SAMANTHA
----- o ------
They took me to the school clinic and the cheerful nurse tended to my wound.
"Sorry ha. Hindi ko talaga sinasadya." the boy with glasses said with total concern.
"Kadiri dugo." the second boy pointed out, then walked out of the room. I laughed after he left.
"Does he have a phobia for blood?" I asked, still laughing. He looked at me questioningly, maybe processing his answer.
"Uhmmm, yes phobia...hehe" he said, unsure. "Ako nga pala si Jerome Alvarez. Ikaw, what's your name?"
"I'm Samantha Marie Morrison. You can call me Sam, for short." I answered him nicely.
"He's Francis Alfonso. Ung nasa labas." Jerome said in introduction to his friend, while smiling and gazing out to his friend trying to send a telepathic stare saying 'hey, help me here. I don't have loads of English to say' but giving me an honest smile.
He looks so cute with the dimple on his right cheek. I can't help but admire it. Oh my! Is this what they call--love at first sight.
I shifted uncomfortably in my seat 'cause the ointment that the nurse was dabbing on my wound, hurt a bit and his cuteness was on overload.
"What's your grade?" Jerome wondered.
"3. You?"
"Pareho tayo. Grade 3 din ako." he smiled again, I smiled in return.
"Really?" I said giddily.
"yes, section C. How about you?"
"Yeah me too. 3-C. What a coincidence." now I'm excited and astonished.
The bell began to rang as the nurse placed a bandage on my elbow. "Ayan, tapos na." the kind nurse said, patting my arm gently.
"Jerome, tara na! Malelate na tayo." Francis appeared from the door.
"Oo, sige tapos na. Halika na Sam." he waved at me to come along. "Thanks po miss Ana." he thanked the nurse as I gave her a smile.
"Thank you miss Ana. Bye" being so grateful to the nurse that had tended to my injury. We all stepped out of the clinic and headed to our classroom.
"It's room 124 right?. Our homeroom?" I asked to no one in particular. Yes, I checked my schedule before I got to school so I woudn't be lost.
"Kaklase ka namin?" Francis asked in surprise.
JEROME
----- o -----
"Oo, classmate natin sya. Siya si Sam." ako na ang sumagot ng tanong ni Francis para kay Sam.
Kaya pumunta na kami sa room 124, baka ma-late pa kami at mapagalitan ni Teacher May--adviser ng Grade 3 section C, teacher namin sa M.A.P.E.(Music, Arts, Physical Education). Mabilis maglakad si Francis kaya sya ang nauna sa pinto. Sumilip muna sya dun sa maliit na bintana ng pinto.
"Okay, wala pa si Teacher May. Hindi pa tayo late." sabay bukas ni Francis sa pinto.
Kinabahan naman ako ng konti nun. Buti na lang mabagal kumilos yung teacher namin. Teacher din kasi namin sya nung isang taon. Naku, napakabagal mag-discuss ng lesson, laging over time, ayaw kasi mag-suot ng relo. Pero ang masaya sa klase namin, magaling sya kumanta, sumayaw at maglaro ng sports. Lagi din nya kami pinag-peperform sa harap kaya laging nagtatawanan ang klase kapag may pumipiyok o natatapilok sa pagsayaw.
"Jerome! Dito oh may upuan pa!" nakahanap na kaagad ng upuan si Francis sa panglawang row. Sakto, tatlo.
Umupo na kami ni Sam sa tabi ni Francis. Nasa kanan ko si Francis at nasa kaliwa ko naman si Sam.
Bilang first day ng klase, syempre maingay ang mga kaklase ko. Andyan yung mga nagyayabangan nung mga bago nilang laruan, mga nagkukwentuhan tungkol sa mga ginawa nila nung summer--yung mga pinuntahan nilang beach at kung saang lupalop man ng Pilipinas, yung isa dun sa likod-si Brian- nag-dodrawing lang sa bago nyang notebook, yung isa nag-aaksaya ng papel--ginagawang eroplano at ikinakalat sa classroom.
"Anong tinitingin-tingin mo ha?" narinig kong sabi ni Josephine mula sa bandang kaliwa ko. Nilingon ko sya, si Sam pala ang pinagsasabihan nya. Umikot si Sam sa upuan nya para humarap ulit sa board. Muka syang kabado, nanlalaki yung mga mata nya.
"Josie, wag kang ganyan." ipinagtanggol ko si Sam. Josie ang gusto nyang tawag sa kanya, masyado daw pang-matanda yung 'Josephine' at ang pag-pronounce ay dapat daw 'Jowsey' hindi 'dyosi', kailangan daw may accent. As usual, si Josie, nagpapaka-JOWSEY, ang pinakamataray sa mga kaklase ko simula nung Grade 1. Ang mga kaibigan nya, ganun din, nahawa ata sa kanya.
"Wag mo na sya pansinin." bulong ko kay Sam. "Ayaw nyan ng tinititigan sya, maarte kase."
FRANCIS
----- o -----
Yung mga klase bago mag-recess, walang ginawa si Jerome kundi kausapin yung bagong dating na estudyante at partida, may english pa syang sinasabi ha. Nakakapagtampo lang, kasi ako ang bestfriend nya. Hindi na ako pinansin nung dumating tong babae na to. Etong babae naman, english ng english ang sakit sa tenga.
Nag-ring ang bell na hudyat ng recess.
Tumayo ako, nag-inat ng mga kamay at sabay sabi ng "Yes, favorite subject ko! Woohooo! Recess na!"
"You're weird." sabi ba naman sa akin ni Sam sabay tawa ng mahina.
"O tapos?" patawa na din tong babaeng to eh.. kabago-bago nag-aasar agad. Di pa nga kami close eh. Tinuloy lang nya yung pagtawa nya. "Halika na nga Jerome. Kumain na tayo." inaya ko na si Jerome papunta ng canteen pero isinama nya din si Sam.
Naku tong si Jerome, in-love na agad kay Sam, porket maganda. Ano ba ikinaganda nyan? Maputi at inglisera lang naman. Sa isip ko - 'Buti pa yung taste ko sa girls mas maganda..haha, ikumpara ba? OO, ang tipo kong babae, yung natural lang ang dating, walang arte, yung SIMPLE lang ba. Yun ang maganda. Eh etong si Sam...hmmmp.'
Sa isip ko pa din 'Etong si Sam, pakipot pa, halata namang may gusto sya kay Jerome. Dadating ang panahon, makikita ko rin ang prinsesang para sa'kin.'
Medyo puno na yung canteen nung dumating kami. Yung iba nakaupo na sa mga table at nakain na, yung iba nabili pa lang. Naghanap na kami ng table.
"Uhmmm, Sam, what do you want to eat? My treat." tanong ni Jerome.
"Ah ako, gusto ko ng burger." sinagot ko yung tanong ni Jerome.
"Hindi naman ikaw yung tinatanong ko. Si Sam ka ba? Tsaka, hindi naman ikaw yung nadapa kanina diba?"
"Nay! Bakit sya ililibre mo tapos ako hindi?" protesta ko kay Jerome.
"Anything will do actually." pa-cute sa sagot ni Sam. Tinignan ko sya ng medyo masama.
"Sige, ibibili na lang kita ng Sandwich" alok ni Jerome.
"Sige Jerome. Ganyan ka."
Nung lunch, kasama din namin si Sam. Di ko lang sya pinapansin.
Dun kami nakaupo sa usual spot naming dalawa ni Jerome--- 'DATI', kasi may nakikisali na---sa ilalim ng puno ng narra, sa gilid ng field, nature friendly kasi ang school namin.
Nabili pa nga pagkain nya si Jerome, kaya na-stuck ako kasama nitong si Sam. Kapag tinitignan ko sya nakatingin din sya sa akin tapos ngingiti tapos iiwas agad ako ng tingin. Ayoko nga sya kausapin, baka ma-nose bleed lang ako sa kanya. 'Ang tagal ni Jerome bumili'
"What are you thinking?" biglang sabi ni Sam.
--------------------------------------------------------
Update to go... Kung sino man ang nagbabasa nito. isang malaking THANK YOU. Kaya vote, comment, or share na para everybody happy :)
next chapter: Friends for life
BINABASA MO ANG
3 is an Odd Number
Fiksi PenggemarWhen three people cross paths and become the best of friends, one may sometimes be forced to choose. Sino ang pipiliin mo, ang sinisigaw ng isip mo o ang tinitibok ng puso mo? Mahirap ang magkagusto sa bestfriend mo lalo na't hindi mo masabi ng dire...