Chapter 3: After 6 years

373 10 4
                                    

Chapter 3: After 6 years

SAMANTHA

------ o ------

True enough, kasama ko pa rin sila Jerome at Francis hanggang ngayon na 3rd year High School students na kami. Lumalapit na nga din pala ang J.S. Prom, sino kaya ang makaka-partner ko? I’m getting excited by the day. Ayan, I pretty much grew out of my English speaking habit, mainly, dahil na rin sa aking kinalakihang environment at sa dalawang mokong na palagi kong kasama. Nakakapag-speak pa rin naman ako paminsan-minsan, pag tipong iinisin ko si Francis. Sabihin na nating yun ang huling bala ko panakot sa kanya..haha.

Anong nangyari for the past six years? Let’s do a recap. (showtime lang ang peg). We three still live in the same apartment complex near our previous elementary school. Since, nakatira lang kami malapit sa isa’t-isa, magkakasabay kami palagi pumasok ng school pati na rin kapag uwian. Minsan nga, naghahabulan pa kami pauwi, pagdating naming sa gate ng apartment todo hingal kami. Ayun nga, naturuan ko si Francis sa English subject at naka-graduate sya ng Grade Six na 90 ang grade nya. Simula kaya nung natuto sya, he won’t allow me to talk to anyone else but him, para daw lalo syang matuto.

Every day we would recall the lesson by Teacher Mae, so he can understand it thoroughly. I taught him the whole dictionary at kung paano gagamitin ang bawat word sa sentence. As for Jerome, pinapahiram nya ang apartment/house nila para dun kami makapag-lesson ni Francis. Ang pamilya lang naman ni Jerome ang nagmamay-ari ng buong apartment complex na tinitirhan namin.

Bla bla bla…Jerome and Francis let me into their tree house and that’s when we made a pact that we will all be BESTFREINDS forever, whoever breaks that vow will be killed with the stabbing of forks..haha. Just kidding! We didn’t make a vow; we just became the best of friends under the wild and unexplainable circumstances.

They taught me how to play basketball—to dribble and shoot hoops. Muntik na kaya ako maging one of the boys, buti na lang nagkaroon ako ng mga girl na friends, napalayo ako sa kanila ng konti during Grade 5 but unfortunately, they are too plastic for me. Hindi tuloy ako naging part of any girl group after the incident. Masyado kasi silang nainggit na close ako kay Jerome na masasabing heartthrob ng school. They just kept asking me to hand their love letters to Jerome, which, in any case, ay hindi ako pumayag. Ayun, nagalit sila sa akin kasi FC (feeling close) daw ako kay Jerome, na hindi ko pinansin, dahil mag-Besfriends talaga kami eh..haha. Take that mga plastic! Bestfriend niya ako  at mga STALKER lang kayo!

Jerome graduated as the valedictorian when we finished our primary schooling, Francis was the 8th honourable mention and as for me? I finished second, the salutatorian of our batch.  We all transferred to the same High School “Colegio Sta. Catalina”, the oldest school in town. You may say because their surnames both start with an ‘A’, they always have seats close to each other and I kind of feel left out at times but they make sure to throw a crumpled paper at me na may nakasulat na ‘Okay ka lang ba dyan?’ tatango lang ako palagi at alam na nila yun.

We celebrated each other’s birthdays with our families altogether in the apartment’s empty space, off course, some of the apartment tenants joined in, lalo na yung mga matagal nang nakatira dito na friends na rin ng pamilya nila Jerome at Francis. Ang pinaka-memorable eh yung birthday ni Francis last year, August 15, pinahiran kaya namin syang lahat ng icing ng cake, punong-puno pati damit nya….haha. Such a great day, buti hindi umulan nung araw na yun, ang saya talaga.

I got used to my whole new life sooner than I’ve expected and I’ve realized that taking a big step towards change is not really that bad. You get to experience more and eventually, I learned to love my new life, the new people, the new environment, and off course my two bestfriends. Wait, back up on that. I love my bestfriends? What am I saying? That can’t be!  I can’t LOVE both of them. That would be…

JEROME

------ o ------

Next month na nga pala ang J.S. Prom, hindi ko pa alam kung sino ang dadalhin ko as my date, sabi ni Sam ayaw nya pumunta may gagawin daw kasi syang importante sa araw na yun. Ang girlfriend ko naman, may reunion daw kasama ang family niya. So, I might end up having no one to take as my date to the prom. Baka yung kapatid ko na lang ang gawin kong date. May mga nakababata nga pala akong kapatid—si Chelsea Mae na 12 years old at si Nigel, seven years old. Hindi naman mahirap papayagin si Chelsea Mae, kapag nabili ko na sya ng susuotin na dress at sapatos, makakatangi pa ba sya?

Speaking of, isusuot, wala pa din akong isusuot na tux para sa Prom. Asan na ba kasi si Francis, ang tagal naman bumalik eh. Kanina pa ako dito sa apartment nila, nakikain na ako ng tanghalian at lahat, wala pa din. Hanggang kelan nya balak mag-basketball? Sinabihan ko naman sya kahapon na aalis kami para pumili ng susuotin namin. Hindi ko alam kung nakalimutan nya o nananadya eh. Pero ayos lang, masarap naman magluto nanay nya.

May narinig ako biglang talbog ng bola galing sa labas, tapos bumukas na ang pinto. Tumatawa si Francis, pumasok sya ng pinto, pumasok si Sam kasunod nya, sinara nya at nagulat sya nung nakita nya akong nakaupo sa sofa nila. At bakit nya kasama si Sam? Naglaro sila ng Basketball, hindi ako isinama?

“Hi Jerome!” bati ni Sam sabay upo sa tabi.

“O Tol, anung ginagawa mo dito? Binaba nya yung bola sa sahig.

“Diba pipili tayo ngayon ng isusuot sa J.S.?! Sinabihan kita kahapon ah!” kalma lang ako pero pasigaw ng konti ang pagkakasabi ko.

“Ngayon ba yun? Akala ko sabi mo sa susunod na bukas.” Ha, anu daw? Sinabi ko yun?

“Hindi ko matandaang yun ang sinabi ko.” ang sabi ko sabay iling.

“Inaya kasi ako ni Sam mag-Basketball.” Kinutusan ng palambing ni Francis si Sam.

“Pipili na kayo ng susuotin? Can I come?” paalam ni Sam.

“Bakit?” tanong ko.

“Para mapagtawanan ko kayo.” Itinaas nya yung kilay nya habang tinitignan kaming dalawa at ngumingisi.

“Ayoko! Pagtatawanan mo lang pala kami eh.” Awat ni Francis. Pinag-iisipan ko pa yung isasagot ko eh. Biglang may pumasok sa isip ko. Since ka-size naman siguro ni Sam si Mae. Siya na lang ang isasama ko para magsukat ng dress at shoes para kay Mae.

“Hayaan mo na siya sumama, Francis. Ako na ang bahala sa kanya.”

“Yehey. Kasama ako! I’ll take a quick bath. Intayin nyo ko ha.” Hindi na niya kami inintay sumagot, kumaripas na siya ng takbo papunta sa apartment nila.

“Ako din maliligo lang.” at pumunta na sya sa banyo.

-----------

Sorry kung medyo maikli...It's the best I can come up with :)

I've added a picture of Khalil Ramos(Francis) and Enrique Gil(Jerome)...

 Please vote and comment! :D

3 is an Odd NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon