I was there...

1 0 0
                                    


Trains are convenient. They are faster. No traffic, spacious but can be crowded, and comfortable when not full. All in all, it lies more on helpful than a nuisance. But not always.

Not on that day. Never on that day...

My steps are in hurry. Even so, I don't have any sweats in me because of the overwhelming panic I'm feeling. Time is running and I feel like even with the urgency I'm walking, it's not enough.

Kada tapak ko sa sahig ay siyang paglagpas ng segundo na piling ko ay hindi na mauulit.

Nakarating din ako sa bahay. Isang minuto. O baka lima. Hindi ko na rin alam pero nakaabot naman ako. Mabilis kong tinungo ang kwarto ng lolo ko at... nandoon na ang Mama.

She was already crying and my brothers are outside the room looking lost. Am I too late? No. I made it, but for how long?

"Parating na ang ambulansya. Ikaw daw ang sumama..." wika ng tita ko. Nilingon ko siya na siyang tumabi sa pagkakatanaw ko sa lolo ko na nakanebulizer at habol na habol ang hininga.

Gusto kong itanong na bakit ako? Hindi dahil sa ayaw ko kundi sinong nakaisip na kaya kong makita iyon? Na kaya kong lagpasan ang maging katabi ng lolo habang nagmamakaawa na habaan pa ang kaniyang hininga? Bakit ako ang binigyan ng responsibilidad na iyon?

Pero hindi ko ginawa. Marahil siguro dahil lagi akong mukhang strong. I've never shed tears in front of them. Never did I rant about something because how can I? They taught me vulnerability is a weakness and therefore I never express one. Not in front of them. Not in front of anybody.

Kaya tinanggap ko. In hopes that what I think will probably happen, will never happen. Pero sino ba ako para magdesisyon non?

"Kanina pa ba tinawagan? Bakit ang tagal?" Tanong ko na animo kanina pa ako naghihintay kahit kararating ko lang.

"Pinaalam pa yata kay Kapitan." Sagot ng tita ko. Tinapik niya ang balikat ko and that gesture took a lot of courage from me not to cry. Hindi ngayon. Hindi pa pwede.

Maya-maya, dumating din ang ambulansya. Mabilis ang naging mga kilos ng lahat. Kahit ako, feeling ko lahat ay nakafast forward.

Nang nandoon na kami sa ambulansya, dalawang nurse ang nakaantabay sa kalagayan ng lolo habang ako ay nandoon. Pilit na iniintindi kung ano ba ang ginagawa at pilit na ginigising ang sarili na baka panaginip lang ang lahat. Pero hindi, dahil sa bawat hikapos ng hininga ng lolo ay siyang higpit ng hawak ko sa kamay niya. May diin at desperadang nagmamakaawa na laban pa. Huwag muna. Huwag ngayon. Hindi pa dapat ngayon. Kapit pa.

Sa kabila ng pagmamadali, biglang huminti ang ambulansya. Nag-angat ako ng tingin.

"Bakit? Nagmamadali tayo oh? Bakit huminto? Ano ba, magdadasal ba?" Naiinis na sabi ko pero hindi ako pinatulan ng mga nurse na kasama ko sa loob.

Bagkus, pilit akong pinapakalma at tinanong ang driver bakit tumigil. Bago pa makasagot, narinig na namin ang dahilan.

Tren. May dumadaan na tren. Kung kailan ka nagmamadali, tsaka may dumadaang tren.

Lalong naghingalo ang lolo. Seconds are passing by and for him, it feels like a year is being wasted. As we keep on waiting, unti-unti rin siyang nawawala. Habang natutunaw sa ere ang tunog ng tren ay unti-unti ring lumalabo ang kaniyang paghinga. At bago pa mawala ang tren, nauna na siyang kumawala.

Umalingawngaw ang nakakakilabot na tunog. Flat line. Mabilis ang pagresponde ng nurses. They were reviving him. I'm watching them put the defibrillators on my grandfather's chest. I was hoping there would be another sound. His breathe, from the machine, his voice.

I was there... (Oneshot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon