More passion, more energy

6 1 0
                                    

Karina woke up the next day feeling so energized. Naka ngiti pa nga ito nang magising, like it was the most natural thing to do as soon as she woke up. Paano ba naman, umuwi yan kagabing hatid hatid ng part time asawa full time crush niya. At nang makauwi rin si Winter ay nagkatext pa sila bago matulog. Oo yang anteh niyo lumevel up pa uli kagabi, magkatext na sila!

"Good morning, ate Wendy!" bati ni Karina sa manager niyang kakatok pa lamang sana sa pinto ng apartment niya. Nagulat pa nga ito dahil sa biglaang pagbukas ng pinto kasabay ng pagsigaw ni Karina ng good morning.

"Hmm? Anong ganap? Ang taas ata ng energy mo ngayon Rina?" Tanong ni Wendy. Pababa na rin sila papuntang parking area, may photoshoot kasi ngayoni si Karina sa isang brand na ineendorse din niya.

"Guess what ate.." Excited na excited si Karina na magkwento, nagpopause pa nga siya for suspense daw. Suspense eh kitang kita naman sa mukha niya yung kilig! Para saan ang suspense don??

"Pamilyadong tao nako!" Nagtatatalon pa nga ito at umikot ikot nang makalabas sila sa elevator. Buti nalang talaga at maaga pa, wala pang katao tao sa parking space ng building ni Karina.

"What do you mean by that Rina?" Nagtatakang tanong ni Wendy habang binubuksan ang kotse para makasakay na sila.

"Legal na kami ni Winter sa parents ko at sa lolo niya! Isn't it amazing?" Ngiting ngiting pamamalita ni Karina sa manager niya, ginaya pa nga nito si Kim Chiu sa huling phrase na sinabi nito.

"How did that happen overnight?" Sinimulan nang paandarin ni Wendy ang sasakyan nila patungo sa venue kung saan gaganapin ang shoot ni Karina. Habang nasa byahe ay naexplain naman ni Karina ang mga kaganapan kagabi.

"And now that we're legal na sa mga parents and guardians namin, they wanted us to live together since we're married na rin naman. Lolo Minseok had also given us a house, Minjeong told me last night that we could move in anytime!" napatili pa nga ito nang maalala ang conversation nila ni Winter kagabi bago sila matulog.

"That's great news, Rina. But, I think you guys need to keep it as a secret muna, your relationship that is." Wendy said, parking the car at the parking space reserved for them.

Nasabi iyon ni Wendy dahil napansin kasi nito ang singsing na suot suot ni Karina sa palasingsingan niya. For Wendy, it was a new ring she never saw Karina wore. But it was the wedding ring Karina kept all these years and now is the first time she's wearing it in public.

Napahawak naman si Karina sa singsing niya. Hesitant and thinking whether to follow her manager or not.

"Rina, the film you just finished shooting last month will premiere next month. It will only ruin your career if you'll hint or even reveal to the public that you're currently in a relationship, moreso married." Litanya ni Wendy kay Karina. Nakatingin lang ito sa singsing niya.

"Ate Wendy~." She whined, protesting a little more but still followed what her manager suggested. Muli na lang nitong ibinalik sa kwintas ang singsing niya kahit na labag sa loob nito.

Bumaba na sila ng sasakyan at nagayos na upang makapaghanda sa photoshoot na gagawin nila in a few.

"Apo, have you told your wife about the house? The papers are all set and done, it just leaves you and your wife to move in." Sabi ng lolo ni Winter.

Kasalukuyang kumakain ng breakfast si Winter at ang lolo nito. May pasok kasi si Winter ngayon at ang lolo naman nito ay may kailangan ding asikasuhing appointment ngayong araw kaya sabay silang kumakain ngayon. Kadalasan kasi ay gabi lang sila nagsasabay, kapag ka naka uwi na si Winter galing sa opisina.

"Opo, I told her already last night." Sagot naman ni Winter bago muling sumubo para kumain.

"Good! It's a very accessible location so you both don't have to worry. But when are you planning to move in?" Pagtatanong muli ni Minseok sa apo nito. Excited na kasi ang lolo niyo para sa dalawang apo na niya ngayon. Mas excited pa doon sa mismong titira sa bahay.

Marriage BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon