang produkto.

Gabi sa mansyon ng mga Dominguez.....

Ilang na ilang sya sa suot na black dress na v shape neck.Suot nya ang volto white mask, at wala syang balak na hubarin yon.Di gaya ng ibang hawak lamang mga mask nila.

Gusto sanang sumama sana ng kanyang anak subalit ipinaliwanag nya ritong baka ma bore lamang ito.Dahil walang mga batang kasama sa pagtitipon na yo'n at pumayag naman sa narinig ang bata.

Tulad ng dati'y sa mga pagtitipon na ganito ay bumabaha ang alak at ang mga pagkain ay ibat ibang putahe kada isang long table.Ang  iba'y nag lulunoy sa swimming pool.Sari sari ang mga taong naroon.Mayroong  mga iba ibang lahi.Nakita nya rin ang binatang anak ng Dominguez.
Magandang lalaki rin ito tulad ng ama.Humahanap lamang sya ng tamang panahon upang makausap ang matandang Dominguez.Nakita nya itong nakaupo sa wheelchair habang nagsasalita.Makikita  mong unti unti itong ginugupo ng sakit na diabetes,

Umiinom sya ng pineapple juice, na sa di kalayuan ay nakita nya ang lalaking ayaw nyang makaharap na muli.

Nanigas sya sa pagkakatayo nyang iyon sa malapit sa mesa kung saan naroon ang lahat ng inumin.

Kasama nito ang babaeng modelo.Naka mask din ang mga ito subalit parehong naka colombina mask kayat madali nyang nakilala ang lalaki.Isa pa'y, kahit siguro nakatalikod ito ay makikilala nya parin.
Dahil narin na ang lalaki'y masyadong takaw pansin.Siguro'y sa swabeng dating at kakaibang karisma na taglay taglay ng lalaki.Nakita niyang umupo ito sa pang tatluhang mesa.

Natanaw nyang pabulong bulong dito ang babaeng kasama.Maya maya pa'y pumailanlang ang malamyos na tugtog ng musika para sa mga magkakabiyak na magsasayaw sa gitna.Bigla siyang napasulyap sa mesa ng mga ito at para siyang dagang nahuling nakatingin sa lalaki, dahil mula rito sa kinatatayuan nya ay kitang kita nyang nakatingin din ito sa kanya.Kung wala siyang suot na maskara ay kitang kita ang pamumutla nya sa kanyang mukha.

"Nakikita ba siya nito?nakilala ba siya nito?..."

Kakaba kaba siyang tumalikod sa mga ito, at nagmamadali siyang lumiko sa kabilang daanan papunta sa lugar kung saan naroon si Mr.Dominguez.
Kasama ito ng ginang na nakahawak sa wheelchair  at kasamang nakatanaw sa mga nagsasayaw.

Dahan dahan syang lumapit dito at nakipagkamay.Ngumiti naman ito at nagulat sa kanyang presensiya.Matagal narin silang magkaibigan ng matanda.

Inaya siya ng Ginang sa loob ng mansyon at gumawi sila sa veranda, dahil nakita niyang naroon din ang anak na binata nito na kasama ang mga kaibigan nito na nagiinuman rin sa loob ng bahay.
Kasalukuyan silang naguusap ng matandang lalaki ng ,...

"O iho! tamang tama, halika maupo ka.
Miss Rallios meet Mr.Devon.The president of the shipping company,kung saan ka ikamo nagkakaproblema?.

Hindi na siya nakakilos sa kinalalagyan niya upang lingunin pa ang lalaki.
Nakita nyang lumigid ito sa lugar nya at naupo.Kahit hindi siya direktang makatingin dito ay alam nyang titig na titig ito sa kanya.Siya naman ay nanatiling sa matanda nakatingin.Ginigitilan sya ng pawis habang di nya mapigil ang bahagyang panginginig.

Something wrong Miss Rallios?tila namumutla ka?may sakit kaba?
tanong ng matanda, napasulyap siya ng bahagya kay Devon na matalim na nakatingin sa kanya, habang prenteng prente itong nakasandal sa malambot na upuan naka dekwatro at hawak ang hinihimas na baba.
Napasulyap ito sa hawak hawak nyang maskara.''

"Trying to hide your face or yourself Rebeca?"sabi nito sa kanya,..

"Do you know each other?"
Sabi ni Mr Dominguez.
Kung gayon,  ay hindi na kayo maninibago sa isat isa.

Sa pasasalamat nya ay natapos ang kanilang pag uusap hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas upang tumagal siya sa usapan.

Ng magpapaalaman na sila ay kapwa tumayo sa kinauupuan.Pagtayo ni Devon ay inilahad nito ang palad sa kanya.

"Nice to see you again!
Sabi pa  nito.
Atas ng kabutihang asal ay tinanggap nya ang palad nito na nakalahad.Hindi na siya nagulat ng maramdaman nya ang higpit ng palad nito na animoy nilamon ang buo nyang kamay.

Akala nyay pakakawalan na nito ang kanyang kamay ng magsalita ito sa matanda''

"Aalis napo kami ng fiancee ko Mr.Dominguez''
na ikinagulat ng matanda.

Hawak ang kanyang braso ng halos hilahin sya nito papunta sa labas.

MISS TOUGH MEETS DEVON'' The  Demon"(BOOK 2)Under Edditing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon