FRANCIS
------ o ------
Mabuti na rin siguro na si Sam ang umalis para hindi na kailangan pa na AKO ang lumayo sa kanya.
Hindi ako gaanong kasigurado kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Sam. Sobrang naguguluhan talaga ang isip at puso ko.
Alam ko mahal ko siya bilang kaibigan simula pa nung dumating siya, pero parang nag-iiba kasi ang kahulugan nung pagmamahal na yun nang lumipas ang maraming taon na nakasama ko siya.
Pakiramdam ko, mas lumalim ang kahulugan ng pagmamahal ko para sa kanya. Pero hindi naman pwedeng sirain ko ang pagkakaibigan namin diba?
Tama nga siguro si Jepoy, kung hindi ko bestfriend si Sam, niligawan ko kaya siya? Kaso hindi na mangyayari yun. Dahil nandun siya at nandito ako. Nakiki-ayon na din ang mga pagkakataon.Kaso nakaka-miss din pala kapag walang maingay na Sam para mag-cheer sa'yo tapos tatawanan ka kapag may mali kang nagawa. Nakaka-miss yung ngiti niyang abot langit, yung tawa niyang masarap marinig kahit nakakinis pakinggan, at nakaka-miss din ang mala-aghel niyang boses kapag inaasar niya ko ng pagkanta niya. Kahit sabihin nating maganda rin ang boses ko, walang tatalo sa boses niya na tagos sa puso kapag narinig mo.
"Pre. Anu nanaman ba iniisip mo?" tanong ni Jepoy na inalis ako sa pag-iisip. Habang iniintay namin yung ibang kagrupo namin. Dapat kanina pa sila nandito eh. Usapan ten-sakto. Tumirik na ang araw at lahat, kami pa lang din ni Jepoy ang nandito.
"Ha. Wala. Ang tagal kasi nila dumating."
"Oo nga eh. Pero maiba tayo. Iniisip mo talaga kanina si Sam eh. Ngumingiti ka kaya mag-isa."
"Ako ngumingiti mag-isa?" tumawa ako ng mahina. "Hindi kaya. Bakit ko naman iisipin ang taong wala naman dito?"
"Yun na nga eh. Wala siya dito, kaya hindi mo mapigilang isipin siya." hindi naman kapani-paniwala mga pinagsasasabi nito. Dahil dun, tinitigan ko siya na para bang nasisiraan na siya ng bait.
"Pasensya na mga pare. Na-late ako. May pinabili pa kasing tanghalian nanay ko" bigla namang dating ni Paolo. Napalingon kami agad nang papalapit na siya. Nakaligtas ako sa interrogation ni Jepoy.
"Ikaw pa lang? Asan na sila?" naunahan akong magtanong ni Jepoy.
"Oo ako lang. Aba, anung malay ko kung nasan sila." pagtataka ni Paolo. "Kayo pa lang?"
"Hindi ba halata?" sagot ko.
Ilang minuto din, pagdating ni Paolo, lumitaw na din yung iba at kampanteng-kampante pa sila habang naglalakad sila papalapit sa inuupuan naming tatlo nila Jepoy. Nagtatawanan yung tatlo at yung isa naman nag-didribble pa ng bola.
"San kayo galing?" pagtatanong ko. "Usapan ten."
"Oo nga. Ten naman kami dumating eh. Akala kasi namin dun sa kabilang court. Kaya dun kami pumunta. Buti na lang tinext kami ni Paolo." pagdadahilan ni Cedric.
"Sa susunod kasi makikinig kayo maige sa usapan."
"Opo boss." pabirong sabi ni Richard. "Sorry na po."
Tinali ko ng mahigpit ang sintas ng sapatos ko, nag-banat konti ng muscles gamit ang mga warm-up exercises at sinimulan na namin ang huling ensayo para sa tunay na laban bukas.
May punto si Jepoy, kailangan ko mag-focus sa game namin at wag isipin ang taong gumugulo lang sa concentration ko.
SAMANTHA
------ o ------
I'm currently at the mall and Aunt Marie insisted that I buy boxes worth of chocolates that I wanted. And believe me if I say that I bought every kind of chocolate I laid eyes on. Masunurin ako. Aba! Chocolates ata yan. Sinong matinong tao ang tumanggi sa chocolates? Ay, yung mga may diabetes...hehe.
BINABASA MO ANG
3 is an Odd Number
FanfictionWhen three people cross paths and become the best of friends, one may sometimes be forced to choose. Sino ang pipiliin mo, ang sinisigaw ng isip mo o ang tinitibok ng puso mo? Mahirap ang magkagusto sa bestfriend mo lalo na't hindi mo masabi ng dire...