[CAHAYA'S POV]Pagkarating sa school ay agad akong dumiretso sa building kung nasaan ang next subject ko. Hopefully, hindi ko kaklase si Rothy rito. Please lang gusto ko muna ng katahimikan at hindi makakatulong ang bunganga n'ya chos
Naghahanap ako ng bakanteng upuan pero mukhang maraming estudyante ang nag enroll sa subject na ‘to at teka, bakit parang karamihan ay mga lalaki?
“Good afternoon, class” sabi ng isang babae na pumasok sa room at wari ko’y prof namin ‘to rito. She's sexy and beautiful, no wonder na ang daming lalaki na nag enroll sa subject na ‘to
"To those unfamiliar with me, I'm Atty. Liane Sandoval, your professor for Introduction to Law and Legal Research. In my class, there's just one rule: punctuality is crucial; tardiness is strongly discouraged." Nagsitanguan naman ang mga kaklase ko at sinang-ayunan ang sinabi n'ya. Ang iba nama’y pinupuri siya. Tss, lalaki ng naman.
“Okay since this is our first day and I guess we have some freshmen here, I'll entertain some questions” sabi n'ya at umupo sa desk habang naka dekwatro, may iilan na sumipol dahil sa ginawa n'ya pero agad n'yang tinapunan ng tingin ang pinggalingan non kaya natahimik din sila, at ng dahil sa sinabi n'ya, nagsilipatan ang iba sa harap. Hahayaan ko nalang sila, wala rin naman akong balak magtanong.
“Attorney, may boyfriend ka na po?” Dinig kong tanong ng isa. Ikinatawa naman ito ng huli at akala ko babalewalain n'ya ang tanong pero mali ako dahil sinagot n'ya ‘yon
“Wala. But I'm eyeing someone” umani naman ng sari’t-saring komento iyon mula sa mga kaklase kong chismoso’t chismosa
“Ay grabe, ma'am! Ikaw na ‘yan oh bakit hindi pa nagiging kayo?” Ani ng isang babae sa gilid. Sus, ayaw n'yo lang magturo eh kaya dinadaldal n'yo
“Hahahaha pakipot pa eh” sabi n'ya na parang kinikilig pa. Luh?
“Ikaw na ‘yan atty, tinatanggihan pa?” Segundo nitong lalaki sa harap ko.
“He's worth the wait naman, and I know for sure na saakin din s'ya babagsak” lakas maka kontrabida ng peg ah
“Pwede po bang malaman kung sino? Pabulong naman ma'am”
“Oh sige saatin-atin lang ha? Dahil natutuwa ako sainyo, I'll tell you his name hmmm…” tumayo pa s'ya at umakto na parang nag-iisip habang palakad-lakad sa unahan
“Si Attorney pasuspense pa!” Reklamo ng iilan
“He's the famous Atty. Caius Natividad. We're schoolmates from our prelaw school up to law school” napaangat ang tingin ko sa kan'ya, at halatang parang proud na proud pa s'ya sa inannounce n'ya. Pakiramdam ko'y para akong sinasakal sa narinig ko. Halos nakaramdam ako ng insecurity at napatingin sa sarili ko.
"Ayy si Atty. Caius, pre, talo na tayo" sabi ng isang lalaki sa harap
"Yieeee bagay kayo, ma'am! Nakita ko 'yon si Atty. Caius noon, napakagwapo" hindi ko ko kinakaya ang mga naririnig ko, naiirita ako.
“Excuse me, atty. I need to go to the restroom” tumayo na ako at hindi na hinintay ang sagot n'ya, dumiretso na ako sa cr at nilock ang sarili sa isang cubicle. Kaklase pala mula college hanggang law school ah? At talagang sigurado raw siyang mapapasakanya si Caius. Bakit ganito nararamdaman ko? Para akong nilalamon ng kung ano. Nakakasakal.
Sakto namang tumunog ang cellphone ko at ng makita ko kung sino ang tumatawag, napahigpit ang kapit ko rito. Sasagutin ko ba? Bahala na. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at nilagay sa bulsa ko, nag-ayos na ulit ako para bumalik sa classroom.
‘Pagbalik ko ay saktong nagpapaalam na siya sa klase, kinuha ko nalang ang bag ko at tumuloy na para sa susunod kong klase.
Pag punta ko sa room ay nakita ko si Rothy na nakikipag-usap sa kung sino. Kaklase ko pala siya rito. Napansin naman n'ya agad ako kaya todo kaway ang gaga akala mo contestant sa miss universe oh
“Mamsh!!! Hereeee!!!” Lumapit na ako sa kan'ya at nginitian s'ya ng tipid
“Why we're not kaklase sa Taxation?” ayan nanaman po siya sa sakit n'ya
“Don't know. I just attended my class at Intro to Law and LegSe” I simply answered her, I don't feel like talking, but as usual, Rothy's being herself, malamang ay hindi ako tatantanan
“Ganon? I think mag enroll ako there so para maging classmates us! Isn't that amazing?” Jusko, Lord.
“Whatever makes you sleep at night, gurl”
“Hihihi you don't wanna know what's making me tulog at night” napatingin ako sa sinabi n'ya. Bwisit na babaeng ‘to hanggang dito ba naman
“Iwww” hinampas n'ya naman ako dahil sa sinabi ko
“Maka iww ka! Am sure naman na ginagawa n'yo rin ni atty yon hihihi” hayp na tawa ‘yan akala mo inaasinan eh.
Pero naramdaman kong natahimik s'ya, dahil ata sa naging reaksyon ko. O dahil nakita n'ya ang dumaang ekspresyon sa mukha ko
“Is there anything wrong? Nag fight ba kayo because of my bebe? Ito naman! Patawarin mo na, pumayag din ‘yon si anek dahil for me”
“Nah, we already had a discussion about it. May iba lang akong iniisip” sabi ko at dumiretso na ng upo. Hindi na s'ya naka sagot dahil dumating na ang prof namin at pinakilala lang ang subject n'ya para sa aming mga freshmen. Isa’t kalahating oras lang ang tinagal ng pagtuturo nya. At wala na akong klase ngayon kaya pwede na akong umuwi.
Napahinto ako sa iniisip. Uuwi...
“Hayst! May isa pa akong subject, gurl! Mauuna ka na ba? Alis na ako ah, ingat! Mwaps!” Madaling sabi ni Rothy at patakbong umalis
Pagkarating sa parking lot ay nagulat ako sa nakita ko. It's him. And he's not alone. He's talking to that girl, Liane, mukha namang busy sila sa pag-uusap. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa nakita pero isinawalang bahala ko nalang at duniretso na sa sasakyan ko.
Pagkasakay ay pinaandar ko na agad ito at sinadya kong dumaan sa gilid nila. Nakita ko namang nagulat si Caius at madaling sumakay sa sasakyan n'ya, hind ko na napansin kung nagpaalam ba s'ya sa kausap dahil madali ko nang pinatakbo ang sasakyan ko.

BINABASA MO ANG
A Legal Love
No Ficción"A Legal Love" explores the delicate balance between matters of the heart and the pursuit of justice.