After 7 years ( Part 5 )

31 0 0
                                    

Lumipat si Josh sa School kung saan ako nag-aaral. Yun lang kasi malapit na school dito ...

Ay, nananadya ba ? sabay talaga kami ni Josh pumasok ? Tsk ... Badtrip ... Ayoko kasama 'to sa kotse ... Sana mag-commute na lang sya noh >__<

Pero ayaw ni Tita at Mommy. Sabay na dw kami pumasok ni Josh sa school simula ngayon.

Ay nakakainis na talaga -___- ano bang tumatakbo sa utak nila Mommy at ni Tita ...

------- FAST FORWARD -------

Eto na, nasa school na kami sa wakas .... ndi kami nagpansinan ni Josh sa kotse.

Halos lahat yata ng babae nakatingin samin ni Josh. Hala ano iniisip nitong mga 'to ?

Tinawag ako ni April, friend ko ..

" Charisse ! " tas lumapit sya samin ni Josh ...

sabay bulong sakin. " uy bhes, cno yang kasama mo ? ang cute nya ahh :) "

sbe ko nman ... " Kababata ko bhes, kaya lng ndi nya na ko kilala. Ang sungit na nga ehh .. di naman ganito dati 'tong lalaking 'to. "

biglang nagsalita si Josh ...

" Charisse ano ba ? san ba classroom natin ? "

" Ah ? ano magkaklase tayo ? maghanap ka ng section mo ... " natatawa kong sabi kay josh.

" Sabi ni Mommy classmate tayo. Arte mo ! "

tas dumiretso na kami sa classroom.

pag upo ko chair ko bigla din umupo si Josh sa likod ko.

" Ano Josh ? jan ka uupo ? wag ka jan ... dun ka sa dulo ... "

" Sabi ni Mommy, wag daw ako lumayo sayo ehh ... "

" Ehh basta. pag ikaw nanggulo jan sa likod isusumbong kita kay Tita Faye. "

" Opo boss ! " pagalit nya sabe sakin.

Masunurin naman pala 'tong si Josh ehh xD

Pati sa break time kasama ko si Josh. pano ba naman kasi, sunod ng sunod ... wala kasing friends sa school >:D

---- FAST FORWARD ----

Gosh ! ndi ko nadala ung baon ko. panu ako kakaen ?

Tskkk * Lunch Time *

" Bhes, tara punta na tayo sa canteen, kain na tayo. " sbe ni April.

" Ahh ... Bhes .. kasi ano ... naiwan ko yung baon ko sa bahay. wala akong kakainin ngayon. wala din akong dalang pera. "

sakto naman na bumili si Josh ng pagkain. ooooops ! dalawa ? para sakin kaya ung isa ?

Ang assuming ko. :D

" Oh Charisse ... "

" Ano yan ? "

" Malamang pagkain... Ano tingin mo dito ? libro ? "

" Alm kong pagkain yan. Pero para san nga yan ? "

" Tignan mo lang. Baka mabusog ka . " pilosopo nyang sagot.

" Pilosopo ka din ehh noh .. Pra kanino naman yan ? "

" Baka sa Principal .. Malamang sayo ! Para naman tong tanga magtanong "

" Ehh bkit mo ko binilan ? "

" Wag daw kita pabayaan sabi ng Mommy mo. sumusunod lang ako. "

Kinilig ako sa sinabi nya ... wag daw nya ko pabayaan :"> Sa totoo lang, inlove pa din ako kay Josh di ko lang pinapahalata.

After 7 years ( Part 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon