Jelly ace

4 0 0
                                    

A few days have passed since they first moved in to their new home. Sabado na ngayon and it's the day Karina scheduled to meet her friends. Ipapakilala na niya si Winter sa kanila formally as her wife and significant other. Day off ni Winter at si Karina naman ay may tatapusin lang na isang schedule tapos ay pupunta na sila.

Ang mga kaibigan naman ni Karina ay palihim nang nagpaplano sa gagawin nilang interrogation kay Winter.

"Gigi anong plano?" Pagsisimula ni Ningning. Siya kasi ang nakaisip na lokohin si Winter pero wala pa talagang idea kung paano.

"Huh? Bakit ako? Hindi ako magaling dyan, mahal." Napatingin naman si Ningning kay Yeji.

"Yeye, dali na. Malapit na mag 3 PM, matatapos na yung shoot ni Riri niyan." Umiling iling lang din si Yeji dito.

"Ako may naiisip." Bigla namang sabat ni Chaewon. Napangiti na rin ang kanina pang nagaalala sa plano niya na si Ning.

"Dali! Share mo na yan!" At nilapag na nga ni Chaewon ang ultimate mega ultra super duper unique plano niya.

"Chae sigurado ka bang hindi magagalit si Rina satin dito?" Pagaalala ni Giselle. Gusto na niyang magbackout at manood nalang sa kalalabasan ng plano ni Chaewon. Habang ang asawa naman nito ay go na go lang.

"Yeji.." Triny niya ring humingi ng support kay Yeji pero wala rin naman silang laban pag nagsama si Chaewon at Ningning.

"Ano ka ba Gigi, wag ka ngang KJ!" Sabi ni Ningning na nagiisip na rin ng mga sasabihin niya.

"Ready na tayo ha?" Sabi ni Ningning habang tinitignan sa mata isa isa ang mga kaibigan nito. Tumango naman sila pero mukhang hindi siya convinced.

"Okay, practice tayo. Ikaw mauuna Gigi." Sabi nito at sinenyasan ang asawa na magumpisa na.

Tumikhim naman muna si Giselle at pumwesto na para bang sige dyan sa may kanto. Sumeryoso na rin ito ng facial expression at matama siyang pinanonood ng mga kaibigan.

"Ito na ba yung sinasabi mo Rina?" Sabi ni Giselle at tumingin mula ulo hanggang paa sa imaginary persona ni Winter.

"Good! Good! Next na, Yeye." Tawag ni Ningning kay Yeji. Nakaupo lang si Yeji pero naka de kwatro ito habang ang mga kamay naman niya ay nakapatong rin dito. Mukha siyang madam!

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Kung kelan naikasal na kayo saka kayo magsasabi?!" Kunot na kunot ang noo ni Yeji. Nahampas niya pa nga ang lamesa sa harap niya. Effects daw yon para mas dama!

"Grabe yon, Yeye!" Puri ni Ning kay Yeji at pumalakpak pa. Nagbow naman si Yeji na akala mo tumanggap ng award sa pag acting niya.

"Okay, Chae. Go!" Tumayo naman si Chaewon at inikutan ang invisible at imaginary persona ni Winter.

"Subukan mong saktan si Karina, ako ang makakaharap mo." Sabi nito at umirap pa nga.

"Mga mare pwede na, pwedeng pwede na tayong maging set ng kontrabida sa buhay nilang magasawa." Tuwang tuwa si Ningning sa pag acting ng mga kaibigan nito.

"Asan yung sayo Ning?" Pagtatanong ni Giselle dito. Hindi kasi umacting si Ningning. Nagdirect lang siya.

"Mamaya pa yung sakin. Surprise." Natawa pa nga itong magisa dahil naisip niya ang gagawin niyang acting mamaya.

"Rina, andyan na ata yung sundo mo." Wendy said as she approached Karina who just finished changing her clothes. Natapos na niya ang commercial film na naka schedule ngayong araw kaya naman ay hinihintay niya nalang na sunduin siya ni Winter.

"Nasaan po?" Karina looked around searching for a familiar figure but she saw none.

"Nasa parking. Nasa loob siya ng sasakyang ipinanghatid rin niya sayo kaninang umaga." Tumango tango naman si Karina dito at hinanap ang phone niya mula sa bag.

Marriage BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon