ᴥ
Half A Year Later
"Puta! Tama na!"
"Argh! Tigilan mo ako!"
"Hindi nga ako ang kalaban!"
Napahilamos ako sa mukha at bago lumabas habang may kinakausap sa cellphone.
"Po? Yes... After the school year ends?... Yup, that's after three months... Okay lang po ba? Mag-iipon rin po ako that time para sa one year advance na bayad para sa apartment... Opo, salamat po. Thank you, Sir."
Finally, nakiusapan ko na ang dating may-ari na binilhan ko ng apartment. Doon pa ako maninirahan after ng school year. Kailangan ko na ng tahimik na lungga.
Inangkin na kasi ng iba.
Andito naman ang tatlo. Wala namang problema sa akin dahil minsan lang ako sa bahay dahil sa part-time job ko. Pero napapadalas na sila ngayon kahit nga noon pa man, at hindi ko na iyon nagugustohan. Matagal ko ng tinitiis 'to. Ako na nga lang mag-a-adjust.
"Kuya Tads, sama ka?"
Taka akong tumingin kay Brycyl nang bigla niya akong tanungin pagkatapos kong makapasok mula sa pinto ng kusina. Naroon rin siya, umiinom ng juice.
"Next week. Plano naming maligo sa beach. Sama ka kaya, Kuya Tads?"
Sumingkit ang mata ko. Alam ko na 'yan.
"Dahil kailangan niyo ng sasakyan kaya inaaya niyo ako, psh," iniwas ko ang tingin na parang nagmamaldita.
Tinawanan niya ako, "Yikes! Syempre para makapagbakasyon ka! 'No ba yan? Puro ka na lang trabaho?"
"Kayo na lang. May utang pa ako," I waved my hand to dismissed her.
"Nooooo!"
Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa pag-iinarte niya at parang may balak pa magpa-cute para makuha ang loob ko. Inirapan ko na lang siya bago umakyat sa itaas para kunin ng susi ng sasakyan saka bumaba para pumunta sa trabaho.
Nagtaka naman ako ng sumunod palabas ang tatlo sa akin at nakasunod ang tingin sa akin nang pumasok ako sa kotse. Kunot nuo ko silang sinilip ng paalis na ako. Kita ko pa ang kamay nila na naka-'ok' sign tsaka kumaway pero hindi naman sa akin nakatingin.
Nasa main highway na ako ng may biglang sumulpot mula sa backseat at umupo sa shot gun seat. Nasubsob siya nang bigla ako'ng nag-break.
"Tangina Kuya Tads! Hinay-hinay naman!"
Speechless ako'ng sinundan siya ng tingin pagkatapos umupo na sa shot gun seat.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Sasamahan ka," ngumiti siya sa akin.
Tinaasan ko siya ng isang kilay, "Tutulungan mo ako sa trabaho ko? Very well."
"Hindi," umiling siya. "I-bo-boost ko fighting spirit mo habang nagta-trabaho ka."
Trip ng isang 'to?
I side eye glance her and said nothing. Kahit ang ingay niya buong byahe hindi ako sumagot o nagbigay ng komento kahit pa pinipilit niya ako.
Pagdating sa shop na tinatrabahuan ko may tinawagan pa siya.
"Kairita kayo!"
'Yun ang narinig kong bungad niya sa kausap bago ko sinara ang pinto ng kotse.
Obviously, gusto nila ako maging driver sa lakad nila. Ayaw ko nga. Sino ba sila. May pera naman ang mga 'yun.
YOU ARE READING
Love You Like A Romance
Roman d'amourIt was a bizarre feeling to believe in. A volatile romance if it should have been. A feeling hard to condone. The love that should not be shown. Was uncontrollably blown. Was it deserving to give and have? By a man named Tadeo, that fell in love? ...