[CAHAYA’S POV]
“Girrrlllll you're hereeee pala!!” hindi ko na kailangang tignan kung sino ang tumili, I know it's her. My friend, Rothy. Ang babaeng hindi alam ang salitang ‘mahinahon’. Nakangiting tinignan ko s'ya at pinagtaasan ng isang kilay. Hah! Told u, girl.
“Ano ba? Ang aga aga napaka ingay mo, teh”
“Ano ka ba! Masaya lang ako to see you here tsaka isa pa, I thought talaga hindi ka papayagan ni titabels” jeez ito nanaman tayo sa conyosonisis n'ya na sakit. Oo, sakit n'ya talaga 'yan at wala s'yang balak na ipagamot
“Hindi nga.” Gulat na tinignan n'ya naman ako, and I just smirked at her while flipping my hair
“O M G!!!!!! DONT TELL ME YOU TANGGAP HI—-” I immediately covered her mouth at pinandilatan s’ya ng mata. Pinag tinginan kami sa sigaw n'ya eh, hayp na babaeng ‘to
Sakto naman na pagka tanggal ko ng kamay ko sa bibig n'ya, ay ang pag pasok ng prof namin. Naramdaman ko naman na umupo na si Rothy sa tabi ko kaya hinahayaan ko nalang
“Good day, everyone. I am Professor Crysanthos Alphonse, and it is my honor to welcome you to this Law Negotiable class” napalunok ako nang matapos siyang magsalita. Masyado kasing seryoso at 'di ako sanay
“Isang sem lang sir?”
“Sir, kahit buong buhay mo ako ako turuan!”
“Gawin mo ng hanggang second sem. Sir!”
“Pwede rin sir hanggang fourth year!”Kanya-kanyang side comments ng karamihan. Nakita ko namang napangiti siya dahil sa mga naririnig sa mga kaklase ko, tss malandi. Inikot n'ya ang paningin sa buong klase at nag tama ang mga mata namin, ngumiti siya at bahagyang yumuko. I just rolled my eyes at him.
"Okay. As it's our initial meeting, take a moment to introduce yourselves both to me and the class. Afterward, I'll have a follow-up question for each of you."
“Sir para namang highschool!”
“Sige sir para makilala mo na future wife mo!”Napatingin ako sa sumigaw no’n at nakita ko ang grupo ng mga babae sa harapan na nagtatawanan pa. Nabaling ang atensyo ko sa harapan nang tumawa ang prof namin.
“Hahahaha sorry class but I already have a girlfriend” kanya-kanyang reklamo naman ang iba. Ano ba naman ‘tong mga ‘to. Narinig kong tumatawa si Rothy sa tabi ko kaya tinignan ko s'ya at tinaasan ng kilay. Gumanti naman ang gaga
“What?” Tanong pa n'ya habang natatawa. Inismiran ko lang s'ya na mas lalo n'yang ikinatawa. At napansin naman siya ng lahat dahil don.
“Mukhang may gusto mauna, class” sabi n'ya habang nakatingin sa gawi namin. At dahil makapal ang mukha ng kaibigan ko, tumayo s'ya agad kahit wala namang sinasabi na siya ang mauuna. Minsan din talaga lumalabas pagiging mag kalahi nila ni Jollibee eh
“Hi Guyssss! I am Rothaine Bartolata, but you can call me Rothy!, 19. BS legal management, may jowa hihi at best friend ni Cahaya. Hi mamsh!” napahawak ako sa noo dahil sa sinabi n'ya at sa pag kaway n’ya sa'kin kaya naman ang iba ay napatingin saakin. Nakarinig naman ako ng iilang komento mula sa kalalakihan. Maganda naman kasi talaga si Rothy, model pa kaya matangkad at balingkinitan ang katawan
“Ehem so Ms. Rothy, why Legma?” Tanong naman ng prof namin
“Para cool!” At nagtawanan ang karamihan sa sagot n'ya. Itong babaeng ‘to talagaaaa!
“Kidding aside, Sir. I chose this course due to my family's background in this field. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng inggit kay Roth, dahil bukod sa galing s'ya sa angkan ng mga abogado, suportado pa siya ng mga magulang n'ya. Kahit nga siguro hindi ito ang tahakin n'ya, ay susuportahan pa rin siya.
“Are you familiar with Atty. Rony Bartolata?”
“He's my father, Sir.” she proudly stated.
“I see. You may take your seat, Ms. Bartolata”
Pagtapos ni Rothy magpakilala ay nag-unahan naman ang iba sa pagpapakilala. Kaya nagdecide ako na mapahuli nalang.
“Huy! Bakit ‘di ka pa sumunod sa'kin?” Tanong nito matapos umupo
“Hayaan mo na. Maraming gustong mauna” at dumukdok nalang ako sa desk ko while waiting for my turn. Prof, huh? Mukhang alam ko na ang plano n'ya.
Maya-maya lang ay ako na ang tumayo para magpakilala.
“Cahaya Vivienne Madrigal, 19, freshmen, Bs Legal Management”
“Ohhh she's pretty”
“Target locked pre”
“Pustahan mapapasagot ko agad yan”Komento ng ilang kalalakihan. Tinarayan ko lang sila at napatigil ang lahat nong kumalampag ang mesa
“Quiet, class!” I smirked at that. Sabi na eh.
“So, Ms. Cahaya, why did you choose Legal Management?” Seryosong tanong nito at tinitigan ako. Hindi ako nagpatalo at diretsong tinignan din s'ya bago sumagot
“No emotional and deep reason, Sir. I really feel like I belong in here” I saw him smiled after hearing my answer. He just nodded at me at iminuwestra na pwede na akong maupo.
Nagpaliwanag lang siya ng iilan tungkol sa subject namin at ang mga dapat naming iexpect sa subject n'ya.
“Class dismissed. We'll see each other tomorrow.”
Pagtapos ay dali-daling lumabas ang mga kaklase namin, tatlo nalang kaming naiwan dito sa loob ng room
“You, two, meet me in my office” sabi n'ya samin ni Rothy at umalis na
“Mauna ka na, Roth. Cr muna ako” sabi ko sa kan'ya at nakita kong nag-aayos na siya. Tsk.
“Ocakeeees” sabi n'ya habang naglalagay ng lipstick.
Lumabas na ako ng room para pumunta sa cr at tinawagan s'ya. Isang ring pa lang ay sinagot na n'ya, mukhang expected na n'ya na tatawagan ko s'ya.
“Tangina, ano ‘yon?!” Agad kong sabi pagkasagot n'ya sa tawag. Nainis ako lalo nang marinig ko ang tawa n'ya
“We'll talk later once you get in my office, hon.” ‘yon lang at pinatay n'ya na ang tawag.
Inis na lumabas ako sa cr para dumiretso sa opisina ni sir Crysanthos. At muntikan na akong mapamura sa naabutan ko.
“What the?!” Mukha namang balewala lang sa dalawa at sinimangutan lang ako ni Rothy
“Girl, sana tinagalan mo pa sa cr ‘di ba?” Sabi n'ya at kumandong pa kay Crys. Ikinatawan naman ng isa bago s'ya halikan sa leeg. Kadiri naman ‘tong dalawang ‘to!
“Sorry, Ms. Cahaya. Kanina ko pa gustong gawin ‘to sa girlfriend ko. You know, I can't resist her” sabi n'ya na ikinatawa naman ng isa. Tinaasan ko nalang sila ng kilay.
“Oh? So bakit need pa ako rito? Ano? Need n'yo ng audience o look out?” Masungit na tanong ko. Kainis kasi eh maglalampungan lang pala kailangan andito pa ako
“No. Actually inutusan n'ya akong sabihin sa'yo na hihintayin ka n'ya sa office n'ya for lunch. Siya na rin bahalang magpaliwanag tungkol dito” sabi nito.
“Go na gurl! Puntahan mo na para ‘di ka na mainggit saamin” pagtataboy naman ng walangyang kaibigan ko. Pinandilatan ko lang siya ng mata at pabalibag na sinara ang pinto pagbalabas ko.
Hinanap ko agad ang kotse ko pagkarating sa parking lot, magtutuos tayo mamaya, at marami kang kailangan ipaliwanag, Caius.

BINABASA MO ANG
A Legal Love
No Ficción"A Legal Love" explores the delicate balance between matters of the heart and the pursuit of justice.