Chapter 4

1K 13 9
                                    

Vhong's POV


Eto na yung opportunity na hinintay ko. To work with her. Kaya hindi ako nagdalawang isip pa nung kunin ako ng company nila Anne. Pero bakit ngayong halos araw araw ko siyang nakikita at nakakasama, parang natotorpe naman ako? Aaaaargggg! This is not the usual me! Pero bakit pagdating sa kanya tumitiklop ako?

Pero kailangan ko ng lakasan ang loob ko. It's NOW OR NEVER! Mamaya si Vicky pa ang magbuko sa'kin sa bestfriend nya. Lalo na't napaamin nya na ko nung isang araw.

FLASHBACK:

I was staring at Anne while she's busy working at her cubicle. Ang ganda talaga nya. Pero ngayong nakilala ko na sya. Di lang sa panlabas yang kagandahang meron sya. Sobrang bait nya pa! Biruin mo, sya ang head ng team, pero never syang nagpatawag ng "Ma'am". Kaibigan at barkada ang turing nya sa lahat. Balita ko may sinusuportahan pa syang charity. Sino ba namang hindi maiinlo--

"Hoy Vhong! Umamin ka nga! Inlove ka sa bestfriend ko noh?!"

"Ha? Ano? Bakit mo naman nasabi?"

"Kung nakakatunaw lang ang pagtitig, kanina pa tunaw yang si Anne! At kung wala kang gusto sa kanya, bakit "Hindi" agad ang isinagot mo?"

PATAY! Bakit ba ang talino ng baklang 'to? Buking na ko. Sabagay mas okay 'to. Bestfriend nya 'to. Mas maganda kung aamin na ko sa kanya.

"Okay---

"Kita mo na! Sinasabi ko na nga ba! Naku! Naku! Naku!"

Tignan mo 'to, wala pa nga akong sinasabi kung makapag react ganyan na agad!

"Fine, oo na. May gusto na ko sa kanya" Mahal ko na nga eh!

"I knew it! Ano kelan ka magtatapat? Kelan ka manliligaw? Naku bilis bilisan mo Vhong! Maraming nakapila dyan!"

"Hindi ko pa alam, nag-iipon pa ko"

"Nag-iipon? Eh ang dami dami mo namang datung! Bakit mo pa kailangang mag-ipon? Hindi naman yan choosy kung saan kayo mag-dadate. O baka naman yayayain mo agad pakasal? OMG!"

"Wag kang O.A! Nag-iipon pa ko ng lakas ng loob!"

"Lintek na lakas ng loob yan Vhong! Ang dami mong kaagaw! Gusto mo bang ako na lang magsabi ha? Sabihin mo lang! Ano ngayon na? Aaann--" Sabay takip ko sa bibig nya. Buti na lang at busy si Anne. Kung hindi, nabuko pa ko ng wala sa oras!

Tinamaan Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon