Sa dinami-raming rebelasyon sa kalawakan,
Tumumbas pa rin sa taglay mong kaalaman.
Mahahagilap pa kaya ng aking teleskopyo
Ang ngiti mong sa araw ay 'di nagkakalayo.Pangarap ko na masilayan ang mga bituin
Sa pagtitig sa'yong mga mata nang palihim.
Bakit ba'y kasing kisig ka pa rin ng mineral?
At hindi basta natitinag ng bawat kemikal.Hindi ko matansya ang wastong timplada,
Kung ang pawang eksperimento ay umiinda.
Sa iyong boses ay labis akong napahanga;
Maski sa kalangitan ako'y napatunganga.Tingin ko'y huli na nang aking napagtanto,
Kung bakit sayo ako'y natutuwa nang husto.
Para bang pinilit ko na itulak ang ebolusyon,
Kung ang pagsinta'y isa lamang na ilusyon.Hindi nasisiguro kung pati ba ang agham
Ay masasagot ang mga teoryang inaasam.
Mawawari kaya sa iba-ibang konstelasyon
Ang nag-iisang kaibig-ibig na konklusyon.