Just go with the flow

4 0 0
                                    

Karina panicked as soon as she saw Winter. 'Ano ba naman tong buhay nato? Ang lakas mangtrip ha? Pag ito hindi pa binigay sakin this time, gawan natin ng paraan. Hindi pwedeng hindi!'

"Uhh.. mom can I use the comfort room for a second?" Paalam ni Karina. Hindi na rin nga nito hinintay ang sagot ng mga mommy niya bago ito tumayo at pumunta sa kinatatayuan ni Winter.

"And you're coming with me." Bulong nito kay Winter bago ito hinila palabas.

"Looks like they're getting along well." Natatawang sabi ni Minseok.

Nang makalabas ang dalawa ay agad na hinarap ni Karina si Winter.

"What are you doing here Ms. Kim? Why are you here?" Karina asked Winter na naguguluhan din.

"Lolo said I'm about to meet someone? Is it you? Akala ko ba you're already preparing for an arranged marriage?" Napahawak naman sa sentido si Karina. She's losing it.

"That's what my parents told me. Kaya we're here to meet my soon-to-be. Ano bang sabi ng lolo mo sayo?" Karina asked Winter. Nakakunot ang noo nito at magkatapat lang sila. 'Oh gosh! Crush ko nga pala to!' Napakagat naman sa labi si Karina nang marealize kung gaano sila kalapit sa isa't isa. Mahina lang kasi ang mga boses nila at baka marinig sila sa loob.

"Soon-to-be? Ang sabi lang naman ni lolo, we're here to meet some of my parents' friends.. and also their daughter. He doesn't said anything about marriage, I thought it was something like a blind date nga eh." Gulong gulo at litong lito na silang dalawa. Hindi tuloy sila sigurado kung sino ang paniniwalaan, kung mauuwi ba talaga sila sa kasalan o date date lang.

"We should ask them later. But the problem is our current marriage, Winter. Paano kapag nalaman nila na kasal na talaga tayo? What should we say?" They were both in deep thoughts. Paano nga ba?

"We're taking too much time, Karina. I don't have any plans as of the moment but for now, the best thing we could do is go with whatever flow there is. We'll talk later after, depending on how things would go. Okay?" Wala na silang maisip, at medyo nagtatagal na rin sila. Naririnig na rin ni Karina ang pagnonotify ng phone nito kapag may new messages siya kaya naman tumango na ito at inayos ang sarili.

"Teka. Akin na phone mo." Nagtataka namang binigay ni Winter ang phone kay Karina at pinagmasdan lang nito ang pagtipatipa sa phone niya. Biglang tumunog ang phone ni Karina at iwinagayway ang phone sa harap ni Winter.

"That's my number, I've saved it for future purposes." Ngumiti pa ito ng matamis sa kaniya bago muling pumasok sa loob ng reserved room nila.

Napatingin nalang ito sa contact number na kakasave lang sa phone niya. 'Your Wife' pa nga ang nilagay nitong contact name. Napailing na lang si Winter at ibinalik na ang phone sa inner pocket niya bago muling bumalik sa loob.

"Minjeong, apo dito ka. Tabihan mo si Karina." Pagpasok ni Winter ay naiba na ang pwesto ni Karina. Hindi na siya katabi ng mommy Jisoo niya kundi ay katabi na ng lolo Minseok ni Winter.

Sumunod naman si Winter at umupo sa tabi ni Karina. The main course and dishes were getting served din nang dumating si Winter kaya tahimik lang ang lahat habang iniintay matapos ang pagaayos ng mga pagkain.

Nang makaalis na ang mga servers ay tumikhim ang lolo ni Winter para makuha ang atensyon nila.

"Let's eat first mga anak." Sabi ni Minseok at agad naman silang nagsimulang kumain.

Karina was eyeing a dish, to be specific, it's a dish near Winter but too far for Karina to reach. Napansin naman ito ni Winter kaya agad itong bumulong sa katabi.

Marriage BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon