JEROME
------ o ------
"Naka-uwi ka na?! Nasan ka na?" nagulat ako sa biglang dating ni Sam.
"Oo. I'm here. Surprise!" yung boses niya nga parang ang lapit lang eh.
"Wow na-surprise talaga ako." pero binaba na ata niya ang telepono niya. "Hello. Hello. Sam?"
Biglang may naramdaman akong daliri na tumutuldok-tuldok sa likod ko. Humarap ako sa kanya.
"Jerome." pag-irit niya. Nagpanting ng konti ang tenga ko at niyakap niya ako agad. "I missed you so much." sabi niya sa balikat ko.
"Na-miss din kita Sam. Teka. Hindi ako makahinga." inalis niya ang mga braso niya sa pagkakaikot nito sa leeg ko at nag-sorry. "Bakit biglaan naman yata ang pagdating mo?"
"Let's just say...tumakas ako." pangisi niyang sabi.
"Ano? Panong tumakas?"
Pumunta kami sa garden sa likod ng apartment at doon kami nakapag-usap ng maayos. Sinabi niya sa akin lahat ng nangyari sa kanya sa California. At base sa kwento niya, hindi siya naging masaya sa pagpunta niya dun.
"Alam na ba ng Mama mo na nakabalik ka na?" tanong ko.
"Oo. Diba cellphone niya yung ginamit kong pantawag sa'yo?"
"Ay oo nga pala."
"How are you and Crizelle na?"
Sasabihin ko na ba? Pero ang mag-bestfriend hindi nagtatago ng sikreto sa isa't-isa diba? Inisip ko muna ng saglit bago ako nakapag-salita.
"Wala na kami."
"What? Anung nangyari?" gulat niyang tanong.
"Siya ang nakipag-break. Hayaan mo na."
"That's..." nakita ko ang pag-galaw ng mata niya na para bang kumislap. "So sad." pilit na sabi ni Sam.
"Wag na nga yan ang pag-usapan natin. Nasan na pasalubong ko?"
"Mamaya na yun." tumawa siya. "Eh. Nasan nga pala si Francis?"
FRANCIS
------ o ------
Ang sama-sama ng pakiramdam ko. Hindi ako makabangon sa higaan. Nilagnat ata ako dahil sa pagligo sa ulan. Trankaso na nga ata 'to eh. Pero kinailangan namin mabasa ng ulan para manalo kami sa laban.
---
Last two minutes ng game. Lamang ang kalaban ng dalawang puntos. Kailangan namin ng isang matinding depensa para hindi na maka-score ang kalaban at bago maubos ang oras, dapat may magawa kaming three points at ako ang inaasahan nilang gumawa nun.
~Humingi kami ng time out
"Jepoy bakuran mo si 16 para masira opensa nila." pag-cocoach ko bilang team captain. Tumango siya na ibig sabihin ay naintindihan niya. "Paolo depensahan mo ang ring. Wag mong hayaang maka-score sila."
"Yakang-yaka ko na yan." pag-kumpirma niya.
Inikot ko ang tingin ko sa iba kong mga kagrupo na humihingal ng matindi dahil na rin sa pagtakbo ng walong minuto sa court ng sagad.
"Dalawang puntos lang ang lamang nila at may dalawang minuto din tayo para hindi na madagdagan yun." sabi ko habang tinuturo ang score board.
Nakikita ko naman ang determinasiyon sa mga mukha nila na gusto nilang mapanalunan ang championship para sa ikatlong taon."Wala dapat tayong sayangin na oras. Okay." nilagay ko ang kamay ko sa gitna. "Purok tres sa bilang ng tatlo." isinama ng mga ka-teammate ko ang mga kamay nila. "Isa. Dalawa. Tatlo." sabay-sabay naming sinigaw "PUROK TRES!"
Pumito ang referee na hudyat na sisimulan na ulit ang pag-galaw ng oras.
Matinding depensa ang ginawa namin nung napunta sa amin ang paghawak ng bola, nang isang minuto na lang ang natitira sa oras, bumuhos ang malakas na ulan. Nag-alisan nga yung mga taong nanood para makahanap ng silong. Pero kami, tuloy lang sa paglalaro para sa kampiyonato.
Hindi nagpapatalo ang kalaban, sinusubukan talaga nilang maka-kuha ng kahit isang two-point shot para wala nang matirang pag-asa para maka-score kami.
Patuloy lang ang pag-buhos ng matinding ulan.
Last ten seconds ng game.
Hingal na hingal na kaming lahat, maging ang mga kalaban namin. Masyado nila kaming pinapahirapan.
~Ten
Naagaw ni Jepoy ang bola mula kay number eight. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko sa labas ng three point line.
~Nine
Nakuyog si Jepoy ng kabilang koponan at hindi siya maka-alis, wala din siyang mapasahan,
~Eight
Pero nakalapit si Paolo at naibigay sa kanya ni Jepoy ang bola.
~Seven
Agad din naman niyang ipinasa kay Richard.
~Six
Tumakbo siya papalapit ng ring para sa tsansang maka-overtime.
~Five
Nabigo siya sa binabalak niya at bigla niya akong nakita.
~Four
Ipinasa naman niya agad sa akin.
~Three
Tinignan ko ang kinatatayuan ko. Nasa labas ako ng three point line. Eto na. Tumutulo-tulo pa ang mga patak ng ulan mula sa noo ko.
~Two
Pumorma ako para maka-shoot. Lumapit ang bantay ko na si number twelve. Pinunasan ko ang tubig mula sa mata ko gamit ang balikat ko.
~One
Tumalon ako at tinulak ang bola ng malakas papunta sa ring. At pansing bumagal ang takbo ng oras.
~Tumunog ang buzzer
"Three points mula sa Purok Tres!" sigaw ng announcer. "Pasok na pasok yun, Pards."
"Yes!" napasigaw na din ako sa sobrang tuwa.
"At ang 2013 Champion ng Baranggay Basketbolan ay ang Purok Tres!" nagpalakpakan na ang lahat kasabay ng malakas pa ring buhos ng ulan.
Ayun, nanalo nga kami pero nagkasakit naman ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kahit nung pumunta ako ng banyo, para akong lasing maglakad. Hilung-hilo ako pagbalik ng kama. Pati laman at buto ko masakit.
"Anak. Okay ka lang ba talaga? Aalis na ako. Papupuntahin ko na lang dito si Jerome ha." pagpapa-alam ng nanay ko nang pumasok siya ng kwarto ko at naupo sa higaan. "Binilin na kita sa nanay ni Sam ha. Si Mercy. Bakit kasi ngayon ka pa nagkasakit? Hindi ka tuloy makakasama sa probinsya."
"Ayus lang ako nay. Kaya ko na ang sarili ko. Ingat na lang ho kayo sa biyahe." mabagal kong sabi.
"Yung gamot mo ha. Huwag mong kakalimutang inumin."
"Opo."
"Sige." tinapik niya ang pisngi ko at tumayo na para umalis.
-------------------------------------------
Surprise talaga! Dahil double-update ang ginawa ko. Sana nagustuhan niyo..
Kaya naman... VOTE and COMMENT na. Tara!
Salamat in advance sa mga boboto at mag-cocomment. MAHAL KO KAYO!!!
--OpalCookies xx
BINABASA MO ANG
3 is an Odd Number
FanfictionWhen three people cross paths and become the best of friends, one may sometimes be forced to choose. Sino ang pipiliin mo, ang sinisigaw ng isip mo o ang tinitibok ng puso mo? Mahirap ang magkagusto sa bestfriend mo lalo na't hindi mo masabi ng dire...