Hindi na batid kung saan nga ba talaga ito patungo,
Buong buhay ko na yata ay napupuno ng pagsusumamo.
Kung sakaling ang daigdig sa'kin ay tuluyang guguho,
Ang bawat kasaganahan ba sa damdamin ay tuluyang maglalaho?Nagmimistulang abo ang daan-daang pangarap,
Pati sa salamin ay siyang nahihirapan humarap.
Diretsahan lamang ang tingin sa mga medalyong nakasabit;
Dinig na dinig ang pagbuntong hininga at mga luhang may sinasambit.Ngunit hindi angkop na karapat-dapat magmadali,
Sapagkat pinipilit na lamang magpakalibang sa bawat sandali.
Bahagyang inilapag muna ang aklat ng dunong,
Pero mananatiling ang pagbabago ay isusulong.
Malayo-layo pa ang daan patungo sa unahan,
Kaya halina't tayo muna ay tumahan.Matulin na tinakbo ang kay lawak na kapatagan,
Upang ang bukas na puso't isip ay makaramdam ng mintis na gaan.
Sa maaliwalas na kinabukasan ay patuloy mag-aalay,
Kasabay ng pagpapalipad sa saranggolang makulay.Kay tamis sigurong matamasa ang kalayaan!
Kung hindi lang ipinagkait ang aral ng matiwasay na kinabukasan.
Tayo na't humayo para ipagpatuloy ang mahaba-habang lakbay,
At itaga sa bato na kailanma'y hindi na hahangarin pang sumablay.