You're my what now?!

9 0 0
                                    

7 years later..

"And.. cut!" Sigaw ng director. Last scene na yun ng film ni Karina na ipapalabas next year.

"It's great working with you, Karina." Sabi ng director at tinapik ang balikat nito.

"The staff made it easier to work din naman kasi Direct." Sabi nito at ngumiti. "Oh siya, sige umuwi ka na at magpahinga. It has been a long day." dagdag pa nito.

Kanina pa kasi nagpaalam si Karina na uuwi at hindi makakasama sa after party to celebrate finishing their shoot. Naibigay na rin naman niya yung mga token na inihanda niya para sa mga staff kaya pwede na siyang umuwi.

Pumunta na ito sa tent na assigned para sa kaniya at nang hindi makita ang manager nito ay agad agad niya itong tinawagan.

"Ate Wendy nasaan ka po?" Pagsasalita ni Karina nang sagutin ng manager niya ang tawag.

"Andito sa parking, kinukuha ko na yung sasakyan, wait mo nalang ako sa tent." Sagot ni Wendy at ibinaba na ang tawag.

Nagpalit naman muna si Karina ng damit. Paglabas nito ay nandoon na ang manager niya at inaayos ang mga gamit niyang iuuwi nila. Tinulungan na rin niya ito para mas mabilis, uwing uwi na rin kasi si Karina.

After 10 minutes, maayos na ang lahat at nasa sasakyan na sila.

"Nga pala Rina, tumawag ang mommy mo kanina." Pagsisimula ni Wendy, gayun din ay nagstart nang umandar ang sasakyan. Agad namang nabaling ang atensyon ni Karina sa manager niya nang mabanggit nito ang pagtawag ng magulang kanina.

"Ano po ang sabi ate?" Sabi ni Karina habang nakatingin ng masinsin kay Wendy.

"Idiretso daw kita ng hatid sa bahay ninyo, may kailangan daw silang sabihin sayo. Mahalaga daw." Tuloy tuloy na pagsasalita ni Wendy habang binabagtas ang daan patungo sa bahay ng magulang ni Karina imbis na sa apartment niya.

Simula nang grumaduate kasi ito at nagkatrabaho ay hindi na ito tumitira sa bahay nila. Gusto niya raw kasi yung may sarili siyang space dahil mas payapa. Medyo makulit kasi yung mga magulang niya at laging naghaharutan sa bahay kaya madalas ay humihingi ito ng peace of mind.

"Okay po ate." Napaisip naman ito na baka namimiss na siya ng mga magulang niya, ilang araw na rin kasi itong hindi nakakauwi para dumalaw dahil sa shooting nilang may kalayuan sa bahay nila.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng isang mansion na pagmamay-ari ng mga Yu. Bumaba na rin si Karina, at bago isarang muli ang pinto ay nagpaalam muna ito sa manager niya.

"Ingat sa paguwi ate Wendy!" Ngumiti naman ang manager niya saka niya sinara ang pinto. Nang unti unti nang naglaho ang sasakyan na minamaneho ni Wendy, saka palang ito pumasok sa loob.

"Mom?" Imbis na ang Mommy ni Karina ang sumalubong sa kaniya, kasambahay nila ang nakita nito.

"Andito na po pala kayo, ma'am." Bati nito sa kaniya.

"Andyan po ba sila Mommy?" Tanong ni Karina at inilagay na ang suot suot na sandals sa shoe rack nila.

"Opo ma'am, nasa kusina na po ang mommy at mom ninyo." Sagot muli ng kasambahay nila kay Karina.

"Sige po, puntahan ko na po sila." Pagpapaalam nito sa kasambahay. Mabait na bata yan si Karina, nasanay nang gumalang kaya kahit na kasambahay pa ang kaharap nito ay nagsasabi pa rin ito ng po at opo.

Napadaan si Karina sa living area nila, wala namang bago bukod sa mga bulaklak na naka lagay sa mga mamahaling vase ng mommy niya.

Bago pa makarating si Karina sa kusina ay narinig na niya ang hagikgikan ng mga magulang. Sumandal nalang ito sa pader para pagmasdan sila na ikinatuwa naman ng puso niya. Ilang taon na kasing kasal ang mga magulang niya pero wala paring pinagbago ang pagmamahalan at kaharutan nila.

Marriage BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon