Pinagmamasdan ang mga hampas ng alon,
Nagsusumamong sa kabigatan ay aahon.
Maililigtas pa kaya sa karagatan ng sala?
O sa isang bangka'y maiiwang nag-aalala?Habang patuloy na nilalakbay ang aplaya,
Nangangarap maging tagak na malaya.
Mula sa isip na parang sa pukot nakaratay,
Pilit na namihasa sa nalikhang mga latay.Marahil, mapapa-halakhak lang ang dagat;
Kung ang pagyapos ng ulap ay dito inilapat.
Nakatayo't tinatanaw pa ang kapanglawan,
Patuloy inilalathala sa lumang talaarawan.Ang panarili'y hindi na kailanman ikakahiya,
Sa ini-rolyong papel na nakasilid sa botelya.
Mga paumanhing dala ng simoy ng hangin,
Nagbabakasakaling ito'y ibubulong sa akin.